chapter 2 - plan

2.5K 96 63
                                    

SNOW'S POV

"Okay class goodbye. See you tomorrow" tiningnan ko lang ang mga kaklase kong nagligpit ng kanilang mga gamit. Kung wala rin naman akong maintindihan sa klaseng to, ba't pa ako magaaksaya ng oras magsulat? Napakaboring pa ng teacher.

Nung makita ko si Sunny kasama ang mga kaibigan nya papalabas, agad nadin akong sumunod para batiin sya.

"Hi Sunny!" Ngumiti na ako at lahat lahat pero nihindi man lang nya ako binigyan ng tingin, "Sabay ka na sakin kumain"

"Ayoko" mataray nyang sagot. No hesitation payun ah.

"San ka ba pupunta?" Tanong ko ulit. Hindi nya parin ako pinansin.

"Sabing ayoko diba?! Ba't naman ako papayag na sumama sayo, ano ako shunga? You're so weird, leave me alone"

Pati ako nagtataka kung pano ko nagustuhan tong babaeng to. Well she's pretty, smart, rich atsaka ang lakas pumorma— hindi ko lang alam kung saan napunta yung kabaitan.

"Rainnie!!" Rinig kong sigaw nya bago tumakbo papunta sa isang lalaking matangkad na kung titingnan mo sya for the first time, lalaking lalaki yung dating— ngl pogi nga naman sya dahil sandamakmak na pampaganda ang nilagay sa mukha nya. Pero well, he's Rain. Isang bakla.

Tiningnan ko lang sila kahit gutom na gutom na ako.

"Rainnie, sino kasama mo?" Tanong ni Sunny dito habang nakakapit sa braso ni Rain. Tingnan mo to. Kung kaya nyang mainlove sa isang lalaking may pusong babae, ba't di nalang sa babae pero may pagkalalaki.

Syempre dahil LALAKI si Rain. Bobo naman Snow. Pero kahit na. Nakakainis naman kasi isipin na sa bakla pa mapunta ang interest nya.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Kung ano yung sitwasyon ko kanina, nangyari naman kay Sunny. Kaya dapat alam nya yung feeling na mageeffort para mapansin ng taong gusto nila, "Ayoko sayo eww eww eww wag mo kong hawakan!"

Ewan ko sayo Sunny, ketalino mong tao pero ambobo mo pumili ng lalaki. Ano bang nakita ng magaganda nyang mga mata sa nakakadiring bakla na yan? Yung eyeliner sa mata?

Don't get me wrong, he stood out dahil sa mga mata nya and even though I hate him, I had to admit.

"Hoy" and here I am, unconsciously following him. Well, aware ako na sinundan ko sya coz I just think I had to. Time nadin siguro na macurious.

"Bakit mo ko sinusundan?" Tanong nito sakon pero hindi parin sya tumigil sa paglalakad kaya hindi narin ako tumigil. Hindi rin ako sumagot.

"Ano ba!" Humarap sya sakin kaya napahinto ako. Tinaasan nya ako ng kilay at nagtaray pa kahit hindi naman bumagay sa mukha nya.

Ano bang sasabihin ko? Wala. Wala akong masabi.

Tangina naman nito.

"Psh" bulong ko bago ko sya iniwan dun.

RAIN'S POV

What's with that weirdo? Kung hindi lang nya hawig si Froze Medina, baka kanina ko pa yun sinaksak sa mata. She's nothing like Froze other than the face and overall she's scary asfck. Hindi mo talaga alam intensyon nya sayo pag iaapproach ka nya— kung tatakutin ka lang ba or may balak na patayin ka. Creepy.

Well she's Froze's sister, I'll tolerate her dahil crush ko yun dati. Pero for now, I have my Thunder in the present.

Look at him in his usual stance, nakasandal sa locker nya habang may binabasang libro. Too hot for my liking.

Lumapit ako sakanya at binati sya. Hindi sya lumingon sakin kaya tinabihan ko sya at tiningnan kung ano yung binabasa nya. Mukhang focus na focus sya sa pagbabasa eh.

[✔] BOOK I : The Love CycleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora