chapter 18 - unexpected

1.2K 69 26
                                    


(A/n; Legal po ba yung ilalagay ko yung mga mukha ng mga magulang nila?? Hahahaha lol ang chiks at ang popogi no? Lol 😂 anyways, hindi ko alam kung namention ko na ba ang name ng daddy ni snow pero anyways, ito nalang po yung name ng daddy ni snow lol hahahaha)

Snow's POV

"Kuya bilisan mo! Ang bagal mong kumilooooos!!" Ginulo ko ulit ang buhok ko nang marinig ko ulit ang 'WAIT LANG' nya. Nakakairita na talaga. Ano pa ba ang ginagawa nya sa loob ng kwarto nya? Naubusan ba sya ng brief? Tinatago pa ba nya yung two piece nya sa damit nya?

Djk, hindi bakla si Kuya.

"Nandito na" at sawakas, bumaba na rin ang kumag.

"Ang tagal mo talaga. Mahiya ka naman sa nag-invite satin" sabi ko sakanya at tinulungan syang magbuhat ng mga gamit nya.

"Ako na wag mo na akong tulungan" sabi nya at tinalikuran ako. Hinayaan ko nalang sya at pumasok na ng kotse. Nandoon na si Mama at Papa. Yes, si Kuya lang yung hinintay namin.

"Ang tagal mo naman makababa Froze. Mas lalaki pa kumilos tong si Snow kesa sayo eh" sabi ni Papa. Tumawa naman si Mama at tinapik ang balikat ni Kuya.

"Pa, I told you—"

"— hindi lalaki ang kapatid ko" panggagaya ni Papa sa boses ni Kuya, "Oo alam ko yun anak. Biro lang naman yun. Ngumiti ka naman minsan" pero inirapan lang sya ni Kuya.

"Ma, anong resort daw?" Tanong ko.

Tiningnan nya ang screen ng iPod nya. Sinearch nya pala yung location ng resort sa google map. Binasa ko yung pangalan ng resort.

"Fall Resort?" Pagbasa ko sa pangalan.

Tumingin naman si Mama sakin at ngumiti, "Resort ito ng tita Victorina mo. Alam mo bang matagal nang missing yung anak nila? Ngayo'y nahanap na nila, napag-isipan nilang magkikita ulit kaming apat na magbarkada. Excited na akong makita yung mga anak nila!"

Lumapit ako sa upuan ni Mama, "Maganda po ba yung isa sa mga anak nila?" Tanong ko. Narinig kong umubo si Kuya sa likod ko, "ah! Nabalitaan ko ring pogi yung lalaking anak ni tita Jamie he he he diba kuya?" Tumingin ako kay Kuya para makita yung reaksyon nya. Sinagot nya ako ng isang irap.

"Wag na wag kang lumapit sa mga lalaki doon" sabi ni Kuya. Agad naman akong tumango.

"Kasi sa girls lang—"

"No" napasimangot ako. Ang boring naman kung ganun.

"Anak naman, wag masyadong protective sa kapatid mo. Hayaan mo yan doon. Alam nya ang mga ginagawa nya" sabi ni Mama. Tumango naman ako at sinubukang iconvince si Kuya.

"Oo nga Kuya. Hindi ka ba maaawa sakin? Mag-isa lang ako dun. Ang boring naman pag ganun diba?" Sabi ko sakanya.

Huminga naman sya ng malalim at irap ulit.

"Just boys" this time, ako naman yung umirap.

"Oh man" bulong ko.

Hindi pa nga talaga sya naniniwalang hindi na ako tomboy.

-

Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at napatingin sa labas ng kotse nang huminto na si Papa. Binuksan ko ang pinto at agad na bumaba.

"ELSAAAA!!!" Napatingin ako sa babaeng sinigaw ang pangalan ng Mama ko.

Isang magandang babaeng lumapit samin kasama ang pogi nitong husband. Pinagmasdan ko lang sila tita Victorina at tito Jack. Hindi ko pa sila nakita sa personal pero nakita ko na sila sa mga pictures ni Mama.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now