chapter 45 - ex?

1K 52 24
                                    


Sunny's POV

Tinupi ko ang tissue at tinitigan ito. Wala pang isang minuto ay nagsimula ulit akong umiyak. Buti nalang at walang tao dito sa inuupuan ko kundi baka mapagkalaman akong baliw dito.

Dinikit ko ang tissue sa pisngi ko at suminghot. Everytime na lalabas si Rain sa isip ko, sumasakit naman yung dibdib ko. At the same time naman, kinakabahan ako. I don't want him to hate me. Ayokong magkahiwalay kami. Parang pinatikim lang ako ni kupido ng isang linggo tapos mawawala na. Ayoko nun! Ayokong pakawalan ang pinaghirapan ko.

Tinapon ko ang tissue sa basurahan at pumunit ulit ng bago tsaka tinupi. Paulit-ulit lang, parang feeling ko nga mauubos ko na yung luha ko dahil sa kakaiyak ko.

"Are you done now?" Agad akong tuminghala nang marinig ko ang boses nya. Bigla akong nanginig at agad na napatayo.

Bago pa ako makapagsalita ay nilagay na nya ang daliri nya sa labi ko, "Ako muna" sabi nya at pinunasan ang pisngi ko.

"Rain I'm sorry" sabi ko pero napairap nalang sya.

"Sabing ako muna diba?" Mataray nyang tanong kaya napayuko ako. Agad naman nyang inangat ang mukha ko at tumitig sakin. Wala narin akong ibang maggawa kundi ang tumitig din pabalik, "May naggawa ka bang kasalanan?" Tanong nya. Kunot-noo lang ang naisagot ko pero maya-maya'y dahan-dahan akong umiling., "Then what are you sorry for?"

"See? Wala kang ginawang masama so dapat hindi ka magsosorry sakin. If you thought namimisunderstand ko yung kanina, you're ultramega wrong Sunlight" napalunok ako nang marinig ko mula sakanyang labi ang full name ko. He never calls me that dahil kilala ako bilang sa pangalang Sunny, "Sunlight... " paguulit nya kaya namula ako, "Kilig ka naman"

Sinamaan ko sya ng tingin kaya ngumisi sya. Hindi narin ako pumalag dahil ang role ko ngayon ay isang listener hindi complainer. Ganern.

"You really have to know what kind of boyfriend I am Sunlight. I'm more than those typical boys na nakilala mo coz I'm Rain and I love twists"

"Rain, straight to the point na tayo please. I don't get it. If it's not really a misunderstanding, bakit ka nagwalkout? Bakit mo ko hinayaan kay Baylie? Bakit hindi mo ko hinila paalis? Why? I want you to answer that" sabi ko sakanya.

I think natrigger ko sya nung banggitin ko si Baylie dahil saktong-sakto, napaiwas sya ng tingin. Nagcross-arm sya pero nakaiwas parin yung tingin nya sakin.

"Because I pity him. He's so damn pathetic" sabi nya at tumingin sakin. His dark eyes met mine and I know he's serious right now. Aura palang alam mo nang nawala na ang kaluluwa ng kabaklaan nya. That's why I chose to stay silent, "Alam mo ba kung gano ko tinorture sa utak ko yung Baylie na yan nung sinabi sakin ni Naiah na nagkabalikan kayo? I know it's not true pero kumulo bigla ang dugo ko nang marinig ko yun. Nung dumating ako sa locker, saktong nakadikit ka na sakanya pero kung hindi lang sana bobo yung lalaking, edi naniwala na ako sa patibong nya. I hate how he smirked at me when he touched you kaya mas lalo akong natrigger at alam kong may binabalak nanaman yun. I hate his smirk, so haaaaate it na sa puntong ayoko nang makita ang pagmumukha nya! Which also means, I want to kill him!" Tinaas nya ang kamay nya at nagkunwaring may hawak na kutsilyo tsaka pinagsasaksak ang hangin, "When he told me I ruined his precious moment, tinawanan ko lang sya sa isip. Hindi nya naisip na masyadong syang kawawa, damn bastard. Dahil I'm a merciful person, hinayaan ko nalang sya sa imaginary precious moment nyo" tinapos na nya ang pagsasalita nya kaya napahinga ako ng malalim. So okay na Sunny? Hindi sya galit sayo, walang hiwalayan na magaganap.

"...but that will be the last time na makikita ko syang kasama ka. If he will going to take you away from me, hindi lang suntok at pagsipa sa betlog ang maabot nya sakin. Take it down and pin it, lagi mo yang tatandaan"

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now