chapter 7 - bother

1.3K 84 68
                                    

SNOW'S POV

Naglakad kaming apat nina Sunny, Melody at Caramel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglakad kaming apat nina Sunny, Melody at Caramel. Nasa harapan si Sunny habang nasa likod naman tatlo. Syempre underlings lang naman kami.

"Girls, shopping tayo mamaya?" Sabi ni Sunny.

"Oh sure!"

Napatingin ako sakanilang tatlo.

"Tapos magc-club tayo after"

Anong club?

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakanila. Hindi ako masyadong mayaman kagaya nila. Baka gawain yun ng mga mayayaman eh. Swear, wala talaga akong alam dun.

"Baka hindi ako makakasama" sabi ko sakanila.

"Edi wag!" Masungit na sabi ni Melody. Hinampas naman sya ni Cara ng mahina at napairap ito pabalik. Tumingin si Sunny kay Melody bago tumingin sakin.

"Why?" Tanong nya.

"May-"

"SINGKIT!!" napatingin kami sa sumigaw. Tangina, bakit singkit parin yung tawag nya sakin?

Tumakbo si Rain papunta samin. Nakakabigla nga eh. Marunong pala sya kumilos na parang tunay na lalaki.

"May chika ako- I mean may sasabihin ako! Tara bilisan mo" sabi nya at hinila ang braso ko. Pinigilan ko naman sya.

"May... May gagawin pa ako" sabi ko sakanya. Nilakihan ko sya ng mata at binigyan ng 'nakita-mo-naman-na-kasama-ko-sya-diba-look'. Mukhang napansin naman nyang kasama ko si Sunny dahil napatingin sya dun.

"Pahiram" nakangiting sabi nya kay Sunny bago ako hinila paalis. Nagulat naman ako dahil dun.

Wala na akong choice kundi ang hayaan syang hilain ako. Hindi ko alam na ang lakas din pala ng mga bakla. Dinala nya ako sa Dance Room.

"Tangina mo" nginitian nya lang ako sabay peace sign. Akala nya siguro hahayaan ko lang sya no. Kinurot ko ang nipple nya.

"Beshie naman peace na nga kasi" sabi nya at hinimas ang dibdib nya.

"Hindi ba to makapaghintay?" Tanong ko.

"Hindi talaga beshie" sabi nya at binuksan ang pinto ng Dance Room. Pumasok kami dun at pumunta naman sya sa sound system para iconnect nya yung phone nya dun. Lumapit naman ako sa salamin para ayusin yung mukha ko.

"Ano ba yung kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Kailangan kong imaster yung steps na tinuro ni Greyson samin. Gusto ko tingnan mo yung sayaw ko para maperfect ko. Dapat maimpress ko si Thunder bibi ko" sabi nya. Umirap ako at umupo sa gilid ng Dance Room.

"At tinawag mo pa ako dahil lang dito" sabi ko. Ngumiti ulit sya. Alam ba nyang naiirita ako sa mga ngiti nyang mala-rectangle.

 Alam ba nyang naiirita ako sa mga ngiti nyang mala-rectangle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon