chapter 28 - inlove?

1.2K 58 28
                                    


Snow's POV

Agad kong binagsak ang katawan ko sa naghihintay kong kama. Isang pikit nalang at hihilain na ako ng antok. Pero kailangan ko munang gisingin ang sarili ko.

Kinuha ko ang phone na nilagay ko sa ibabaw ng unan ko at binuksan yung group chat namin.

Bomb Squad 💣

AnakNiSadako: tangina mo talaga santilmo ka!

AnakNgSantilmo: anuh nanamang gnawa q sayu??

AnakNiSadako: sabing ikaw ang manghuhugas ng pinggan eh

AnakNgSantilmo: luh, ikw yng nhuli kmain dba? Ikw na dyn oi

WalangToots: guys

√ AnakNgSantilmo, AnakNiSadako

WalangToots: guys pls

AnakNgSantilmo: huy, nkta kng ngmuni mumi yng kulog.. Anuh gnawa muh?

AnakNiSadako: let me guess.. Sumuko na ba sya?

WalangToots: i really need both of you here right now. Pls?

AnakNiSadako: be right there

AnakNgSantilmo: HUY LALAKI!! SN KA TTKAS HUH!? PUTOL TT MO SAKN TANGNA!!!

-

"What? As in what?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hyena nang ikwento ko sakanya yung nangyari kanina.

"But you chose to stay silent. Bitch, you're stupid" napairap ako kay Ceijan. Palagi naman syang ganyan eh, pero I admit tama rin naman sya. Ang tanga ko.

"I already told you, it's your chance Snow~ Wag mong patagalin yung hidden feelings mo sakanya. Hindi mo ba naisip na kapag magpapatuloy ka lang jan, baka magsisisi ka. For an instance, baka mawala yung feelings nya sayo at maghahanap ng iba. Posible rin yun Snow" sabi ni Hyena.

"Yun na nga gusto ko eh! Ang makalimutan na nya yung feelings nya sakin. Ayokong lumala yung feelings ko sakanya! Hindi kami para sa isa't isa!" Sabi ko dito.

"Lul, ang tanong, okay lang ba sayo?" Natahimik naman ako. Pilit kong maghanap ng sagot pero nanatiling nakatikom parin yung bibig ko.

"Hindi ko talaga alam kung bakit pa ako pumunta dito. Walang kwenta Snow eh. Sana nag-isip ka muna!" Sabi ni Ceijan.

"Kaya nga humihingi ako ng tulong sainyo eh. Please guys, wala akong alam dito" sabi ko sakanila. Bumuntong hininga si Ceijan.

"If I were you, sasabihin ko nalang kay Thunder yung feelings ko sakanya then shing! Friends ulit kayo na parang walang nangyari. Ezi~" magsasalita na sana ako nang hampasin ni Ceijan ang braso ni Hyena.

"Isa ka pang tanga! Kapag sasabihin nya yung totoong feelings nya kay Thunder, sa tingin mo hindi aasa yun? Kapag nalaman ni Thunder na may feelings pala si Snow sakanya, siguradong hindi na nya titigilan si Snow" may point naman si Ceijan.

"Kesa naman sa aasa si Thunder na susuklian ni Snow ang feelings nya diba? Anong sa tingin mo ang mas better ha, ang malalaman nya ang feelings ni Snow sakanya which is lalong hindi nya titigilan si Snow or ang itago nalang ni Snow ang feelings nya kay Thunder habang buhay hanggang sa mababagot kakahintay si Thunder? Si Thunder ay isang klaseng taong hindi madaling sumuko. Ang gusto nya makukuha nya. Kapag hindi nya makuha, maghihintay sya. Parang hindi mo naman kilala si Thunder, Ceijan" sabi naman ni Hyena.

Okay, enough. Ako yung nalilito sa dalawa eh. Tangina naman.

"Pero ano rin yung mas nakakabuti kay Snow? Ang tigilan na sya ni Thunder o maghihintay si Thunder sakanya? Pumili ka nga Snow" sabi ni Ceijan sakin. Natahimik naman ako.

[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon