chapter 19 - resort (sunny/rain)

1.3K 74 75
                                    

Sunny's POV

"So, saan tayo mags-swimming?" Napatingin ako kay Rain habang dahan-dahan nyang hinubad ang sando nya. Nang matakpan ng tela yung mukha nya ay pasekreto kong tiningnan ang tiyan nya.

His abs are too distracting. How come may abs sya pero bakla parin?

"Pati ba naman sexy body ko pagnanasaan mo!? Di ka na ba kontento besh!?" Kumurap ako at tumingin sakanya, "Or baka gusto mo palit tayo ng body?" Umirap ako, "Joke lang!"

Kinuha ko nalang ang sunblock ko at inapplyan ang legs at arms ko.

"Besh, pahingi" sabi nya at nilahad ang kamay nya sakin. Ibibigay ko na ang sunblock sakanya nang inilapit nya ang mukha nya sakin. Nagulat naman ako at napaatras, "Oh baka gusto mong ikaw nalang ang maglagay para sakin" sabi nya at ngumisi.

Napalunok naman ako at hindi agad nakasagot. Seryoso ba sya?

Agad naman nyang inalis ang mukha nya sa harapan ko at tiningnan ang mga kamay nya, "Ayoko lang kasing makahawak ng lotion or kahit anong bagay na masyadong slidy sa kamay. So kung gusto mo lang naman you know" sabi nya.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko. Well meron naman talagang ganung tao eh. Pero gusto ko lang masiguradong seryoso ba sya sa sinasabi nyang gusto nyang ako ang maglagay.

"Gora na, I want to swim na!" Sabi nya at tumalikod sakin.

Nilagyan ko ng sunblock ang likod nya. Medyo binilisan ko yung paglagay nun dahil ayokong mamatay ng maaga.

"Dahan-dahanin mo naman besh"

Or siguro gusto nya talaga akong mamatay. HINDI BA NYA ALAM YUNG NAFEFEEL KO NGAYON!?

Tangina mo Castillo.

Bumuntong hininga nalang ako at nirelax ang mga palad ko sa kutis nya. Dahan-dahan kong pinababa yung mga kamay ko papunta sa bewang nya. Shit, I need to chill.

Bigla syang humarap sakin kaya napatinghala ako, "Yung mukha ko naman tapos braso at tiyan. Ah! Pati legs ko narin please"

"Seriously Rain?!" Inis kong sabi sakanya. Tumawa lang sya at pumikit.

Napairap nalang ako at nilagyan yung mukha nya. Tumingkayad ako para maayos ko yung paglagay ng sunblock sa mukha nya. Binaba ko yung palad ko sa leeg nya papunta sa collarbone nya hanggang sa dibdib nya at sawakas nahawakan ko narin ang nakakaakit nyang mga abs. Pigil hininga kong pinadulas yung mga palad ko sa abs nya. Nang matapos na ay agad kong nilayo ang kamay ko sakanya.

"Alam mo, magpajama ka nalang" tumalikod ako para punasan yung tumulong pawis sa noo ko.

"Pero yung legs koooo!!" Hindi ko sya pinansin at pakunwareng may hinahanap sa bag. Naramdaman ko naman syang umalis kaya nakahinga na ako ng maayos.

"Nag-enjoy ka ba?" napatalon ako nang may nagsalita sa likod ko. Sinamaan ko sya ng tingin at pinalo sya ng bag.

"Langya ka talaga!!" Sigaw ko.

"What? Nagtatanong lang naman ako" sagot ni Thunder habang inagaw mula sakin ang sunblock, "Para kang nanunuod ng porn. Ayusin mo nga yung itsura mo!" Sabi pa nya bago itapon sa mukha ko yung lotion. Inis kong hinila ang tank top nya at malakas syang tinulak. Ang narinig ko lang mula sakanya ay ang pagsigaw nya sa pangalan ko bago sya lamunin ng swimming pool at namatay.

Joke.

"Hayup ka talaga!" Sabi nya sakin.

"Mas hayup ka!"

-

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa beach pero here I am, di ko namalayang buhangin na pala yung natatapakan ko. Mabuti narin yun dahil gusto kong mapag-isa.

[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon