chapter 40 - gift

1K 49 42
                                    

Rain's POV

Pinagpagan ko ng mabuti ang bench na nasa harap ng fountain at inihipan ko pa para siguradong walang alikabok.

"OA na Rain" I just grinned at pinaupo sya sa bench. Umupo naman ako sa tabi nya pero agad naman napatayo nang may tumusok sa pwetan ko lol. Nakalimutan kong sa back pocket ko pala nilagay ang regalo ko sakanya.
Excited kong kinuha ang bagay na iyun at tinago muna sa likod ko bago lumingon sakanya.

"Uhm, close your eyes" humagikhik ako nang inirapan nya ako pero agad namang napapikit.

"Kailangan pa ba to?" Tanong nya at kinamot ang pisngi nya.

"Tadah!" Nakangiti syang minulat ang mga mata nya at tiningnan ang hawak ko. Agad naman itong napawi at kumunot ang noo nya.

"What the hell?"

Excited kong binuksan ang takip ng lipbalm at pinakita sakanya, "Ito yung sinasabi kong binili ko online! Dalawa to, nasa bahay yung akin then sayo naman ito. Pink yan ah, wag mong ipakita kay Yvan yan. Bukod jan, I already bought the palette, eyeliner and mascara. As a gift, I'll give you the palette and mascara! I know you'll love it"

Sinara ko ulit ang lipbalm at binigay sakanya. Nanatili parin akong nakangiti kahit nakabusangot na sya.

"Well thank you Rain" mahinang sabi nya at yumuko. Ngumiti lang ako at tumango.

Tumayo ako at huminga ng malalim tsaka pumwesto sa likod nya, "and lastly.." nagulat sya nang bumulong ako sakanya pero hindi sya lumingon sakin, "...i won't forget this thing"

At agad kong inunlock ang kwintas na hawak ko tsaka sinuot sa leeg nya and then locked it. Inayos ko naman yung buhok nya tsaka bumalik ulit sa kinauupuan ko kanina.

"Do you like it? Hehehehe" awkward kong tanong at umiwas ng tingin, "Uhmm, wag mo nang bayaran libre yan hehehehe" ano ka ba Rain, malamang kasi gift mo.

Nabigla ako nang bigla nya akong sinapak pero agad namang tumawa, "Thank you so much Rain, you make me happy like... I didn't expect this!" Sabi nya at sinilip ang kwintas na nasa loob ng damit nya.

"Yeah I know. Hindi ka nga happy nung binigay ko sayo yung lipbalm! I hate you!" Niyakap lang nya ako patagilid at ngumiti.

"Pero thankful parin naman ako dahil binigay mo sakin yung lipbalm"

"Heh!"

"Ehhh Rain totoo nga, nadismaya ako kasi nag-assume ako. At dahil nag-assume ako, napahiya ko sarili ko" tumango lang ako at nagkibit balikat, "Thank you so much. I love you Rain"

Nilabas ko ang ibabang labi ko at tumingin sakanya sabay taas ng kilay ko, "Yun lang? Wala na bang kapalit?"

Napatingin sya sa itaas at nagkunwareng may iniisip, "Hmmm, try kong maghanap ng gift ko para sayo"

"Not that!" Ngumuso na ako this time, "Isa lang naman ang gusto ko eh"

"Ano? Kiss? Lol joke lang, pero ano nga?" Tinaas baba ko ang kilay ko at kumindat sakanya, "Ano nga! Ang creepy mooo!"

Ngumuso ako at nagpuppy eyes. Imposible talagang hindi nya magets hano??

"Di mo gets?" Mukhang clueless talaga sya eh.

"Ano b—" agad ko syang pinatigil gamit ang labi ko na nakadikit na ngayon sa labi nya. Tumaas yung balahibo ko kaya agad akong humiwalay. Tangina ano ba yan, yung kalandian ko di ko mapigilan.

"Ayan, okay na?" She looked stunned kaya inihipan ko ang mukha nya. Agad naman syang napapikit at tumingin sakin then bigla akong tinulak.

"Rain bakit?!" Sabi nya at tinakpan ang dalawang pisngi nya.

[✔] BOOK I : The Love CycleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin