chapter 30 - Yvan's POV

1.1K 61 24
                                    

(Bonus Chapter lang to for my baby kkimjin koooo ^^ huehue pero syempre konektado parin itech)

Yvan's POV

Kung di ko lang lab tong Rain na to, baka pinatay ko na sarili ko eh. Anyways, bumalik ako sa 7/11 kasi syempre iniwan ko yung tokwa kong bagong fling at yung pogi na nireject ni Rain.

"What happened to him?" Ask ni bibi Ken sakin. Oh diba, feeling barbie ako. Hue.

"May period yun eh. Nasaan nga pala si Baylie?" Tanong ko.

"Bakit mo ba sya hinahanap babe? Nandito naman ako" sabay kindat sakin na parang manyak. Oo pogi sya pero minsan kasi magmukhang manyak na yung mga pogi sa paligid ko eh. In other words, nagsasawa na ako sa mga pogi. Puro naman kasi pogi yung jinojowa ko eh.

Gende ke telege.

"Babe mo mukha mo. Pasok na ako sa school, tapos na breaktime namin" sabi ko at kinuha ang bag ko sa upuan.

-

"Hi Yvan nakita mo si Rain?" Lumapit si Naiah sakin bitbit yung pink nyang bag. May balak nga akong nakawin to eh. Dejok, i'm berry good.

"Wala eh. Nagwalkout yun kanina" sabi ko sakanya.

"Okay, sabihan mo sya na may rehearsal kami mamaya ah"

"Bakit ano meron?" Tanong ko.

"Napili kasi ako ni maam na magportray as Gabriella sa HSM at kasama ko si Rain"

"And?"

"Can I Have This Dance yung ipoportray namin!" Masayang sabi nya at niyugyog pa ako sa braso.

"Wow, bakit sa lahat lahat— Ikaw pa?" Napanguso naman sya at pabiro akong binangga.

"Oo na inaamin kong hindi ako magaling sumayaw. Pero who cares, partner ko naman si Rain" sagot nya.

"Ingat ah, baka mapahiya si Rain nang dahil sayo. Ano, nagpractice na ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa nga eh. Ayaw naman nyang pumunta ng Dance Room. KJ nun" sabi nya.

"Kapag ayaw nya, ayaw nya. Sabi ko naman sayo hindi kayo para sa isa't isa eh. Una na ako ah!" Sabi ko at tinalikuran sya.

"Wuuuy! Crush ko na si Rain nung elementary palang at lalong mas nauna nya akong nakilala kesa sa brat na Sunny na yun!"

Napangisi ako.

Pero since birth na si Sunny at Rain ateng wag kang ano!

-

"Gosh, bakit dinededma parin ako ng baklang yun?" Tanong ko sa sarili ko habang inaarrange ko yung mga gamit ko sa locker, "Sino ba kasi yung Baylie na yun!?" Diba tanga lang, kausap yung sarili.

Napatingin naman ako sa salamin na nakadikit sa pinto ng locker at inayos ang sarili ko.

Napatingin naman ako sa salamin na nakadikit sa pinto ng locker at inayos ang sarili ko

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
[✔] BOOK I : The Love CycleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora