chapter 47 - marriage booth

974 53 13
                                    


Rain's POV

"What the f— Ano ba to?!?" Nagpapanic kong tanong sa mga schoolmates kong pinosasan yung isang kamay ko, "Wala akong ginawang masama, how dare you guys! Ipapakulong nyo ba ako!?"

"Kalma Castillo, sa isang booth lang to" kumurap ako at tumigil sa paglalakad.
"Anong booth?" Tanong ko.

"Basta!" Ngumisi si Quinto at hinila ako papunta sa isang room.

Love Knot

Pukengina, nasabi ko na bang ayoko sa lahat ng Booths ay ang Love Knot? Like gosh, since day one, I really fudging hate this thing. Ang awkward kasi lalo na kapag ang itatali sayo ay isang stranger.

"Magbabayad ako ng malaki para dito please wag ako!" Sabi ko sakanila.

"Malaki rin ang binayad samin ng nagrequest eh. Yaan mo na, 10 minutes lang naman"

"ANONG 10 MINUTES"

Hindi na ako makapalag pa nang ipasok na nila ako sa loob. Sumalubong sakin ang mga nakataling hearts sa kisame at mga lecheng palamuti. Hindi ko namalayang may pinosasan na silang iba at isa yung babae. Agad na nagtakbuhan sila Quinto at Brias sa labas at sinara ang pinto. Napatingin naman ako sa babae at unti-unti syang lumingon sakin.

"Hey Rain!"

"What the fck?!" My jaw dropped

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What the fck?!" My jaw dropped. Bakit sa lahat lahat ng babae sa campus, bakit sya pa?!

"You look unhappy" humagikhik pa sya kaya napairap ako.

"Kelan ako sasaya sa mukha mo?" Pambabara ko. Sya naman ang umirap.

Pilit na abutin ng kamay nyang nakaposas ang kamay kong nakaposas din pero agad kong kinuyom ang kamao ko at sinamaan sya ng tingin.

"Naiah, pwede ba. Itigil mo na mga kalokohan mo. May girlfriend na ako" sabi ko sakanya.

"And do I look like I care? Bakit? Hindi ba kita kayang agawin sakanya?"

"Hindi" agad kong sagot.

"Ha! Nice try baby!" Sabi nya at ngumiti pa sakin.

"Okay fine!" Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya, "Naiah, gusto kita" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko.

Biglang nagbago ang ekspresyon nya at napatulala sakin. Hindi ko alam kung ano pang kaechosan ang iniisip nya pero ako, hinihintay ko pa yung sagot nya.

"R-Rain...? Akala ko ba... "

"What? Yun naman gusto mong marinig diba? Pinagbigyan na kita. Hindi ka pa ba masaya?" Tanong ko.

"I know you like me Rain! Stop acting like you don't! Siguro kaya mo jinowa yung Sunny na yun dahil pinapaselos mo ako right? Diba?" Sabi nya.

Nagpalabas ako ng hangin sa ilong ko at umirap. Hindi ko alam na ang taas pala ng expectation ng babaeng to. Pati ang mga bagay na napakaimposible, naiimagine nya. Wow, such a talent.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now