chapter 8 - club

1.6K 81 64
                                    

SUNNY'S POV

Napakurap ako nang may pumitik sa noo ko. Napatinghala ako dahil dun. Si Thunder lang pala.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin. Bakit, bawal na bang pumunta ng library?

"Pinapa-cool ko lang ang utak ko" sabi ko sakanya. Umupo sya sa upuang katapat ko at nilagay ang librong kinuha nya mula sa shelf.

"May plano ako"

"May sasabihin ako"

"Ikaw muna" sabi ko.

"Nope, dapat nasa huli yung plano. Go on" sabi naman nya. Huminga ako ng malalim.

"Nab-bwesit ako kay Rain. Yung feeling na nagpipigil ka na, pero lalo nya akong pinapakilig alam mo yun?" sabi ko sakanya. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nya. Nainis naman ako.

"It means, effective yung plano ko" sabi nya.

"Huh?"

"He's curious hindi mo ba napansin? Yung pagtrato mo sakanya kanina, parang bago sakanya. Anyway, sinabi lang sakin ni Eizon na bumait ka daw at sinabi nya rin sakin kung anong ginawa ni Rain sayo. Nacurious lang sya kaya nya yun ginawa wag kang assuming" sabi nya sakin. Hinampas ko ang braso nya.

"Confident na ako eh wag ka ngang panira" sabi ko sakanya.

"Para saan pa yung confidence mo kung ang totoo, nag-aassume ka lang talaga" sabi nya at binelatan ako. Bushit nito!

"Sige nga, sabihin mo na yung plano mo" sabi ko.

"niyaya  ko si Rain kanina na magclub. Pumayag sya so gusto ko lang sabihin na imbetahin mo rin si Snow mamaya" sabi nya.

"Well luckily I did. Pero mukhang wala syang alam tungkol dun. But don't worry, kaya ko naman syang pilitin" sabi ko.

"Okay good. Pag nasa club na tayo, laro tayo ng spin the bottle" sabi nya. Tiningnan ko lang sya.

"Huh?"

"Spin the bottle. You know that thing. Mukhang umiinom naman Rain eh" sabi nya.

"Huy! Kung ano man yang binabalak ko, wag mong gawin!" sabi ko. Umiling lang sya.

"Don't worry, para sayo rin to" sabi nya.

"Siguraduhin mong sasaya ako nyan" sabi ko.

"Tingnan natin"

"Tingnan natin"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THUNDER'S POV

Bumalik ako sa Dance Room at kung minamalas ka nga naman, nandun ulit si Snow. Pero this time, kasama nya si Grey at Eizon. Sinayaw ulit nila yung 24k Magic. Hindi pa nga ako nakamove on sa sayaw nya kahapon eh. Muntik na akong hindi makapag-aral dahil yung sayaw nya ang palaging lumalabas sa isip ko. Imbes na inspirasyon ko sya, naging distraction pa.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now