chapter 56 - valentines

1.1K 42 28
                                    


Actually, nung valentines pa sana ko ito pinublish kaso binaon ulit ako ng mga projects jusko (MHEN I WANNA LEAVE SCHOOL NA) pero sorry tologo. Sana maenjoy nyo ang cheesy, corny, lame, sabaw at cliche na chapter na to.

Warning: MAY SOMETHING 😂😂 Sino nakapanuod ng sausage party?

-

Snow's POV

Hinila ko pabalik ang kamay ni Rain atsaka umiling sakanya, "Hindi ko kaya"

Napapadyak sya sa inis at hinila ulit ako ng mas malakas pa kaya nadala na ako ng tuluyan. Dala nya ang gitara ng kuya nya at isang mic dahil may plano sya para pahiyain ako. Tangina nya.

Sabay lang naman kami pumasok ngayon dahil sinundo nya ako sa bahay ko para gumawa ng plano. Valentines daw ngayon at ANO BA PAKE KO? Tangina, dinamay pa ako ah.

Dapat nga absent parin ako ngayon dahil may lagnat pa ako pero ang tigas ng ulo ni Rain, nakiusap pa kay Papa at gumawa ng mga kwento na may important quiz kami ngayon. Bwesit.

At ngayon, bakit nga ba may dala syang gitara? KASI IPAPAHIYA NGA NYA AKO. Gusto ko nga yung plano nya pero masyadong nakakahiya.

"Wag ka nang OA. Ilang days kang wala sa school, bumawi ka naman para sakanya" pangongonsensya nya. Napairap nalang ako at nagpadala. Wala na akong maggawa pa dahil si Rain to. Naalala ko pa yung plano namin noon na makuha yung taong gusto namin and that makes me cringe. Hindi dahil nagkakagusto ako kay Sunny kundi dahil that was so stupid and useless.

"Ready?" Hindi ko namalayang nasa lobby na pala kami and I eyed him na parang isa syang hindi kapani-paniwalang bagay.

"Anong ready?" Tanong ko sakanya.

"Ready. Maghanda. Beshie, lutang ka nanaman. Happy Valentines!" Sarcastic nyang sabi at umupo sa isang stool na ewan ko kung saan nya kinuha at binigay sakin ang isang mic na nakakonekta sa isang speaker na once again, hindi ko alam kung saan galing.

"Productive time ngayon kaya I'm sure wala silang ginagawa ngayon. Tinext ko na si Yvan na sunduin si Thunder"

"W-wait, d-dito?!" Nanginginig na ako sa kaba. Bakit kailangan ngayon pa eh hindi pa ako nakapagpractice? At ano kakantahin ko?

"Nang dahil sa kantang ito, naalala kita and decided to make you serenade him. This is so relatable beshiiie" sabi nya at hinawakan ang nanlamig kong pulsuhan.

"Alam ko ba yan?" Tanong ko.

Nagsimula syang magstrum at wala pang limang segundo, alam ko na ang kanta. Niliitan ko sya ng mata kaya napakindat sya.

"Relatable pala ah" sabi ko at napairap. Hindi ko maiwasang mapangiti habang ipinwesto ang mic sa harap ng bibig ko.

" Elementary pa lang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin"

Biglang nagsinlabasan ang ibang mga estudyante na mukhang naintriga sa tugtog na nanggagaling sa lobby. Eh sino bang hindi, ganda kaya ng boses ko.

"Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta"

Napayuko ako sa hiya at huminga muna ng malalim bago pinatuloy yung kanta.

"Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala"

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now