chapter 38 - endearment

1.3K 66 84
                                    

Sunny's POV

"You're so weird" Moon said, fries between her fingers. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain, "You act like you're not my sister. Waking up early, didn't even scold the yaya who burned your clothes with the iron— instead, niyakap mo pa. Really Sunny?"

Nilunok ko muna ang sinubo kong kanin bago inumin yung juice sa tabi ng plato ko.

"I'm in a good mood lang" sagot ko.

"Just tell me. You're being in you unusual self"

I grinned, "We're official"

She looked at me weirdly.

"You see, it's really worth the wait ate. I just can't believe he loves me back pala. I just— I wanna cry again" napatakip ako ng bibig nang makaramdam ulit ako ng pagkaoverwhelm. Yeah ang over acting ko pero wala eh, nakakatears of joy.

"Official? Who?" Tanong nya.

"Rain"

"Yung bakla? Yung bunsong kapatid ng isa pang bakla?" Tanong ni ate.

Napairap ako, "Yes he's gay. Pero hindi bakla si Kuya Sky ate" sabi ko sakanya.

"Well mukha syang bakla eh" sagot nya. I don't know kung kelan nya naging hate si Kuya Sky eh hindi ko nga sya nakitang nakikipag-usap dun eh.

Nagplay ang isang kanta sa phone ko kaya agad kong tiningnan yung screen. It's Rain.

Nakangiti kong sinagot ang tawag at huminga ng malalim.

"Hiyyyerrrs!"

"Hello Rain, napatawag ka?"

"Wala lang. Bored kasi ako eh, ikaw una kong naisip tawagan"

Namula naman ako dun and I heard Moon scoff.

"Okay.. So what do you want to talk about?"

"Wala. Just talk about anything, I just want to hear your voice"

"Putangina Rain, ang aga-aga oh!"

Pinigilan ko talaga ang kilig ko ngayon like shet, I'm going to explode!

Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at umalis ng kusina.

"Nagpapractice pa nga lang ako eh! Ang dali mo namang kiligin"

"Lakas kasi ng tama mo sakin eh"

He didn't respond after that. Humalakhak ako ng mahina.

"Infairness ah, kinikilig ako"

"Di halata"

"You know what, I really wanna go to a date rn"

"Oh tapos?"

"Kaso ako lang mag-isa sa bahay. Kung gusto mo, punta ka. Dala ka foods"

"Gaga. Wag na, tinamad ako eh"

"Hindi ka ba naaawa sakin?"

"Mag-isa nga rin ako dito sa bahay eh dahil maya-maya aalis ate ko papunta sa work nya.Then day off ng mga yaya namin dito so.."

"Ano ba yan. Next time nalang, tampo na ako"

"Kaechosan mo Rain ah wag ako!"

"Gusto talaga kitang makita eh"

Napakagat ako ng labi at pilit na hindi mautal, "Meh too" ayan, naging pabebe. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang isa kong kamay. Grabe, ang sakit na ng pisngi ko kakangiti.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now