chapter 5 - change

1.8K 94 77
                                    

SNOW'S POV

"Huy gising!" sinapak ko ang kamay nahumawak sa pisngi ko. Tangina may natutulog dito.

"Maya na" sabi ko pero hindi parin ako tinigilan.

"Gumising ka na. May naghahanap sayo sa baba" napamulat ako ng mata at napatingin kay Kuya. Bumangon ako.

"Sino?" tanong ko.

"Yung baklang-" bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan at pumunta ng sala. Nakita ko si Rain dun na nakatingin sa harapan ng salamin. Wait what?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Lumingon sya sakin habang nakanguso at biglang nagbago yung itsura nya.

"Yuck! Mag-ayos ka nga!" Sabi nya at binigay ang suklay na nasa gilid ng salamin. Umiling ako.

"Hindi ako nagsusuklay" sabi ko sakanya at umupo sa sofa, "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Lumapit sya sakin at kinuha ang tali na nasa buhok ko. Lumayo ako sakanya, "Ilang years na bang walang suklay yang buhok mo?" Tanong nya.

"Ewan ko! Basta wala ka nang pakialam" sabi ko. Bigla nyang hinila ang buhok ko papunta sakanya, "Tngina ang sakit nun bakla ka!" Sabi ko dito.

"Tinutulungan na nga kita diba? Nagrereklamo ka pa" sabi nya at pumwesto sa likod ko. Napairap naman ako nang inayos nya yung buhok ko. Ayoko sa lahat ang ayusin ang buhok ko okay? Nakakairita kasi eh. Pero mas sadista yung bakla sakin eh kaya behave nalang muna ako.

"Wag mong sabihin susuotin ko yung mga dress na pinambili mo mamaya?" Tanong ko.

"Alangan namang susuotin mo yun dito sa bahay diba?" Sagot nya. Napairap ulit ako.

"Anong oras na ba?" Kinuha nya ang phone nya at tiningnan ang time.

"4:29 AM. Kailangan nating tapusin yung makeover natin before tayo pumunta ng school. Dahil mukhang matagal tayong matapos dahil sayo, inagahan ko ang pagpunta ko dito" tinulak nya ako patayo nang matapos nyng suklayan ang buhok ko.

"Maliligo lang ako" sabi ko dito at umakyat ulit ng kwarto.

-

"NO!"

"AYOKO!"

"EENG!!"

"NONONO!!"

"AYOKO PARIN"

Tangina bakit lahat nalang ng pinambili nya puro dress? Ayoko ng dress bahala sya sa buhay nya.

"Wag ka nang maarte" sabi nya.

"Ayoko nga sabiiii!!" sabi ko sakanya.

"Promise bagay to sayo! Matutuwa si Sunny jan" sabi nya. Umiling ako.

"Mas gusto ko pang kulitin ako ni Thunder araw-araw, wag mo lang akong pasuotin ng dress please" sabi ko kahit ang totoo, joke lang yun. Syempre mas gusto ko pang magkadress kesa sa kulitin ako ni Thunder no.

"Okay okay. Ano ba gusto mo?" tanong nya.

"Gusto ko ng isang simpleng blouse tapos kahit ano basta wag lang yung skirt atsaka dress" sabi ko. Padabog nyang kinuha ang isang paperbag at pinakita sakin ang isang shorts.

"Ang choosy mo" sabi nya.

"Ito nalang" sabi ko at kinuha yun sakanya, "Magbibihis lang ako"

-

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now