chapter 3 - team niyebe at ulan

1.8K 87 56
                                    

RAIN'S POV

"Kylie eyeliner? Anong klaseng brand to?" tanong nya sakin. Hindi nya yun alam??

"The heck wag ka nalang magtanong! Just get it, try and pay. Mahal rin yan okay and that's too precious" sabi ko sakanya. Kahit na alam kong tatanga tanga yung pagtatanong nya sakin kung anong eyeliner yung ginagamit ko, well it's not bad to promote some of my pampaganda naman diba?

"What are you doing?" tanong ko.

"I'll going to pay you" sagot nya.

"Hindi mo pa nga natry eh. Hampasin kita jan" sabi ko. Binulsa naman nya yung eyeliner.

"Ano pang ginagawa mo? Bakit mo tinago?" kumunot naman ang noo nya at kinuha ang eyeliner sa pocket nya.

"Kailangan ko nang umuwi kasi -"

"Uwi agad? I-try mo lang kasi muna. Wala akong tiwala sayo. Hindi ka marunong nyan alam ko. Pagkatapos mong itry yan, sasabihin ko na yung plano ko"

"Bakit ko naman it-try sa harapan mo?! Bahala ka sa buhay mo! Kaya ko to" sabi nya at aalis na sana nang harangan ko sya, "Sige ka, hindi magiging sayo si Sunny"

"Rain, may plano rin ako. May sarili akong plano okay? Kaya ako nandito dahil sa plano ko" sabi nya. May plano rin sya?

"Anong plano mo?" tanong ko.

"Syempre.. Gusto ka nya diba? Simple lang, gagayahin kita" sabi ko. Napatingin ako sakanya ng ilang segundo bago tumawa ng napakalakas.

"Aish!" tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa hindi na ako makahinga. Tumigil na ako pagkatapos ng ilang minuto at tumahimik ulit ang paligid.

"Yan ang pinakalame na plano na narinig ko, elsa. Haay naku Queen of Snow.. Akala mo magagaya mo ko?! Ulol, walang makakagaya ng isang Rainfall Castillo!"

Umirap lang sya at umubo, "Eh ano yung plano mo?"

-

"Nakauwi na ako~" sigaw ko sa bahay at umakyat sa kwarto para magbihis. Bumaba ako para hanapin si Lola. Baka nakauwi na tapos may pasalubong.

"Rain apo!"

"Lola!!" Lumapit ako kay Lola at hinawakan ang mapuputi nyang buhok, "Namiss kita Lola" sabi ko at tinapik tapik ang pisngi nya.

"I miss you more apo. Upo ka na jan, may niluto ako" sabi nya sakin kaya umupo naman agad ako. Tiningnan ko lang si Lola habang inihanda yung pagkain, "Pumunta ako sa skwelahan mo kanina apo kasi alam mo bang dun rin nag-aaral ang amo ko? Gusto sana kitang makita kaso baka maligaw pa ako sa kalakihan ng school nyo"

"Buti nalang pinapaday-off kayo Lola" sabi ko.

"Aba syempre. Kailangan kong umuwi para sa pinakamamahal kong apo" napangiti ako dahil dun. Buti nalang talaga at malakas pa si Lola. Sana ganito nalang sya palagi.

"Lola, kamusta ka na? Sinasaktan ka ba dun?" tanong ko sakanya. Napatingin naman sya sakin at ngumiti.

"Alam mo apo, yung anak ng amo ko? Napakamaldita nun. Lagi nya kaming sinisigawan at pinapagalitan. Pero hinding hindi nya kami sinasaktan. Dahil ako ang pinakamatanda, takot syang masaktan ako. Dahil kapag may mangyaring masama sakin, takot syang mapagalitan ng Mommy nya. Nakaka-awa yung batang yun. Matalino at maganda pero gusto nya ang presence ng magulang nya. Sana matauhan si Dia nun" kwento ni Lola.

Napatingin lang ako sa lap ko habang nagsasalita sya.

"Lola I'm sorry. Kung hindi sana ako naging bakla ngayon, baka hindi ka na nagtatrabaho para sakin" sabi ko.

[✔] BOOK I : The Love CycleOnde histórias criam vida. Descubra agora