chapter 54 - absent

934 40 14
                                    

Snow's POV

"Snow?!" Muntik na akong matumba kung hindi lang ako hinila pabalik ni Thunder. Ang lakas ng pagkahila nya sa ulo ng mascot na sa puntong pati yung ulo ko, matatanggal narin. Napakurap ako at napahawak sa ulo ko.

"What are you doing here?!" Sabay na tanong nina Thunder at Yoah. Isa pa tong sipsip na to, bakit hindi nalang sya lumayas sa harapan namin ano!?

Hindi ako sumagot at sa halip ay hinila ko nalang paalis si Thunder. This time, hindi na sya pumalag pa.

"Wait, what are you doing here?" Tanong nya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napairap ko.

"Akala ko ba gusto mo kong makita?" Tanong ko.

Biglang lumaki ang ngiti nya at niyakap ako. Napangiti nalang din ako.

"Tinotoo mo talaga!?" Sabi nya at inalis ang mga hibla ng buhok ko na dumikit sa pawis sa pisngi ko, "Ito na ba yung surprise ni Yvon sakin?"

"Sya yung may plano nito eh" sagot ko.

Tumitig lang sya sakin kaya nakititig din ako pabalik. Pagdating sa staring contest namin, sya talaga yung matatalo. Malay mo diba, naaninag sya masyado sa kagandahan ko. (Pwe!)

Kumurap sya, "I missed you so much!" Sabi nya at ngumuso.

"Miss you too" sagot ko at hahalikan na sana ako nang itulak ko ang mukha nya palayo, "naiinitan ako" sabi ko at hinubad ang mascot na binigay sakin ni Yvon kanina.

"Akala ko ba bawal kang lumabas?" Tanong nya.

"I broke the role just for you dumbass! So before 6, nakauwi na ako. Okay?" Sabi ko at tinapik ang pisngi nya.

"Pwede ka ba dito?" Tanong nya kaya napailing ako.

"Sana...kung hindi mo lang ako inexpose sa harap ni Yoah. Probably magsusumbong yun at madagdagan nanaman yung suspension ko" sagot ko at umirap.

"No, I won't let that happen. Makikiusap ako kay Yoah" sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Napakagat ako ng labi. What did I do to deserve someone like Thunder?

"I love you" nabigla kaming dalawa dahil sa nasabi ko. I don't know, nasabi ko lang yun na hindi ko namalayan.

"And I love you too" napatango ako at kinurot ang pisngi nya.

"I know"

Sunny's POV

"Hey, why are you crying again?" Mas lalo akong napaiyak dahil sa tanong ni Rain. Seriously? Pinapaalala nya talaga ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon?!

"I said I was sorry!" Sabi ko.

"Diba sabi ko naman sayo, pag wala kang kasalanan, wag kang magsorry. Iyakin mo talaga! Ayoko na ng ganyan" sabi nya at magkunwareng naiirita.

Napaayos naman ako ng pagkaupo at pinunasan ng buong mukha ko, "Sinong iyakin!" Sabi ko sakanya at suminghot.

Ngumiti naman sya at pinunasan ang ibaba ng ilong ko, "Walang iyakin, sipunin lang" sabi nya kaya tinulak ko sya palayo. Napasinghot ulit ako at pinunasan ang ilong ko ng tissue. Wala namang sipon doon!

"Pero Rain... Hindi ka ba naggagalit? Hindi ka nandidiri?" Tanong ko.

"Yes no yes no" napasimangot ako.

"Seryoso nga"

"Yes, galit ako kay Baylie. Yes, nandidiri ako kay Baylie. No dahil hindi ako galit and no... Bakit naman ako mandidiri sayo? All in all, kasalanan lahat ni Baylie... so tanong ko lang, bakit ka nga umiiyak?" Tanong nya kaya napatingin ako sa mukha nya at inisip kung bakit nga ba ako umiiyak?

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now