chapter 25 - soon

1.2K 78 55
                                    

Snow's POV

"Ang lungkot mo naman" natatawang sabi ni Hyena at umupo sa tabi ko dito sa garden ng school. Actually, bawal talaga dito tumambay lalo na pag class hours. Rule breaker ako eh atsaka wala namang pumupunta ditong faculty staff so why not tambay diba?

Walang bench o kahit anong mauupuan ang nandito sa garden pero sa awa ng school, nagtayo sila ng maliit na fountain na hindi na ginagamit. Dito kami umupo ni Hyena. Buti nalang talaga at abnormal tong babaeng to at mas pinili pang hindi pumasok ng klase para samahan ako dito.

Ayokong makita yung kulog.

"Huy!" Napatingin lang ako sakanya habang nakanguso. Ginaya nya naman ang itsura ko kaya nagkunwari akong umiiyak, "Baliw ka talaga"

"Alam ko" agad kong sagot at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

Dapat kasi nung una palang, pinigilan ko na eh. Dapat kasi nung ngumiti sya sakin, hindi ko na sya pinapangiti pa ulit. Puta, sana hindi ka nalang nabuhay Thunder Rios. Joke!

"Tell me bakit?"

Napahawak ako sa braso ko. Hindi naman talaga masyadong masakit yung pagkatulak ni Thunder eh- pero masyado mang corny yung sasabihin ko pero mas masakit yung nararamdaman ko sa loob.

"Anong mas masakit, yung hiwalayan nyo ni Yoah or yung pagiging one-sided love mo kay Sunny?" Tanong nya sakin. Ang random naman masyado.

"Malamang yung pagiging one-sided love ko. Masakit yun ah" sabi ko sakanya.

"Eh yung pagiging one-sided love mo kay Sunny or yung pagtatanggol ni Thunder kay Yvon" natahimik naman ako. Pano nya nalaman yun? Chismosa ng gagu ah.

Tinaas ko yung kamao ko sa ere at bago ko pa ihampas yung kamay ko sa pagmumukha nya ay agad nya yung pinigilan.

"Aminin mo na kasing masakit" sabi nya. Napakamot naman ako ng ulo at umiwas ng tingin sakanya.

Hindi ko ba alam kung aaminin ko ba sakanya. Kahit baliw tung santilmo na to eh mapagkatiwalaan ko naman. In terms sa love life, sya talaga yung unang masasabihan ko.

"Gusto ko si Thunder..." Napapikit ako pagkatapos kong sabihin yun.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak sa harapan ni Hyena pero at this same time, gusto ko naring magpakamatay.

"Sinabi mo narin" napabuntong hininga nalang ako at napatitig sa damong tinapaktapakan ko.

There's no use kapag idedeny ko yung pagkagusto ko kay Thunder. Oo na, gusto ko na sya. Oo na, nandidiri na ako. Kung nasa sitwasyon ko kayo, malamang cringey yung pagkakagusto ko sa lalaki. Tomboy ako tapos magkakagusto sa lalaki? Naging tomboy pa ako -_-

Pero takot akong sabihin sakanya yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit eh. Alam kong gusto nya ako pero still, hindi parin ako tinubuan ng confidence sa sarili.

"Sabihin mo sakanya" napairap nalang ako kay Hyena, "What? It's better narin yun kesa sa itatago mo nalang yan hanggang nasa kabaong ka na"

"Andali sabihin no?" Sarcastic kong tanong sakanya.

"Madali talaga. Try mo"

Isang salita nalang talaga ni Hyena masusuntok ko na sya.

"Ewan ko sayo"

Thunder's POV

"Bro, alam kong hindi ka okay pero it's really new to us na tinatanggihan mo yung libre ko sayo" rinig kong sabi ni Grey nang umiling ako sa binigay nyang bote ng juice.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now