chapter 17 - mood ruiner

1.1K 63 26
                                    

Rain's POV

"Rain, gising na. You have pasok right?" Naalimpungatan ako nang may kumalabit sakin. Panong may kamay na gumising sakin eh nag-alarm naman ako? Tsaka hindi naman ako ginigising ni Lola.

"Rainfall anak" agad kong binuksan ang mga mata ko nang marealize kong nasa bahay ako ng family ko.

Napatingin ako sa gumising sakin at bumangon, "Hi Ma, good morning" nginitian nya ako at hinalikan ako sa noo, "I miss this" sabi ko sakanya.

"I can give you forehead kisses every hour" sabi pa nya at hinalikan ulit yung noo ko.

"Ang echos mo Ma, sige na maliligo na ako" sabi ko at tumayo para ayusin yung kama ko. Tumayo na rin sya para umalis na ng kwarto.

-

Bumaba ako at naabutan ko si Mama sa dulo ng hagdan.

"Anong ginagawa mo jan Ma?" Tanong ko sakanya.

"Hinihintay ka" sagot ni Mama.

"Anong meron? Debut ko ba?" Tumawa ako, "Bakit kailangan mo pa akong hintayin?"

Umupo na ako at agad naman nya akong binigyan ng plato. Napatingin ako sa ulam. Puro mga paborito ko. Wow ah.

"Alam mo bang muntik nang hindi makatulog yang Mama mo dahil nakatitig yan sayo habang natutulog ka" sabi ni Papa na nasa tabi ni Kuya Sky.

"Nagising din yan ng napaka-aga para lang ipagluto ka ng mga paborito mo" sabi ni Kuya Sky.

Napangiti ako kay Mama at pabirong tinulak ang braso nya. Napatawa naman sya sa ginawa ko.

"Ang saya ko lang kasi dahil sawakas, buo narin tayo. Di ako makatulog dahil sa saya" sabi ni Mama.

"Kumain na nga tayo, malelate na ako nito eh"

"So pareho lang pala kayo ng school ni Kesha?" Tanong ni Kuya. Napatango naman ako.

"Actually, kahapon ko lang sya nakilala. Mabuti nalang talaga at lutang ako nun kaya hindi ko namalayang nakasunod na pala ako sakanya" sagot ko.

"Eh san ka nakatira anak?" Tanong ni Mama.

"Kay Lola" sagot ko. Napatakip naman ng bibig si Mama.

"Pero sabi nya—"

"Ako yung nagsabi sakanyang huwag ipasabing nandun ako. I'm really sorry Ma, Pa, Kuya. Takot lang kasi ako na pag nalaman nyong bakla ako, itatakwil nyo ako. Lalo na nung nagalit kayo sakin... Parang nadisappoint din ako sa sarili ko. Ayokong makita kayong galit sakin kaya wala na akong choice kundi lumayas. I'm really sorry talaga"

Hinawakan ni Mama yung kamay ko, "Kami dapat ang magsorry Rain. Kami yung mali. Hindi dapat ako nagalit sayo at sabihin saiyo ang mga katagang yun..."

Biglang nagflashback sa isipan ko yung pangyayaring kaytagal ko nang binaon sa limot.

"Bakla ka!? Rainfall, bawiin mo yung sinabi mo! Walang bakla sa pamilyang to!"

"I'm sorry Ma"

"No Rain... You disappoint me. Baguhin mo yang sarili mo! Hinding hindi ko matatanggap ang pagiging bakla mo. Wala kang patutunguhan jan Rain. Salot ang mga bakla tatandaan mo yan"

".... I'm so stupid. Sana nagisip ako. Sana pinigilan ko yung sarili kong masabi yun. Anak kita Rain kaya hindi ko dapat yun sinabi. Sana tinanggap nalang kita kung ano ka man" napansin kong napatigil din sa pagkain si Kuya at Papa. Ayokong masira yung umaga namin kaya pinilit kong ngumiti.

"Mama naman, past is past. Mama kita kaya pinapatawad na kita. Walang sisihan dito dahil pareho tayong mali lol. So let's eat na kasi, mahiya naman tayo sa pagkain" sabi ko para makaiwas sa topic na yun.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now