chapter 36 - official

1.5K 86 84
                                    

Rain's POV

Love is really.. I dont know, a twist? Yung maghahanap talaga ng paraan para mapunta sa taong itinadhana sayo. Eww lame.

I looked at her expression nung nasabi ko yung confession na yun. Shit ang awkward. Gusto kong magpatama nalang sa kidlat para deretso deadbat na ako.

"Rain..." Napakunot nalang ako ng batok nang umiyak ulit sya. Ano ba yan! Iyakan nalang to, walang respond?

Nilagay ko nalang ang palad ko sa likod ng ulo nya habang yung isa ay sa bewang tsaka sya nilapit sa katawan ko.

"Stop crying" I told her. Tinry nyang itigil ang mga hikbi nya pero wa epik parin. Hinayaan ko nalang at baka yun pa ang ikakamatay nito.

Tiningnan ko ang mukha nya at napangiti nang makita ang itsura nya. Bukod kay Thunder at Yvan and also me, isa sya sa pinakamaganda kung umiyak. Pangit ni Snow pag umiyak eh so di ko sya isasali. Dejk, di ko pa talaga sya nakitang umiyak.

"R-Rain.. I'm so happy. Y-You made me happy. Th-Thank you" sabi nya.

"Bakit ka nagth-thank you. I should be the one who's thankful. Thank you for reaching up. Thank you for not giving up. And thank you for being patient. You're a strong girl Sunny, that's what I like about you"

"PERO LOVE KITA!! LIKE MO LANG BA AKO!!?!?!" napatawa nalang ako dahil dun kaya lalo syang ngumawa at nagpapadyak padyak pa.

"Okay take two. That's what I love about you, Sunny" sabi ko at napatingin sa itaas para itago yung pula sa pisngi ko. Shet, eww nakakabakla. Wait whut, I'm gay.

"Napilitan ka lang eh" sabi nya at mukhang kumalma naman sya. Pinunasan nya ang luha nya atsaka tumingin sakin.

"My love for you is never been a force. Pwede ka namang mamatay kahit hindi kita mahalin eh, pake ko ba sayo? Pero... " tinapik tapik ko ang dibdib ko at huminga ng malalim, "...pero ito ang tumulak sakin upang mahalin ka Sunny. I hated it at first pero I realized, why not try? In fact, hindi ka naman mahirap mahalin eh" I said convincing her to believe me. Dapat malaman nyang hindi na ito kachuchuhan lang. This is the reality.

"Hindi parin ako makapaniwala eh! Hindi parin ako naniniwala! I want soneone to kick me on the face para magising ako at hindi kita makita sa harapan ko. I know it's just a dream, please wake me up! Ayoko nang umasa"

OA ng babaeng to.

"SUNNY WAKE UP!" I yelled at kasabay nun ang pag-ilaw ng paligid. Tanginang kidlat, nagulat ako dun ah, "Ayan ginising na kita pero nandito ka parin! Totoo to Sunny walang halong panaginip to, nesfruta to besh! Hindi ka parin ba naniniwala? Ka-offend ka na—"

Napa-shut up nalang ako nang bigla bigla nalang nyang hinigit ang mukha ko papunta sakanya then pakk!

She kissed me.

Deja vu.

I don't know kung deja vu ba or sadyang pamilyar lang talaga yung lips nya. Pero this is my first kiss diba?

Humiwalay sya pero nakapikit parin ako, trying to remember those familiar lips.

I don't know who possesses me but I just unconsciously pulled the back of her head towards mine at pinaglapit ulit yun. Then I snapped.

"Why is it so familiar?" Tanong ko nang hindi ko talaga maremember yung softness ng lips nya. Nagmukha na nga akong desperada sa halik nya eh.

"Because we already kissed" sabi nya at ngumiti. My jaw dropped.

"What?"

"Remember the time nung pumunta tayo sa isang club? You passed out because you're drunk. Naglaro kami nun then they dared me to kiss you. Pero hindi ako yung unang humalik nun kundi ikaw" nilayo ko ang mukha ko sakanya.

[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon