chapter 29 - someone's ex?

1.1K 91 21
                                    


(THE LOVE CYCLE TRAILER IS NASA ITAAS HUWAHAHAHA YUNG MGA PINAGSASABI NILA SA ITAAS IZ WALANG KONEKSYON DITO PERO PAREHO YUNG PLOT XD MAY IBA MERON HAHAHAHA)

Snow's POV

"THIS is your project for this grading! Are you listening???" Napamulat agad ako ng mata dahil sa nag-e-echo na boses ng teacher namin.

"EACH of you have an individual role! This is an individual grade you hear me?? So the concept for this play is— HIGHSCHOOL MUSICAL. Since we're in Music right now, I know some of you joined glee club and also dance club— am i right? So you're all obliged to act as the casts of HSM! I'll be the one to chose the casts okay?"

Napahalumbaba ako at hinayaang bumagsak ang pilik-mata ko. Grabe, antok na antok talaga ako. Dagdag mo pa yung boring na subject na to.

"You have to perform 3 songs. Start of Something New, Everyday and Can I Have This Dance. In each songs, iba't iba yung casts—"

Hindi ko na alam yung mga pinagsasabi ni Maam basta nakatulog na ako pagkatapos nun at nagising nalang ako nang biglang may tumapik sakin.

"Wala ka pang role so ikaw nalang yung isa mga props"

Grabe, bilis ng oras.

Umupo si Melody sa tabi ko at nilista yung pangalan ko sa notebook nya. Nilapit ko naman ang upuan ko sakanya.

"Sino yung mga casts?" Tanong ko sakanya.

"Well let me explain to you. The song start of something new ay kakantahin ni Caramel at Eizon. Yung everyday, ako at si Thunder. Honestly, i don't really want the role tho. Ang OA ng scene, baka masuka pa ako sa harap ni Thunder. Anyways, yung Can I have this dance ay si Rain tsaka Naiah. Dafuq, hindi nga marunong sumayaw si Naiah eh kainis! Ikaw nalang kaya sasayaw tapos si Naiah nalang ang kakanta" napangiwi naman ako at agad na umiling.

"Rain? No thanks. Props nalang ako" sabi ko dito.

Bigla syang bumahing kaya umiwas ako ng tingin.

"Shit, sinisipon ata ako. Bye na nga! Pupunta lang ako ng clinic" sabi nya bago umalis ng classroom.

-

He's really avoiding me.

Na-a-awkward ba sya or ayaw na talaga nya sakin? Bakit naman ganun diba? Dapat kahit pagkatapos ng confession or confrontation man na yun ay dapat pinapansin parin nya ako. Well hindi ko naman sya masisisi. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako tanga.

Nang makita ko syang naglalakad papunta sa direksyon ko ay agad akong umiwas at hinintay na daanan nya ako. Umasa akong titingnan nya ako pero hindi. Like kahit isang lingon, o pagikot ng mata ay wala!

Yun na yun?

MAY PASABI SABI PA SYANG GUSTO NYANG ITIGIL YUNG FEELINGS NYA SAKIN PERO HINDI NYA KAYA TAPOS NGAYON MAY GANA SYANG HINDI AKO PANSININ.

Bumaliktad ata yung mundo?

Bwesit ka talaga Thunder. Kahit siguro araw-araw akong mangongompisal, hindi talaga makakatakas yung mga mura ko sayo.

Ewan, naguguluhan na ako. Dapat kasi masaya ako eh! Pero pisteng feelings! Pisteng Thunder!! Aaaargg!!!!

"H-Hello?" Nagulantang naman ako sa biglaang pagsalita ng isang lalaking may malalim na boses. Kampon ata nila Kuya to eh.

"B-Bakit?" Tanong ko nang may nilahad sya saking box na may kulay orange. Tumaas naman ang kilay ko at dahan-dahang kinuha ito.

"Sorry kung hindi masyadong kagandahan yung design. I h-hope you like it" napatingin ako sa mukha nya at inobserbahan sya.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now