chapter 22 - jelly jelly

1.5K 72 82
                                    


(A/n;  twice lang ganern)

Thunder's POV

"THUNDEEEEER!!!" For the first time in the history, ngayon ko lang narinig ang pangalan ko mula kay Snow first thing in the morning.

Agad kong sinara ang locker ko at tiningnan syang naglakad papunta sakin. Hindi sya pokerface, hindi rin sya nakangiti, pero alam kong nasa mood sya. Ang laki lang ng pinagbago.

"Hey Snow, what's up?" Bati ko sakanya.

"Yung bubong" sabi nya at tinuro yung nasa itaas. Pasimple kong inayos ang neck tie ko atsaka umiwas ng tingin. Bakit masyado syang pilosopo?

"Ahh nga pala Thunder, may dala ako ngayon" sabi nya.

"Kita ko nga" sabi ko at sumandal sa locker ko. Tiningnan ko sya habang may kinuha sya sa bag nya.

"Ito oh, sabi ni Mama, ibigay ko daw to sayo. Alam mo bang nagalit si Papa kaninang umaga dahil akala nyang ginawa nya yung brownies para sa Daddy mo? Hibang talaga si Papa" sabi nya at tumawa. Tumaas naman yung isang kilay ko at kinuha yung plastic na may lamang brownies. Wow, may ribbon pa ah.

"Well thanks? Siguro masarap to" sabi ko at sinilip yung brownies sa loob ng transparent na plastic box.

"Aba syempre naman! Masarap yung mga brownies ni Mama. Basta wag mong kalimutang tikman ah? At wag mong sayangin dahil sure akong babalik ka sakin para manghingi ng brownies. Pero syempre, may bayad na" sabi nya sakin. Napangiti naman ako dahil doon, "At please, wag mo kong idadaan sa ngiti mo. Okay?"

Lalo akong napangiti.

Hindi ko alam pero ang saya-saya ko ngayon. Nakaka-amaze lang kasi eh. Kausap ako ng isang Snow Medina na ayaw saakin noon.

Kausap nya akong hindi nakabusangot yung mukha nya.

Kausap nya akong hindi galit.

Kausap nya akong hindi nagmumura sa mukha ko.

It feels great.

"Ako lang ba ginawan ng Mama mo?" Tanong ko.

"Malamang hindi! Bibigyan ko rin sila Sunny at Rain pero since ikaw yung una kong nakita, ikaw muna yung first kong binigyan" sabi nya.

Nakakadisappoint yung first na sinabi nya pero hindi ko mapigilang mapangiti ulit dahil sa huling sinabi nya.

"Flattered ka naman masyado" sabi nya sakin, "Pambawi narin yan para dun sa nangyari kahapon"

"Anong pambawi? Si Mama mo yung gumawa nito, sya yung nag-effort. Ikaw, tagabigay ka lang. Nag-effort ako para sayo kaya kailangan mo ring mag-effort sa pambawi mo" sabi ko sakanya.

Napasimangot naman sya dahil dun, "Gusto sana kitang hampasin ng bag ko eh pero baka mapano pa yung brownies dito. Pasalamat ka nalang talaga" nanggigigil nyang sabi sakin kaya napatawa ako.

"Oh? Kung gagawin mo yun edi mas lumaki kasalanan mo sakin" sabi ko.

Sasagot na sana sya nang biglang may bumangga sa balikat ko mula sa likod.

"Uy Ceijan!" Napatingin naman ako sa likod ko nang banggitin ni Snow yung pangalan ng kaibigan ko.

"Hey guys, what's up?" Bati nya samin.

"Yung bubong" agad akong napatingin kay Snow nang sabay namin yung sinabi. Tumawa kami pareho.

Napairap naman si Ceijan at inakbayan ako habang sinandal nya ang katawan nya sa balikat ko. Akala nya siguro ang gaan nya no? Kahit payatot sya, ambigat parin ng mokong na to.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now