chapter 20 - resort (snow/thunder)

1.2K 74 57
                                    

Thunder's POV

"Is it cooked already?" Tanong ko kay Daddy habang tinuro ko yung barbecue na kanina ko pa binabantayan.

"Yes. Gutom ka na ba talaga?" Tanong ni Dad. Tumango lang ako at agad na kinuha ang barbecue tsaka umalis doon. Pumunta ako sa pool area at hinanap si Snow. Nakita ko syang kasama yung Kuya nya kaya hindi muna ako lumapit. Hinintay ko lang syang tumayo at umalis.

Bakit ba nakabantay yung kapatid sakanya? Ganun na ba talaga sya kaprotective towards Snow? Ang strict naman masyado.

Tumayo si Snow sa gilid ng pool at iniwan ang Kuya nya doon. Umalis din yung Kuya nya. Mukhang may pinag-awayan ata.

Lumapit naman ako kay Snow at hinarangan sya.

"Hey!" Napahinto naman sya at napatinghala sakin.

"Ano?" Tanong nya.

"Gusto mo?" Binigay ko sakanya ang barbecue na hawak ko at ngumiti.

"No thanks" sabi nya.

"Sige na! Wag mo namang tanggihan ang blessing" nakanguso kong sabi sakanya.

"Pinapakonsensya mo ba ako?!" Tanong nya pero kinuha naman ang barbecue. Tumalikod sya para kainin yun. Wala pa atang sampong segundo ay binalik na nya sakin ang walang lamang stick.

"Isang lamon lang!?" Natatawang sabi ko habang nakatingin sa nakalubo nyang pisngi. Pinunasan ko yung ketchup sa labi nya at agad naman nyang nilayo ang mukha nya sa kamay ko, "Ang cute mo talaga. Simula ngayon, tatawagin na kitang chubs"

Nilunok nya ang laman ng bibig nya, "Tumigil ka nga!"

"Chubs, ang cute kaya"

"Eh ikaw nga yung mukhang baboy saatin eh!" Sabi nya.

"Ah ganun" pumunta ako sa gilid nya at agad syang binuhat. Napakapit naman sya sa leeg ko.

"Ibaba mo ako tangina mo!! Papatayin talaga kitang kulog ka! Ibaba mo ko!! Isa!" Sigaw nya.

"Count to ten, Snow" napatigil naman sya.

"Anong kantuti— Thunder naman!!"

"I know what you're thinking~" kinindatan ko sya at tinawanan. Namula naman sya at sinakal ako.

"Ibababa mo ko o tatapusin na kita!!" Sigaw nya.

"Ihuhulog kita o titigil ka?" Tanong ko. Napatingin naman sya sa pool na nasa ibaba nya at napakapit ulit sa leeg ko.

"Thunder parang awa mo naman. Hindi ako marunong lumangoy!! Hindi ako swimmer kagaya mo" sabi nya.

"Edi magiging Joonhyung mo ko?" Tanong ko.

"Gagu, ang layo. Wala ka sa abs ny—" napakapit ako ng maigi sa katawan nya nang kilitiin nya ako sa leeg. Nawalan ako nang balanse kaya wala na akong choice kundi ang humakbang papunta sa tubig.

"TANGINA MO THUNDER PAPATAYIN KITAAA—" pero hindi ko na narinig yung sigaw nya nang bumagsak na kami sa pool. Binuksan ko ang mga mata ko sa ilalim ng tubig at napatawa sa itsura ni Snow sa harapan ko.

Hinawakan ko ang bewang nya at lumangoy papunta sa itaas ng pool.

"P-Pat— PAPATAYIN MO BA TALAGA AKO!?!" Sigaw nya at kumapit sa balikat ko. Tumawa lang ako at nilapit ang katawan nya sakin.

"Hindi ka ba nagtitiwala sakin chubs?" Tanong ko sakanya.

"Sa mukhang yan, magtitiwala ako? Maybe no" sabi nya at tumingin sa paligid, "Bakit nasa gitna tayo ng pool? Pwede bang kahit sa gilid man lang?! Bakit sa malalim na part pa?!" Ginalaw nya ang paa nya sa ilalim ng dagat, "Pag may balak kang gawin sakin, mumultuhin talaga kita!"

[✔] BOOK I : The Love CycleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora