chapter 21 - overnight

1.2K 71 33
                                    

Rain's POV

What happened at the resort stays at the resort. Yun ang kailangan naming tatandaan.

Lahat ng nangyari dito...

Kailangan naming iwanan dito sa resort na to. Which means...

Kailangang hindi na namin iyon pag-usapan sa school or everywhere.

Kahit kaya kong ipagmalaki sa iba yung naggawa kong pagiging hero kay Sunny ay hindi dapat ipagkalat. It should be a secret. Kasi pag nalaman nilang naggawa ko yun, itatanong nila kung anong reason kung bakit ko yun ginagawa. Kung sasabihin kong muntik nang marape si Sunny, it may ruin her image.

"Pupunta lang ako ng CR" napatingin agad ako kay Sunny nang tumayo sya sa inuupuan nyang couch.

Gabi na kasi at napag-isipan naming apat na manuod ng movie bago matulog.

Si Mama na yung mismong nagsabi na magsasama kaming apat sa iisang room which only have two beds inside. Magkatabi kami ni Thunder sa iisang bed habang sila Sunny at Snow naman sa iisang bed. Isn't amazing!?

But anyways, sinundan ko ng tingin si Sunny habang papunta sya sa CR. Nasa tabi ko si Thunder habang nakatago tung ulo nya sa likod ni Snow. Naramdaman ko pa yung pwet ni Thunder sa gilid ko. Horror kasi yung pinanuod namin eh and hindi ko alam na matatakutin pala tong si bibi Thunder.

Kinurot ko yung malaking pwet nya kaya napasigaw sya sa gulat. Umalis agad sya sa pwesto nya at pumunta sa left side ni Snow malayo sakin. Napasimangot naman ako dahil dun.

Bumalik na si Sunny galing sa CR at napatingin sa pwesto nya kanina which is sa left side ni Snow. Napatingin naman sya sa space na nasa gitna ko at kay Snow bago napatingin sakin. Nagkunwari akong nakafocus sa movie at hindi pinansin ang pagupo nya sa tabi ko.

"Oh sht!" Imbes na mabigla ako sa movie ay mas nabigla ako sa sigaw ni Thunder. Napasapo kaming tatlo ng noo. Sya yung PINAKAlalaki saaming apat pero sya yung pinakamatatakutin. Amazing.

-

Natapos na yung movie at agad nang nakatulog si Sunny sa kama nya.

"Sige na Snow please!" Napatingin ako kay Thunder habang hinihila yung braso ni Snow.

"Ano ba!! Bakit kailangan mo pang magpasama? Sa cottage lang naman eh tsaka naniniwala ka sa multo?"

"Ako nalang kaya Thunder? Free ako" pagvovolunteer ko. Tumingin sya sakin bago tumingin kay Snow.

"Okay na, kaya ko naman" sabi ni Thunder at agad na lumabas ng room.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa phone ko.

"Aaaaah!! Tanginang pusa ka!! Bumalik ka dito!"

Rinig naming sigaw mula sa labas. Napatawa naman ako ng mahina dahil dun.

"Kalalaking tao, takot sa multo" sabi ni Snow bago tumayo para lumabas din ng kwarto, "I wonder kung sino na yung bakla sainyo, Rain" sabi nya sakin. Pinakyuhan ko lang sya.

Habang busy ako kakascroll sa newsfeed ko ay may narinig akong paghinga mula kay Sunny. Mabilis yung paghinga nya na para syang hinahabol ni Kingkong.

"W-Wait stop! Bakit kayo bumalik!?" Napatayo ako at agad na lumapit sakanya.

"Sunny, wake up"

Umiling sya at napansin kong pinagpawisan sya. Kinuha ko ang unan na nasa gilid nya.

Sabi ng Lola ko, kapag may nanaginip daw tapos hindi magigising, kailangan dawng paluin ng unan para tumigil.

"No please! I'm begging you" napatigil ako. She's crying. Ambastos naman kung hahambalusin ko sya ng unan na to. Baka mamatay pa sya sa palo eh.

[✔] BOOK I : The Love Cycleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن