chapter 55 - doubt

758 44 12
                                    

Rain's POV

"Oo may sakit ako" malungkot nyang sabi habang nakahawak sa dibdib nya. Lalong lumaki ang mga mata ko.

"Snow~"

"May ubo ako, may sipon ako! Nilalagnat nga ako diba!" Umirap sya bago ako tinulak palayo sakanya. Tiningnan ko lang sya hanggang sa narealize kong nangpaprank lang pala sya.

"Gaga ka talaga! Pinapakaba mo ko! Akala ko talaga mamamatay ka na" sabi ko sakanya. Tangina mo talaga Snow bwesit!

"Excited ka lang talagang mamatay ako noh?" Tanong nya at huminga ng malalim.

"Pero bakit malungkot ka? At anong ibig mong sabihing pag wala ka, masaya ba si Thunder chuchuness?" Tanong ko at lumapit sakanya.

"Wala lang. Hindi kasi mawawala sa isip ko ang pagiging insecure ko eh. Iniisip ko na, siguro pag wala ako, malaya si Thunder sa mga ginagawa nya. Or siguro may nilalandi syang iba bukod sakin... Gaya nga ng sabi ko, hindi sa hindi ko sya pinagkatiwalaan—"

"Tanga! Pareho lang yun" pagudlot ko sa sinabi nya, "Hey, makikinig ka ba kapag mag-a-advice ako sayo? Ewan ko kung advice pa ba to or something pero seryoso muna ako ngayon. Kaya mo ba akong pakinggan?" Tanong ko.

When it comes to advices, mas seryoso pa ako sa nakasimangot na bulldog. Ewan ko kung bakit ang dami kong baon lol, siguro matalino lang ako. Ha! William Shakespeare, kabahan ka na.

Pero choz, sya fave kong writer at walang makakalamang sakanya.

"Bakit naman hindi?"

"Palagi mo nalang kasi akong inaaway" sabi ko sakanya.

"Ako pa talaga yung mangangaway!?" Sabi nya at umirap, "Pero makikinig ako"

Ngumiti ako at umusog ng kunti tsaka niyakap ang isang malaking bear sa dulo ng kama nya.

"First time mo bang nagkajowa ng lalaki?" Tanong ko. Tumango naman sya, "Loyal ba ang mga babae mo sayo noon?" Hindi sya nagrespond kaya hinintay ko yung sagot nya at napahalumbaba sa tuktok ulo ng teddy bear.

"Sa isang lesbian relationship, tomboy yung nag-e-effort. Ewan ko nalang sa mga jowa ko. Isa pa yung Yoah na yun, ahas na nga, kabote pa. Sipsip!" Tinawanan ko nalang sya at tumango.

"Posibleng nastereotype mo lang si Thunder sa ibang jowa mo kaya hindi ka sigurado kung loyal ba sya sayo o hindi. Player si Thunder, hindi madaling mainlove yun. Imagine Snow, sa lahat lahat ng magagandang babae na naging jowa at nakita ng mga mata nya, ikaw parin yung napili nyang maging girlfriend. There might be a reason pero alam ko na totoo na yung kay Thunder. Naalala mo naman kung gano ako kabaliw sakanya diba? Naiisip ko palagi noon, napakaswerte ng babaeng magiging katuluyan ni Thunder. Kahit nga mga babae na inapproach nya, ang swerte na. Pero ikaw, nakaholding hands mo na, nayakap mo na, nahalikan mo pa sa lips and in the future, makukuha mo na ang importanteng bagay na kinaiingatan nya"

"Virgin pa si Thunder?" Gulat nyang tanong. Napahawak naman ako sa dibdib habang nagkunwareng nahimatay.

"Hindi mo alam girl?" Tanong ko.

"Malay mo diba... Eh manyak yun"

"Sayo lang" namula naman sya dahil dun kaya napatawa ako sa isip. Nagblush yung tomboy witwew.

"Pero diba pag playboy ka, hindi madaling maging loyal? I mean, sa simula lang yung feelings and spark, malay natin diba? Baka once na may makita syang mas maganda sakin, baka magbago nanaman yun ng isip" sabi nya.

"Mas maganda sayo? Tell me, jinowa ka ba dahil maganda ka? Hindi beshie! Kung yun naman pala, edi naging jowa na nya si Sunny! Pero maniwala ka sakin beshie, may reason si Thunder kung bakit nagbago sya. Baka malay din natin, na ikaw na talaga. Wag ka na kasing nega ang enjoy the life together with Thunder! Okay?"

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now