chapter 9 - kiss

1.7K 76 77
                                    


(A/n: Yung 2000+ words na nagawa ko sa chapter na to, dinelete ng watty huta tinry kong hanapin sa revision history pero puro just now na ang nakalagay. Ang unfair huhuhu naalala ko pang sinave ko yun! At ito, bagong chap 😂 naging 3000+ na)

SUNNY'S POV

"Are you sure you're okay? Alam mo namang ang hina ng tolerance mo sa alcohol tapos umiinom ka! Pano kung may lalapit sayong babae!? Baka landiin ka pa" napasimangot ako pagkatapos kong manermon. Kung sino man ang tanga saming dalawa, ako talaga. Kinakausap ba naman ang tulog diba??

"Ingay mo te" bulong nya at ginulo ang buhok nyang kagaya ng kulay ng buhok ko. Palihim akong napangiti. Kahit mukha kaming kambal sa buhok namin, feeling ko parang couple hair narin to. Hehehe baliw na ata ako. Baliw kay Rain.

"Buti nalang talaga at nandun si Snow- Wait, speaking of Snow"

Nasaan na yung tomboy na yun? Kanina,nakaupo lang yun sa edge ng couch ah tapos bigla nalang nawala. Lilingon na sana ulit ako kay Rain nang biglang dumating si Thunder na nakabusangot.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. Hindi nya ako pinansin at kinuha ang isang baso sa lamesa. Iinumin na sana nya yun nang marealize nyang wala palang laman ang baso. Sya pala yung tanga.

Napairap nalang ako.

"Nasaan si Cara at si Grey? Tawagin mo na sila, maglalaro tayo" sabi ko. Napatingin si Thunder sakin habang nilagyan nya ng alak ang basong hawak nya, "And Snow" nang banggitin ko si Snow, nag-iwas sya ng tingin at tumayo.

"This is useless Sunny. Umuwi na sya at hindi ko na kailangan pang magtagal dito" sabi nya at aalis na sana nang hawakan ko ang damit nya at pinaupo sya sa couch.

"It's your plan Thunder, walang atrasan to" sabi ko sakanya. Tumingin sya sakin.

"You're being unfair"

"Not really. Well slight. Pero plano mo to" sabi ko at ngumisi. Siguraduhin lang nyang ayusin nya ang dare nya para sakin.

"Sure. Sundin mo lang lahat ng sasabihin ko" ngumisi sya bago tumayo para hanapin ang iba. Dafuq! Ano kayang plano ng lalaking yun?

Maya-maya'y nagsinbalikan na yung iba. May lalaking kasama si Caramel. Sino ba to? Sinabihan ko na sya na huwag magsama ng boyfriend dito diba?

"Chill, he's just my cousin. This is Mint" sabi Cara at umupo sa upuan nya. Mukhang alam nya ang nasa isip ko.

"Let's play spin the bottle" simpleng sabi ni Thunder. Fudge, walang intro?

"Para dito lang? Dude, ang sexy na nu-" hindi nito pinatapos si Grey at nagsalita ulit.

"Walang aalis, walang KJ. Pag meron mang magtangkang tumakas, ipapahalik ko kay Rain" nakangisi nyang sabi. Walang sabi-sabing tinapon ko sakanya ang isang ice cube. Tingina dinamay pa si Rain.

Kung ganun, magiging KJ nalang ako.

"Simulan mo na"

-

Ilang minuto rin ang nakalipas hanggang sa napunta kay Thunder ang pwet ng bote habang nakaturo ito sakin. Napatingin ako kay Thunder dahil alam kong sya ang magbibigay ng dare sakin. Tiningnan ko sya ng 'ayus-ayusin mo yang dare mo' look.

Ngumisi sya ng napakalaki.

"Melody kissed a stranger. Why don't you kiss Rain for us? Total, tulog naman yung bakla eh" fck this thunder.

May part sakin na ayaw pero pumapaibabaw sakin ang kagustuhang mahalikan ang isang Rain Castillo. Sino bang hindi diba? At hindi narin naman ito big deal sakin since may nahalikan na akong mga boys noon. Well this is an opportunity.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now