chapter 11 - revenge

1.5K 76 42
                                    


(A/n; tanginang smirk yan kang!😍😍)

SNOW'S POV

Ilang minuto narin akong nakatayo sa harapan ng locker ni Rain. Ilang plano narin ang pumasok sa isip ko na pwede kong gawin ngayon. Hindi naman ako tanga para hindi malamang si Rain ang may pakana nung milktea and thread -,- Pinanganak kaya akong lab na lab si Detective Conan.

Hahawakan ko na sana ang maliit na doorknob ng locker ni Rain nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako at napabitaw. Napatingin ako sa lalaking gumulat sakin.

"Tangina mo!!" Yun lang ang nasabi ko sakanya. Piste! Akala ko si Rain eh.

"What? I'm just asking" sabi ni Ceijan at tiningnan ang locker na nasa harapan ko.

"None of your business" sabi ko at sinenyasan sya na lumayas sa harapan ko. Tiningnan nya lang ako gamit ang sumisigaw na 'BISH PLEASE' nyang mukha. Tinaasan ko sya ng kilay.

"So may plano ka na?" Tanong nya sakin. Alam nyang maghihigante ako?

"Alam mo, wag ka nang makialam dito pwede ba?" Sabi ko sakanya at bubuksan na sana ang locker ni Rain nang maalalang nakalock pala ito, "Tsaka akala ko ba nasa girl's locker ang locker mo?" Tanong ko ulit sakanya.

"Sino bang matinong lalaki ang magkaruon ng locker sa locker ng mga babae?" Sagot nya. Nga naman.

"Pero yung locker sa tabi ko? Bakit mo yun binuksan?" Tanong ko.

"Nagpapareserve lang ako ng locker para sa pinsan ko" sagot nya. Tumango nalang ako at iniwas ang tingin ko sa gawi nya. Napatingin ulit ako sa locker ni Rain. "So ano ang gagawin mo sa locker ng baklang yan?"

Nagulat naman ako sakanya, "kilala mo si Rain?" Umiling sya.

"Alam ko lang na bakla sya dahil bukambibig sya ni Thunder pag naguusap kami. Kesyo malanding bakla daw, kesyo hinahabol daw sya araw araw" sagot nya. Tumawa ako ng mahina at umiling.

"So dito pala mag-aaral pinsan mo? Kailan sya lilipat dito? Tsaka sino sya?" Tanong ko sakanya. Siguro ang dami ko nang tanong.

"Lilipat sya this monday. Her name's Hyena. She's smart and older than me kaya sya minsan ang nagtututor sakin since I'm homeschooled at palaging absent yung tutor ko"

"You mean Gonzales?"

"You know her?"

"Oo naman! What a small world nga naman.. Kung magpinsan kayo, siguro let's be friends na rin? What do you think?"

THUNDER'S POV

Where's that damn Ceijan? Palagi nalang syang nawawala. Para nga akong tanga nung kinausap ko sya habang naglalakad kami eh tapos paglingon ko wala na pala sya. Nihindi man lang nagpaalam. Loko yun ah.

"Thunder!" Napatingin ako sa likuran ko nang may tumawag sakin. Agad kong nasulyapan ang papalapit na Rain.

"Ikaw pala Rain. May kailangan ka ba?" Tanong ko sakanya.

"May tanong lang kasi ako. Ano, pwede ko bang malaman kung anong club ang sinalihan mo?" Tanong nya, "Ah! Pati narin pala sports"

Bakit kailangan pa nyang malaman?

Okay hindi ka tanga Thunder. Malamang gusto nyang gumaya sayo.

"Math, Science, Computer and History club" sagot ko sakanya. Actually halos lahat ng clubs sinalihan ko na para may maibawi man lang ako sa mga absences at lates ko.

"Huh? Ahh hahahaha tangina" gusto kong matawa dahil sa reaksyon nya pero agad kong pinigilan, "Ano kasi.. president ako ng gay club ayy este glee club rather. Tapos nagrecruit lang ako ng ibang students including you. Baka gusto mong sumali?" Tanong nya.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now