Chapter 2

8.3K 134 6
                                    

Plan

“OMG! Nakita mo yun? Kinindatan ako nung Jake! Aaaah! Magkakaboyfriend na ata ako, girl! Push ko na to! At, napansin mo yung Max? Parang ang snob nya no tsaka masungit. Di ko sya feel. Anyway, may Jake naman ako!” daldal ni Kath habang nagreretouch.

I just rolled my eyes. Sabi ko na nga ba. Kaya ito nagyaya mag-CR kasi kinikilig lang dun sa kindat ni Jake. Landi talaga ng ate nyo!

“Tara dun sa baba! Medyo may tama na din ako kaya let’s dance!” aya ko sakanya. Ayoko pa kasi bumalik dun sa table baka mamaya matulala na naman ako dun sa Max.

“Ikaw nalang. Dun nalang ako sa table at magpapapansin pa kay Jake.” Tapos tumawa sya pagkasabi nun. Umiling nalang ako. Babaeng to talaga.

“Okay! Baba lang ako. Gusto ko magsayaw eh.”  Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at nauna nang lumabas ng restroom at nagdiretso sa hagdan pababa.

Pagdating ko sa baba, dumiretso agad ako sa dancefloor at nagsayaw. Ramdam ko na may nakikisayaw sa akin pero wala akong pakealam sakanya. Andito ako para magsayaw at hindi makisayaw. Nung mapagod ako ay bumalik na ako sa taas. Nawala na rin kasi iyong tama ko kaya naman kailangan ko na ulit uminom.

“You were so hot while you were dancing!” salubong agad sa akin ni Jake na nginitian ko lang. Kita nga pala mula dito yung dancefloor.

“Anyway Biancs, you are single, right?” tanong naman ni Greg sa akin. Nakatingin silang lahat sa akin.

Alinlangang tumango naman ako. “Why?” nagtataka kong tanong sa kanya. Wag mo sabihing type nya ako?! Okay, aminado akong gusto ko ng boyfriend pero ni sa panaginip hindi ko ginustong maging mang-aagaw lalo na ng syota ng kaibigan ko.

“Can we ask you a favor?” tanong ni Rob.

Lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi nila. Anong meron? “Huh? What kind of favor?” nakakunot noo kong tanong kay Rob.

“Pretend to be my girlfriend.” Nagulat ako sa sumagot. Si Max! Pero mas nagulat ako sa sinabi nya. Nang tignan ko sya ay nakatingin din sya sa akin kaya saglit akong natigilan tapos ay unti-unting nalaglag ang aking panga. Slow reaction lang ang peg ko, ewan ko ba, kasi naman nung tinignan ko sya sa mata ay parang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin?!

“WHAAAT?” sigaw ko agad nung bumalik yung panga ko.

“OA mo naman maka-react, girl! Single ka naman. Ayan at least kahit pretend boyfriend mo lang sya eh maranasan mo magkaboyfriend.” Sabat ni Kath na ikinatawa ng ilan. Binigyan ko sya ng masamang tingin. Ngali-ngali kong batukan tong babaeng to. Ako pa OA maka-react? Ikaw kaya hingan ng ganoon na pabor ng biglaan? At nakuha nya pa talagang mang-asar!

“Leche! Tumahimik ka jan, Katharina! Teka nga, eh bakit saken nyo lang hinihingi yang pabor na yan?! Kath is single too, why not ask her?” sabi ko sakanila pero nakatingin ako kay Max. Shet! Wrong move ata. Para kasing mawawala na naman ako sa mga mata nya.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon