Chapter 7

5.1K 87 5
                                    

New old friend

Nagulat kaming lahat nang may sumigaw. Isang napakapamilyar na boses na pumutol sa katahimikan namin.

“OMG! Biankikay! GF! Ikaw nga! OMG! Kamusta na?” matinis na sigaw nya.

“Krizzy? Krizzy!” tili ko nang makumpirmang sya nga. Niyakap ko na rin sya at nagbeso kami. “Bakla ka!” sabay hampas sakanya ng malakas. “Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nagsasabi! Dito pa kita nakita! Pasaan ka? Rarampa ka no?” sabi ko sakanya at pinandilatan sya ng mata.

Tumawa lang ang bakla. “Aray ko GF ah! Nung isang araw lang ako dumating. Pupuntahan sana kita bukas eh buti nalang nagkita na tayo! At corrected by!” mapilantik na sabi ng baklita at may pa tsek tsek pa ng kamay. “Alam mo naman ang motto ko-“

“If you have it, flaunt it! Sa tagalog, kapag may ibubuga eh di araw gabi mong irampa! I know! Paano ko makakalimutan eh motto ata natin iyan!” tuloy ko sa sasabihin nya ng tumatawa din. Namiss ko din tong baklitang to kaya niyakap ko ulit sya.

“GF naman! Kaders ka! Yakap ka ng yakap, nanananching ka na naman eh!” sabi nya sa akin na parang nandidiri talaga. “May alcohol ka bang dala? Pahingi nga!” sabi nya ulit. Pang-asar lang din to eh.

“OA mo FG ha! Bawal ka mag-alcohol baka mamatay ka! Remember, it kills 99.9% of germs!” sabi ko naman. Akala nya ha! Kung asaran lang din naman, di ko sya uurungan at alam nya yun.

“Ay bet ko yun FG! In fairness to you, hindi pa rin kumukupas yang pagkabalahura mo!” tuwang sabi nya. Kita nyo na!

“Syempre! Mawawala lang ito pag nawala yung sayo!” ganting sabi ko naman sakanya. “Na-miss talaga kita FG!” akmang yayakap na naman ako sakanya ng iharang nya ang kamay nya.

“Hep! Tama na yakap! Quota ka na ah!” sabi nya.

I pouted.

“Hoy GF! Wag ka magpout mukha kang tanga!” pang-asar nya ulit sa akin. Narinig kong tumawa silang lahat ng malakas. Nakita ko namang napatingin sa kanila si Krizzy at nagningning ang mata. Alam na…

“Hi! Ako nga pala si Krizzy, friend ni Bianca since highschool!” sabi ni bakla na halatang nagpapacute sa mga lalake.

“Wag ka nga magpacute dyan mukha ka ding tanga!” bawi ko sakanya ng nakangisi.

Ngumisi din sya. Nako! May pang-asar na naman to. “Uyyy! Nakaganti pero walang originality!” sabi naman nya. Sinasabi ko na nga ba! Hindi matatapos tong asaran namin kapag hindi sumuko ang isa kaya naman binelatan ko nalang sya.

“Hi Krizzy!” nakangiting bati nung mga babae, yung mga lalake naman ay nagsingitian at tango lang.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now