After Ever After...

6.4K 111 4
                                    

I suddenly missed Max and Bianca kaya naman I made this. Merry Christmas and Happy New Year! ;))

-----
"Lumayas ka nga sa harap ko! Ayaw kitang makita." Iritang saway ko dito habang nanonood kami ng movie sa salas. Kaming dalawa lang dahil hiniram nina Mama si Vianney.

"Mommy, bakit? Anong ginawa ko?" Naguguluhang tanong nito.

"Wala." Ismid ko. Kanina ko pa sinusubukang magconcentrate sa pinapanood namin pero hindi ko magawa dahil sa kanya.

"Wala naman pala."

"Yun na nga wala ka ngang ginagawa pero naiirita talaga ako sa pagmumukha mo. Bakit kasi ang tangos ng ilong mo?! Bakit ang ganda ng mata mo tapos ang hahaba pa ng pilikmata mo?! Yang lips mo nakakainis sa sobrang pula, ginagamit mo ba yung lipstick ko ha? Ang puti mo pa tsaka ang bango! Ang unfair na halos perpekto ka na sa paningin ko habang ako pataba na naman ng pataba para sayo!" Nakanguso kong saad. Nakakairita lang kasi baka mamaya maghanap pa siya ng iba dahil sa ang taba ko na naman ngayong buntis ako sa pangalawang anak namin. Hindi ko naman maiwasang hindi maging paranoid dahil sabi ko nga halos perpekto na siya at marami pa ding nagkakagusto sa kanya kahit na isinapubliko na yung kasal naming dalawa.

"Mommy, wag kang mag-alala okay? Sexy ka pa din naman para sa akin. Kung tutuusin ikaw ang pinakasexy para sa akin. Paano ba naman ikaw nalang ata ang nakikitang babae ng mata ko." Nakangiti at malambing na sabi nito.

At hayun, okay na ulit ako. Mood swings nga naman ng buntis. Nakangiti ako sa sinabi niya ngunit agad ding napawi at napalitan ng ngiwi.

"What's wrong Mommy? Manganganak ka na ba? Te-teka!" Natatarantang sabi nito at akmang bubuhatin na ako. Binatukan ko ito.

"Wag ka ngang OA dyan, Dad! 7 months palang ang tiyan ko no! Grabe lang talaga manipa yung anak mo, ang lakas." Pahayag ko. Ito naman ay parang nabunutan ng tinik ang hitsura at unti-unti nang kumalma.

"Dad, balita ko kay Jerks buntis na naman daw si Carlygirl. Nako! Akala ko ba di pa din nagkakasundo yung dalawa pero heto at nagbuntisan na naman. Sana maayos na nila yung situation nila dahil kawawa naman yung mga bata." Ani ko ng nanggigigil na naman.

"My, hayaan mo na sila. Matatanda na naman sila tsaka maaayos din nila iyan." Bumuntong hininga na lamang ako. Sana nga magkaayos na sila. Malaki ang utang na loob ko kina Jerome at Carly kaya naman ay hinihiling ko na sana matapos na ang problema nila. Si Jerome ang ama ng ipinagbubuntis dati ni Carly. Kung hindi pa nadulas si Max sa akin ay hindi ko malalaman. At kung hindi rin ako nadulas kay Jerome ay di din niya malalaman.

"Tsaka ano nga palang balita kay Jake? Nahanap niya na ba si Kath? Ang hilig mag-iwanan sa ere niyang dalawa ha! Ako ang naloloka sa kanila."

"Ano ka ba. Wag ka nang mamroblema at makakasama sa bata kapag stressed ka. Matatanda na din yung dalawang iyon kaya na nilang lutasin kung ano man ang problema nila, okay?" Ayan na naman po. Nagagalit na naman po ang lolo.

"Okay po, Dad. Hindi na po ako makikialam sa kanila." Sumandal ako sa balikat nito. Naramdaman kong hinahaplos at hinalikan nito ang ulo ko.

"When did you realize that you love me?" Tanong ko.

"When I saw you cry at the parking lot that night I've hurt you with my words. I was looking at you from the rearview mirror. That moment, gusto kong bumalik para yakapin ka at magsorry. Gusto kong punasan yung mga luha mo. I want to be your knight. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang yung kagustuhan kong protektahan ka and then I realized that I like you. At dahil I want to protect you, I chose to resist whatever I'm feeling towards you kasi alam kong iiyak ka lang ulit sa akin. I know that I might hurt you. Pero I was like a steel and you were the magnet, I'm always drawn to you. Hindi ko kayang hindi ka makausap o makita kahit na gusto na kitang iwasan. When we ended things, I felt miserable knowing that I'll miss you. I'll miss acting as your boyfriend but I thought it was okay kasi andyan ka naman. Makikita at makakasama pa din naman kita ng madalas pero you had to go without saying goodbye. Hindi ko alam na mas may sasakit pa pala sa pag-iwan sa akin noon ni Carly. Doon ko talagang naisip na I was such a fool to think na gusto lang kita when all along mahal na kita." Kwento nito. Ilang beses ko na itong narinig mula sa kanya pero gustong gusto ko talagang marinig. Ewan ko ba! Kinikilig ako everytime naririnig ko mula sa kanya ang lahat ng ito.

Hinarap ko ito. "Have I told you that I love you today?" Tanong ko. Umiling ito. "I love you. I fell in love the moment I laid my eyes on you. I fell in love with your sad eyes. I fell in love with your hot kisses." Pareho kaming natawa. "I fell in love with the lonely you and I fell even more in love with the sweet and happy you."

"Ang sweet naman ng misis ko. I love you yesterday, today, tomorrow and everyday after. You should always remember that." Ginawaran ko ito ng isang mababaw na halik sa labi sa sobrang kilig. "Thank you for giving me Vianney and baby Vino who I'm so excited to see." Hinalikan nito ang tiyan ko at kasabay noon ay naramdaman ko ding sumipa ulit ang anak namin sa loob.

"He's excited to see his daddy too." Hinimas ko ang tiyan ko habang ang isa naman ay nakahawak sa ulo ng asawa ko.

"Mommy! Daddy!" Narinig namin ang masayang sigaw ni Vianney mula sa pinto kasama si Maxene.

"Hi Kuya. Hi B. How's the pregnancy?" Bumeso ito sa amin bilang pagbati.

"I'm good. Baby Vino is such a sweet baby. Hindi niya naman ako pinapahirapan. So, how about you?" Pangangamusta ko din dito.

"I'm doing great. I have kwento pala. It is so nakakairita. I was cast as Geoff Landico's leading lady for a movie! I didn't even audition and the worst part is, I can't say no to the project. Gosh! You know how I hate that guy!" Umiirap irap pang kwento nito. Natawa kami ng mahina na Max.

We became close immediately nang umuwi ako dito during my first pregnancy. Natuwa ako na kahit never ko siyang na-meet before ay kilala niya ako at boto siya sa akin para sa kuya niya. She says she's a fan too kahit ang Mama, na lalong ikinatuwa ko. Max's parents accepted me wholeheartedly and treated me as their own which I'm really thankful of. I had an instant family.

"Sa mga ganyan mo Maxene baka naman kayo pa ang magkatuluyan ng Geoff na iyan." Nalukot ang mukha nito sa sinabi ng asawa ko.

"What the, Kuya?! Eww! No way! I hate the guy nga di ba?" Gigil na depensa nito. Natawa ulit ako at nakita ko naman napailing nalang ang asawa ko.

"Anyway, I have to go na I'm meeting some friends pa. I just made hatid kay Vianney cause she wants to go home na daw. She misses you guys daw eh. So sweet of you baby no? Now kiss Tita Trim na." Humalik naman agad ang anak ko dito. "Bye!" Paalam nito sa amin.

"Baby, come here to Mommy. Miss mo kami agad ni Daddy?" Tanong ko sa anak namin na malapit nang mag three years old in a few months. Tumango ito habang kumakandong sa akin.

"Baby, dito ka nalang kay Daddy wag kana muna pakandong kay Mommy para hindi maipit ang baby brother mo." Kinuha ito sa akin ni Max.

Pinagmasdan ko lamang ang mag-ama ko. Nakakatuwang tignan ang tanawin sa harap ko. Inaayos ni Max ang buhok ng anak namin tapos ay hinalikan ito sa ulo, our daughter grinned at him and kissed him on the cheeks too. I love how adorable my family is and I'm so grateful that God has given them to me.

Nawalan man ako ng pamilya, nakakatuwa namang isipin na ibinalik naman iyon sa akin ng Maykapal sa katauhan nina Max, Vianney at baby Vino. I couldn't ask for more. Kung anong kinuha niya sa akin ay ibinalik Niya sa tamang panahon at mas higit pa. Hindi naman pala talaga Niya tayo pinababayaan. Naghihintay lang din Siya ng tamang oras para ibigay ang kaligayahan natin. Ang dapat lang nating gawin ay maghintay. In God's will and time, good things shall come.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon