Chapter 6

5.2K 92 3
                                    

Unggoy

Nakita kong tumawa si Max. Napatawa ko si Max! Omg! Tumawa sya dahil sa akin! Ahhh! Nakakatuwa naman at nakakaki-uhh. Wala pala.

Leche! Pinagtawanan din ako ng unggoy na ito?! Wag ko kaya syang tulungan no!? Tinignan ko sya ng masama.

Tinaasan nya lang ako ng kilay at ngumisi. “Siguraduhin mo nalang na hindi pa kinakalawang ang acting skills mo wag kang umasa sa alindog dahil kahit ako ay hindi ko makita iyang alindog na sinasabi mo.” 

I am still glaring at him. “Isa ka din eh! Minsan ka na nga lang umimik, pang-asar pa sa akin ang lumabas dyan sa bunganga mo! Sige tawa pa, lubos lubusin mo na! Kapag ikaw nabighani sa alindog ko, humanda ka talaga!” sabi ko sabay irap sa kanya. Masakit na din kasi mata ko kakatingin sa kanya ng masama. Ang hirap pala. Nakakaduling din.

Lalo naman lumakas ang tawanan nilang lahat.

“My gosh! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa!” sabi ni Des.

“Ang benta mo talaga, Biancs! Lagot ka pare, kapag ikaw nga naman nahulog sa alindog nya mahihirapan kang amuhin yan!” tumatawang sabi naman ni Rob.

Max laughed sarcastically. “Never gonna happen, dude!” he said as he looked at Rob. “Hinding-hindi ako… What was the term you used? Bighani? Hinding-hindi ako mabibighani sayo. Baka ikaw ang mabighani sa akin.” Sabi nya sa akin ng nakangisi at nakataas ang kilay.

Argh! Ang kapal! Ang kapal kapal ng mukha nitong unggoy na to!

Tinaasan ko din sya ng kilay at ngumisi din bago nagsalita, “Bakit, Maxi? Feeling mo may alindog ka din?”

“Oooh! Burn, pare!” asar sa kanya ni Hans at tumawa kami maliban kay Max na ngumisi lang at umiling-iling.

“Wait! You called him Maxi!” biglang sabi ni Des.

Tumango lang ako. “So?” sabi ko naman ng nagtataka.

“Wow! Improving kayo ha! May nick ka na kay Max. What about you, Maxi? What is your nick for her?” nakangising sabi ni Greg. Halatang inaasar kaming dalawa ni Max.

Nagkibit balikat lang si Max bago sumagot. “Beki.” Tapos ay ngumisi na naman sya. At nagtawanan silang lahat! 

POIUYTREWQ! I looked daggers at his direction. Surely, he knows what it means based on his expression! Pang-asar talaga! Kairita! Ngingisi na nga lang dahil pa sa pang-aasar sa akin! Wag syang makangisi ngisi dyan! Langya! Ang gwapo nya tignan eh este baka mahalikan ko sya. Ay ano ba yan! Really, Bianca Sollen?! Halikan? Are you out of your mind? Sa sobrang inis ko sa kanya gusto ko syang halikan para naman mabura yang ngisi sa labi nya. Yun lang yun! Wag magpanic, selfie! Hindi yun dahil sa mukhang ang sarap halikan nung kissable red lips nya pag nakangisi. Hindi talaga!

“OM---GEEEEE! This is freaking hilarious! I’ve never seen you annoy someone like this for a long time, Max! Welcome back!” nakayanang sabi ni Yan habang hingal pa sa kakatawa tapos tumawa ulit.

At kanya-kanyang ‘welcome back’ na ang natanggap nya maliban nalang kina Kath at Alcy.

“Mas bagay ata ang ‘go away’ kaysa sa ‘welcome back’ dyan sa unggoy na yan!” kunwaring pabulong kong sabi pero sinadya kong lakasan ng konti para marinig nila.

“Woah! Unggoy ka daw, dude! Hahaha! Di ba tinatawag ka ding unggoy dati ni Carly?” tawang-tawa na sabi ni Jake.

Biglang nawala yung ngisi ni Max. Natigilan din kaming lahat. Nakita ko namang binatukan nina Greg at Hans si Jake. Aangal pa sana si Jake nung maintindihan nya kung bakit sya binatukan nung dalawa kaya tumahimik na din sya.

Okaaaaaay. Muntik na naming makalimutan na may Carly pala kaming problema.

Ang awkward lang. Tinatawag din pala syang unggoy ni Carly noon? Ugh! Bakit ba iniisip ko pa iyon? Eh sa malamang, mukha kasi syang unggoy. Duh, selfie!  

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now