Chapter 32

5.7K 98 0
                                    

Just For Tonight

 

“Teh! Blooming tayo ah?!” Pambungad sa akin ni Kath nang makapasok ako sa locker room namin.

 

“Alam mo na! Maganda eh!” Sabay flip ng hair.

 

Oo, blooming ako. Hindi dahil masaya ako kundi dahil kailangan kong umarteng masaya. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanila na malungkot ako at nasasaktan. Hindi dapat.

 

“Girl, bar tayo mamaya? Boy hunting, tara!” Pagyaya ko kay Kath. Siyempre malaya na ulit ako. Pareho na kaming single at broken-hearted.

 

“Loka! Hindi makapagpigil? Di ba nga bawal ka manlalake habang nagpapanggap kayo ni Max?” Sabat ni Alcy.

 

“Grabe ka naman! Hindi makapagpigil agad? Hindi ba pwedeng malaya na ako kaya okay nang manlalake?” Sagot ko naman kay Alcy.

 

“Woah!” sabay na sigaw nung dalawa.

 

“Anong ibig mong sabihin na malaya ka na?” gulat na tanong ni Kath.

 

“Wala na kayo? I mean, tapos na ang pagpapanggap niyo?” tanong din ni Alcy sa hindi makapaniwalang tinig.

 

“Ahuh.” Habang tumatango at ngumiti. “Hello boys na ulit!” masiglang sabi ko at tumawa.

 

“Girl! Welcome back! Kailangan nga nating magcelebrate niyan dahil makakapagboy hunting na ulit tayo.” Tuwang pahayag ni Kath.

 

“Woohoo! Let the boys in!” Tuwang sigaw ko din.

 

“Dapat ‘let the boys out’di ba? Sagwa naman nung ‘let the boys in’ parang ang green!” Pagtatama ni Alcy nang natatawa.

 

“Ikaw ang green! Nag-ano lang kayo ni Greg, ganyan ka na! Ikaw Alcy ha!” Pinandilatan ko ito ng mata at tumawa.

 

“Sus! Huwag nang isama yan si Althea! May love life yan eh! Panira lang yan dun.” pang-aasar ni Kath dito.

 

Nagmake face si Alcy. “Hindi naman talaga ako sasama no!”

 

“Alam na kung anong gagawin mamaya!” sigaw ko nang nang-aasar na ginatungan din ni Kath.

 

“Hindi ah! Grabe kayo! Hindi namin ulit gagawin yun. Uuwi ako sa bahay at magpapahinga hindi yun!” depensa agad nito.

 

Nagkatinginan kami ni Kath at natawa nang malakas. “Ang defensive lang! Wala naman kaming sinabi na yun ang gagawin mo ah! Pwedeng ang iniisip namin ay magpapahinga ka nga.” Nakangising sabi dito ni Kath.

 

“Kayo pa! Eh ang green minded niyo kaya!” Sagot naman ni Alcy.  

 

The Greatest Pretenderحيث تعيش القصص. اكتشف الآن