Chapter 21

4.9K 82 1
                                    

Ang Selos

Nagulat ako at sisigawan ko na sana ito ng makita ko si Max na nakangiti sa akin. Ice cream ba ako? Feeling ko kasi natutunaw ako. Isa pa ngang halik! Sa lips naman ngayon. Hahaha! Landi ko! Pero nagulat ako ng binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi. Huuuuuu! Dininig niya yung hiling ko. Siguro, gusto niya din akong halikan. Eeeeeeh! Kinikilig na naman ako.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso yung pang malanding hampas ng makaupo siya sa tabi ko. “Ginulat mo naman ako, Maxi! Sisigawan ko na sana ng ‘Ang Maxi ko lang ang pwede humalik dyan!’ yung lapastangan na humalik sa akin. Ikaw lang pala iyon!” nakangiting sabi ko dito. Cheesy!

“Dapat lang na ako lang ang pwedeng humalik sayo no!” sabi naman nito sa akin sabay halik ulit sa pisngi ko. Nakakarami na siya sa pisngi ah! Paano naman yung lips ko?

“Gutom lang yan! Kumain na nga kayong dalawa.” sigaw naman ni Kath sa amin.

“Inggit lang din yan!” ganting sigaw ko naman dito na ikinatawa nila.

“Oy guys! Nandyan pala kayo?” tukoy ko kina Greg, Rob at Hans. Hindi ko namalayan na kasama pala sila ni Max. Nangyari sa mata ko? Nagfocus lang ang lens kay Max? Ganoon?

“Paano mo kami mapapansin eh busy kayo ni Max dyan magtukaan.” Ani Hans ng nakangisi. Namula ako. Guilty eh! Kaya naman nagtawanan sila.

Bumulong sa akin si Max. “Look at her.” Her? Carly? So I did. At nakita ko ngang hindi siya tumatawa katulad ng iba mukha pa siyang constipated sa hitsura niya. Hala! Baka nahawa ito ng LBM ko kanina. Haha! Joke lang. I know better naman. So, the plan is working? Nagseselos na siya. Pilit na pilit ang ngiti niya habang pinagmamasdan kami ni Max and I can see jealousy in her eyes.

“Sus! Pinansin na nga naming yung paghahalikan niyo dyan para mahiya naman daw kayo tapos magbubulungan naman? Landi niyo!” pabirong puna sa amin ni Rob.

“You know what, pare? Pakialamero mo! Eh di landiin mo din si Des kung naiinggit ka sa amin ni Bianca! Mukha din namang inggit si Des, oh!” biro sa mga ito ni Max.

Binato siya ng tissue ni Des. “Tumahimik ka dyan, Max Iñigo!” nandidilat ang matang sabi nito. Natawa na naman kaming lahat. Ang aadik lang kasi.

“Excuse me, I’ll just use the restroom.” Singit Paalam naman ni Carly sa amin kaya natahimik kami.

Nang makalayo si Carly ay biglang pumalakpak si Yan at Des. Ang mga lalake naman ay pinagbabato ng tissue si Max habang nagsasabi ng ‘congrats!’. Sina Alcy at Kath naman ay nakangiti lang at halatang natutuwa din. Ang laki ng ngisi ni Max at kitang-kita sa mga mata niya ang galak sa reaksyon na yun ni Carly.

“Konti nalang, bibigay na din yun!” tuwang sabi ni Des.

“Mukha nga!” pagsang-ayon naman ni Alcy.

“Oy Biancs, okay nga ang acting mo ah! Napunan ang pagkukulang mo sa alindog!” asar sa akin ni Kath na ikinatawa nilang lahat.

Nakitawa na din ako. “Gaga! Alindog ko ang nakapagpaselos dun, di mo ba pansin?” sabay flip ng hair.

“Kaloka, GF! I-push mo yang alindog mo! Highschool pa tayo niyan ah at hanggang ngayon hindi ko pa din kita kung saan nakalagay yan!” sakay ni Krizzy sa pang-aasar sa akin.

“Ang bubulag niyo naman! Pa-LASIK nga kayo lahat! Saan na ba si Carly? Ang tagal naman niya, sana bumalik na siya ng matigil na kayo sa pang-aasar sa akin!” nakangusong sigaw ko sakanila. Pinagtawanan lang nila ako.

Nakita ko namang palabas galing restroom si Carly pero hindi pa din sila tumitigil sa tawa. Mga walang hiya!

Matapos kaming kumain ay nagkayayaan na rin kaming umuwi. Patayo na kami nang may naisip ulit akong gawin.

“Krizzy, di ba sabi mo kanina uuwi ka ngayon sa bahay niyo? Sama ako! Miss ko na sina Tita at Tito eh. Ang tagal ko nang hindi nakakadalaw. Sleepover tayo!” Nakangiti kong sabi dito ng malakas para marinig ng lahat. Nakakunot ang noong bumaling ito sa akin. Pinandilatan ko siya para sakyan ang pinagsasabi ko. Na-gets niya naman agad.

“Okay? Sure ka? May pasok ka bukas di ba? Puyatan galore na naman ito, teh!” excited na ding sabi nito.

Tumango ako dito tapos ay bumaling kay Max. “Maxi, kay Krizzy ulit ako sasabay ha? Magsleepover ako sa kanila.” Malambing na sabi ko dito. “Carly, sumabay ka na kay Max. Pauwi na din naman siya eh tsaka gabi na baka kung mapano ka pa.” Baling ko naman kay Carly na mukhang nagulat sa sinabi ko pero hindi naman tumutol. Sus! Buti naman at hindi na nagkunwari pa ito!

Di tulad noon ay hindi na nagprotesta si Max, ngiting-ngiti pa. Unggoy na ito! Gustong-gusto naman kasi! Hiwalayan ko kaya siya?! Joke lang. Hiwalay agad? Di ba pwedeng maging kami muna? Hahahah.

Tumingkayad ako at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya para bigyan siya ng halik sa labi. “You drive home safely, okay? Goodnight, babe!”

Tumango ito. “Okay, babe! Goodnight! Dream of me.” Kumindat pa ito.

Binulungan ko ito bago lumayo. “Oh, ayan ha! Pinagsabay ko ulit kayo! Dapat good mood ka bukas pag sundo mo sa akin.”

Tumawa ito ng malakas. Napansin kong nakatingin lamang sila sa amin. Nakangisi silang lahat maliban na naman kay Carly. Selos talaga ang nakikita ko sa mga mata niya, ni hindi na rin siya makangiti. Pasensya na girl at napagkakaisahan ka namin pero sana kasi ilabas mo na yang selos mo para naman matapos na ito!

“Biancs, tara go-go na! Malayo pa biyahe natin.” Pagyaya sa akin ni Krizzy.

Nagpaalam na din ako sa kanilang lahat at sumunod na kay Krizzy sa sasakyan nito.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now