Chapter 45

5.7K 101 2
                                    

Small World

Mabilis lumipas ang mga araw. Kahapon ang last day ko ng pictorial para sa VenusPH at ngayon ang punta naming Palawan. Napagdesisyunan namin na sa airport na lamang magkita kita.

Napapalibutan ako ng mga guard kaya walang nakakalapit na fans sa akin. Hindi ko naman ginusto sana ito, I wasn't planning on requesting for guards pero I had no other choice dahil late na naman ako sa usapan namin. And hindi ko din alam kung paano but the paparazzi managed to know we'll be here kaya dinumog agad ako paglabas ko pa lamang ng sasakyan.

'B and Jerome, does this mean that the two of you are back together?'

'Jerome, when did you arrived?'

'Did you come here to visit B?'

They kept on throwing questions and the guards are trying their best to keep them away from us. Nagkagulo din ang mga tao dahil sa gusto nilang makakuha ng picture. Kaya ang nangyari ay doon kami dumaan sa walang tao. I texted Krizzy na sa boarding gate ko na lamang sila hihintayin dahil nga sa kaguluhang naganap.

"We got here without going through all those security checks. The perks of being famous ha?" Saad ni Jerome sa tabi ko. Nakaupo na kami ngayon doon sa may waiting area. We are wearing a disguise already. I've put on my aviators and a hoodie and Jerome did the same pati na din si Auie. Ayoko na kasing magkagulo pa ulit dito sa loob.

"Hmm, yeah. You don't have to wait in line pero kailangan mong mag-ingat na hindi madaganan ng fans and media." Nagkatawanan kami sa sagot ko. Maya-maya pa ay natatanaw ko na ang mga kaibigan ko.

"Guys!" Tawag ko sa mga ito ng kumakaway.

"Grabe! Ang gulo kanina sa labas dahil sayo!" Sabi ni Kath ng malakas kaya napatingin yung ibang tao sa amin lalo na sa akin.

"Sssh, Kath! Gusto mo bang magkagulo din dito?" Saway dito ni Des. Yumuko ako para hindi makilala ng mga tao.

"Sorry naman. Wait, sino siya?" Sabi ni Kath na nakatingin kay Jerome ng may pagtataka. Oo nga pala! They can't recognize him cause he's in disguise.

"Si Jerome nga pala. I hope you don't mind if he'll come with us." Pakilala ko dito nang dumating na ang iba pa. Nalaglag bigla ni Carly ang dala nitong inumin, agad naman itong inalalayan ni Max. Nilingon ko si Jerks para ibaling dito ang atensyon ko ngunit nakita ko itong matamang nakatingin lamang kina Max at Carly.

"Jerks" tawag ko dito. Matagal bago ako nito nilingon. Napakunot ang noo ko sa nangyayari pero ngumiti lamang ito sa akin. "These are my friends." Pinakilala ko ito isa-isa.

"You look familiar, feeling ko nakita na kita somewhere." saad ni Kath.

"Gaga! Siya yung photographer na nalilink kay Bianca. Kaya pala nagkagulo sa labas yung media." sabi naman ni Alcy.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now