Chapter 42

6.1K 129 6
                                    

A Little Bit Stronger

I can’t sleep. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko lahat ng yun sa kanya or maybe I know. Siguro dala na din ng frustration na nararamdaman ko. I was frustrated after being reminded of my parents and how he wanted me to be at his wedding.

Nagpabaling-baling ako. Oh gorsh! Ano ang ginawa ko? Ngayon lang nagsink-in sa akin ang hiya. I confessed. He now knows how I feel for him. Baka iniisip niya na ngayon na napakahina ko nga talagang tao at baka pinagtatawanan niya na ako. Ughh! Naitakip ko ang unan sa mukha ko. Literal na wala na akong mukhang ihaharap sa kanya ngayon.

“What happened to you? You look like you haven’t had any sleep for days now. Are you okay?” puna sa akin ni Auie pagkakita niya sa akin nang sunduin ako nito sa condo ko papuntang studio ng local variety show kung saan guest ako.

“Whatever” tanging sagot ko dito.

“Woah. Okay. Someone’s not in the mood today.” Tumatawa na sabi nito ng nakataas pa ang dalawang kamay. “Hey, let me just ask have you decided on the song you’ll sing today at the show? Cause you know, I listed some songs for you to choose from.” Alok nito.

“I already have a song in mind. Thanks for the help, though.” Hindi na naman ito nagsalita pa. Tahimik lamang kami buong biyahe. Wala talaga ako sa mood ngayon. Wala pa din akong maayos na tulog o mas tamang sabihin na hindi ako nakatulog.

Andito ako ngayon sa dressing room na inilaan nila sa akin. I was playing with my phone ng pumasok si Auie. “B, you’ll be on right after the break. Are you ready?” Tumango ako pero nanatiling nakatingin sa phone at naglalaro. Hindi man lang ako kinakabahan dahil siguro ay sanay na ako.

“What?! Ano ba yan! Andun na eh!” Sigaw ko nang maputol ang nilalaro ko dahil sa tawag ni Krizzy. “This better be good Kristoff! Uulitin ko na naman tuloy yung level 34 dahil sa tawag mo! Kainis ka, wrong timing masyado!” bungad ko dito sa sobrang inis ko.

Narinig kong tumawa ito at binalewala lamang ang pagsigaw ko. “Hello to you too! I just called to tell you na andito kami among the audience to watch you perform kaya galingan mo ah.” Maingay nga sa kabilang linya.

“Wait! Kayo? Si-sinong kasama mo?” Oh my! Don’t tell me kasama niya ang barkada. Sana si Kath lang o kaya si Alcy basta wag lang buong barkada lalong lalo na wag lang si Max.

“Buong barkada. We are here to support you!” Waaaaa! Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha. Super late na ata yung dasal ko. “Oh and if you are gonna ask, yes andito siya at kasama namin kaya dapat bongga ang performance mo ah.” Bulong nito. Napapikit na lamang ako. Oh my gorsh! This isn’t happening to me. Ngayon ay abot ibang planeta na ata ang kaba ko. Tangina lang! 

“Hey, GF. Are you still there? GF, we’ll talk later okay? Hoy, san ka na? Ay nako! O siya sige na, basta galingan mo. Good luck!” paalam nito matapos ng hindi ko pagsagot. Wala na ako sa katinuan. Ang tanging naiisip ko na lamang ngayon ay manakbo sa kung saan hindi ko na siya makakaharap pa. Nangingibabaw ang hiya na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko at sa kanya. Ngayon ko pinagsisisihan ang pagiging impulsive ko kagabi.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now