Chapter 48

6.5K 121 2
                                    

Naririto kami sa airport at naghihintay ng flight namin pabalik ng Manila. Kanina pa ako walang imik at ganoon din si Max. Hindi na namin nagawang pag-usapan ang nangyari kagabi. Sa tingin ko ay wala na naman kaming dapat pag-usapan pa lalo na patungkol doon. Maaga akong gumising kanina para hindi na kami magpang-abot pa. Tahimik na inayos ko ang mga gamit ko habang himbing na himbing siyang natutulog sa kama. Matapos ay bumaba na ako at doon nagpalipas ng oras sa sala. Laking pasasalamat ko na hindi na nagawang pumanhik ni Auie sa kwarto namin kagabi sa sobrang kalasingan.

Buong biyahe namin pabalik ng Manila ay paulit ulit na nagrereplay ang lahat ng nangyari ng gabing iyon na animong naka-on repeat na pelikula sa utak ko. At sa tuwina at hindi ko din naman maiwasan isipin kung ano ang nasa isip ni Max ng mga panahong iyon. Ano nga kaya? Aminin ko man o hindi ngunit ayokong marinig mula sa kanya na pinagsisisihan niya ang nangyari sa amin. It's the truth. I don't think I'll ever regret what we did. At kahit anong pilit kong pagsisihan hindi ko magawa.
My heart says I made the right decision but my mind says I did not. I betrayed Carly last night. I betrayed a friend and that is the only thing I'm sorry about.

"Guys! Hey! Let's have dinner first before we all head home. My treat." Anyaya ko sa mga ito pagkalapag ng eroplano sa airport. Kaagad namang pinaunlakan ng mga ito iyon dahil sa narinig na libre. Walang katapusang asaran ang naganap habang kumakain kami. Same old tricks and jokes but somehow these seem to be the funniest I've ever heard them. Guess that's because I chose to treasure this moment.

"Guys, I have a joke!" Tuwang sigaw ko pero tangina sa totoo lang ay kinakabahan na ako.

"Sige nga. Siguraduhin mong matatawa kami Biancs ha." Hamon ni Jake.

"I'm in love with Max!" Tumawa ako ng parang baliw na tila nakarinig talaga ng nakakatawang joke. I also heard gasps. Naluluha pa ako hindi dahil sa kakatawa talaga kundi dahil sa kaba lalo na at tahimik silang lahat sa sinabi ko.

Narinig ko ang tawa ni Jake. "Uy, good one! It's really a joke to fall for someone like Max. I mean, who would want to be with a grumpy guy di ba? Clearly, they haven't met me yet." Binatukan at pinandilatan agad ito ng mata ni Kath. Tumahimik naman ito matapos magpout kay Kath. Walang umimik kahit ako ay hindi nakahuma sa sinabing iyon ni Jake. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapaface palm na lamang. For a second, I forgot how nervous I am. Damn this guy, ang slow talaga!

Pumikit ako upang mag-ipon ng tamang lakas at kapal ng mukha para masabi ang mga dapat kong sabihin.
"I'm telling you all this because it's the right thing to do and I just think that you all have the right to know so I can apologize properly. I'm sorry that I'm weak. Sorry kung hindi ko natupad yung pangako ko sainyo dati. I'm really sorry." I said these words with sincerity yet like I always do I control what I let them see through me.

"Biancs, y-you don't need to say sorry." Sabi agad ni Des matapos makarecover sa gulat.

"I do kasi binigo ko kayo. Kailangan ko din naman ito for my own peace of mind." Nakangiting saad ko. Ang ngiting matagal ko nang ginagamit at ngayo'y tila nagsasawa na akong gamitin.

"It's okay, Biancs. I mean, hindi mo naman sinasadya and we all know how love plays, madaya ito." Nasa tono nito ang pagunawa ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang panaka-nakang pagtingin nito kina Carly lalo na kay Max.

"Yeah, Biancs. We are glad you decided to tell us. You are finally opening up to us!" Ramdam ko ang tuwa sa tono ni Alcy.

Ngumiti ulit ako ngunit sa pagkakataong ito ay puno ng lungkot. This time I'm really trying to be true to them and to myself. I guess I'm tired of getting hurt and I'm finally tired of pretending.

"GF, why are you doing this?" Seryosong tanong nito sa akin.

Mataman ang titig na hinihintay lamang nito ang sagot ko. Basang-basa niya talaga ako. "Bakit parang hindi ko magugustuhan ito?"

"I'm leaving tomorrow. I've decided to stay there for good, meaning, we'll not be seeing each other for a very long time. I have started a new life there and gusto kong ipagpatuloy yun." Sagot ko.

"Yes, you had a life there without us remember? So gusto mong ipagpatuloy ang buhay mo ng hindi kami kasama, ganoon ba?" Ramdam ko ang galit at hinanakit sa boses ni Alcy ng sabihin niya ito. Nakayuko lamang ako dahil hindi ko sila magawang tignan. Hindi ko kayang makita ang galit o lungkot man sa desisyon ko.

"Napakaunfair naman ata nun, Bianca. Isang tao lang ang minahal mo, isa lang ang nakakasakit sayo, isa lang ang dapat mong kalimutan pero bakit lahat kami damay?" May hinanakit at rinig ko ang kaonting galit galing kay Kath. Nang tignan ko ito ay naluluha na ito.

"Y-you have to understand. I need to do this for myself. I'll never forget you guys and when the time comes that I've finally moved on then I'll be back and we can all be friends again." I said in an
attempt to make them see sense.

"Let her do what she wants. If leaving will make you happy then have a fucking joyous life!" Damang-dama ko ang galit sa tono ni Max. Tumayo ito at dire-diretsong umalis. Agad naman itong sinundan ni Carly na kanina pa walang imik.

"Fine, Bianca! You can go ahead and start your new life without us. But don't think that we'll be willing to take you back as a friend. Walang kaibigan ang nang-iiwan." Galit na sabi ni Alcy matapos ay tumayo na ito upang umalis na sinundan na rin nilang lahat. Nakita ko ang pinaghalo halong lungkot, galit at pagkadismaya sa mga mukha nila nang tignan ko sila isa-isa paalis.

Si Jerome, Krizzy at ako na lamang ang naiwan. Krizzy may be so disappointed in me right now with my decision but I know he understands. If there's one person who always understands me even in the most complicated situations it would be him. I can't start a new life without him nor can I imagine my life without him. I know I sound like I'm in love with him but yes, I love him. He's a friend and he's the constant person in my life. People come and they all go but Krizzy never left me, he stayed.

Umiyak ako sa harap nilang dalawa. This should lighten things up pero bakit parang lalong bumigat ang pakiramdam ko?

"Did I make the right decision or did I just made things worse?" Umiiyak na tanong ko kay Krizzy.

"You already know the answer, GF. Let me ask you something, are you happy?" Tanong nito.

Natigilan ako sa paghikbi. Am I happy? Masaya ba akong galit sila lahat sa akin? Masaya ba akong sa ngayon ay siguro wala na akong karapatan na tawagin silang kaibigan? Masaya nga ba ako sa desisyon kong ito? I know the answer to these questions. I am not happy, I am more miserable now than yesterday. These past few days it was the rightest thing to do. Get out of here and isolate myself from all of them. Then maybe, I'll be able to move on. Friendship breakup is really harder to take than a failed relationship.

"W-What am I supposed to do? They are all mad at me now. I just realized that I can't give them up. They are my friends but I really wanna fix myself first, I am so broken. So damn broken! Anong bang dapat kong gawin?" Walang nakahuma sa tanong ko.

-----
"Hey, B! You're up next. When I say go, walk that runway like the bomb you are. Now go!" Payo sa akin ng baklang nagoorganisa ng show.

I walked the runway. I smiled at the audience. I posed for the camera. But no one seems to know the things that's going on in my mind or how I truly feel right now. I'm like a robot. I felt like a robot ever since I've left the Philippines and it has been weeks already.

Umalis pa rin ako ng Pilipinas. Ninais kong kausapin sila tungkol sa sinabi ko pero ayaw na nilang makausap pa ako. I've lost more than my love, I've also lost my friends.

The Greatest PretenderHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin