Chapter 14

5.1K 81 1
                                    

Fake Apology

Two weeks na ang nakalipas matapos ang nangyaring party. Hindi pa ulit kami nagkikita o nagkakausap ni Max. So, anong drama ito? Tampuhan lang? LQ? Ganoon? Psh. Huwag na huwag na siyang magpapakita sa akin o kaya naman ay magtext. Leche siya. Oy, hindi mainit ang ulo ko dahil lang sa hindi niya pagpaparamdam ah. Mas mabuti pa ngang huwag na siyang magparamdam forever and ever. Amen, selfie? Ewan ko sayo!

Amen nga kasi? Ewan ko nga sayo kasi!

 

 Pambihirang buhay ito! Mas matino pang kausap itong tray na hawak ko.

“Biancs, ikaw daw ang magserve sa kanya sabi nung isang customer. Special request ka!” sabi sa akin bigla ng isa sa mga katrabaho ko ng may makahulugang tingin.

Napairap na lamang ako sa kawalan. Padabog kong inayos ang sarili ko at lumabas na para ihanda ang order ng maarteng customer na iyon. Istorbo kasi sa pageemo ko sa likod! Nung makumpleto ko na lahat ay nagpunta na ako sa table noon pero bago pa man ako makapunta nakita ko ang mga makahulugang tingin at ngiti nina Kath at Alcy sa may counter. Ano bang meron sa mga tao at ganyan makatingin at makangiti? Trending ba ang ganyan ngayon? Bagong usong facial expression? ANO?

Pero nung marating ko ang table ay nalaman ko ang dahilan. Maarte nga ang customer dahil si Max lang naman ito. Pinigilan ko ang sarili kong magback-out at nagtuloy tuloy sa paglapit. Ngali-ngaling ihampas ko sa pagmumukha niyang nakangiti yung tray na dala ko. Huwag siyang makangiti-ngiti dyan na akala niya ay wala siyang kasalanan! Pero shit lang. Bakit ganon? Gumagwapo ata ang pagmumukha ng unggoy sa paningin ko. Walang hiya, hindi maaari itong naiisip ko! Siguro sa ngiti lang niya. Oo! Yun nga! Sa ngiti lang. Pwede bang alisin niya na yang ngiti niya at sumimangot nalang ulit kagaya ng dati? Habang tumatagal kasi nagiging creepy eh. Creepy yung nafefeel ko.

 

Inilapag ko ang mga laman ng tray at akmang aalis na ng…

“Hey Biancs, why don’t you join me for lunch? Ang dami naman kasi nitong inorder ko, hindi ko ito mauubos.” Nakangiting sabi niya sa akin. Linsyak na ngiti yan! Sumimangot ka nalang please? Maawa ka sa akin.

Umirap ako. “Nag-iisip ka ba? Eh alam mo naman palang hindi mo mauubos umorder ka pa ng marami! Tapos ngayon idadamay mo na naman ako sa problema mo! Dyan ka na nga!” singhal ko sa kanya.

Akmang aalis na ako ng magsalita siya. “Galit ka pa din ba sa akin gawa nung sinabi ko sa parking lot?” tanong niya sa akin.

Hindi! Naiinis lang. Naiinis ako kasi hindi ka man lang nagparamdam ng dalawang linggo sa akin! Gusto kong isagot. Ha? Ano? Seryoso tong naisip ko? Walang hiyang utak ko ito ba’t ganito mag-isip?! Leche! Makalayas na nga epekto lang siguro ito ng inis ko sa unggoy na ito.

Maglalakad na sana ulit ako paalis ng hindi siya pinapansin pero agad niyang hinawakan ako sa braso para pigilan at iharap sa kanya. “Sorry na, okay?! I admit. I was being a selfish jerk for saying all those things to you.” aniya ng mahinahon.  Aba! Anong nakain nito? Ay oo nga pala, wala pa! Kaya siguro kung anu-ano ang sinasabi dahil sa gutom.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now