Chapter 18

4.7K 85 3
                                    

Goodnight Kisses

Andito na kami ngayon sa sasakyan niya at nagbibiyahe papunta sa condo ko. At huwag ka! Gentleman na ang mokong. Pinagbuksan na ako ng pinto kahit hindi ko pinagsasabihan.

“Monks.” Tawag ko sa kanya.

“Hmm?” Sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. Oy! Tanggap niya na din ang palayaw ko sa kanya ah. Natawa ako. Bigla naman siyang lumingon sa akin ng nakakunot ang noo at nagtataka kung bakit ako tumatawa pero saglit lang. Bumalik din naman ang tuon niya sa kalsada. “Nangyari sa’yo? Baliw ka na?” seryosong tanong niya pero nakangiti.

Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang kasi nga nagmamaneho siya. Ang labas tuloy eh parang hinaplos ko lang yung muscles niya. Kaloka! Ang tigas! Ang sarap hawakan at haplusin. Ehem! Ang halay na naman ng laman ng utak ko.

“Natawa lang ako kasi mukhang tanggap mo na ang pagiging monkey mo. Di ka na umangal eh.” Nakangising anas ko.

“Beks, kahit naman umangal ako alam kong hindi ka matitinag kaya hayaan nalang kita basta alam ko na di hamak na gwapo ako kaysa sa unggoy.” Nakangisi din niyang sagot sa akin. Natawa ako! Ang yabang ha!

“In fairness sayo! Ang good mood mo ngayon, ay hindi, kagabi pa pala! So, kwentuhan mo naman ako ng nangyari sa paghatid mo kay Carly. Sigurado ako yun ang dahilan kung bakit ka good mood dyan.” Udyok ko sakanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang napakalapad. “Ayoko nga ikwento. Akin na lang yun no! Baka masira pa sa pang-aasar mo!” sabi nya ng pabiro at nakangiti.

“Arte nito! Ako pa talaga makakasira eh ako na nga ang gumawa ng paraan para magkasabay kayo. Buti nga naalala ko na pareho kayong bahay.” Nakangusong sabi ko dito. Curious kasi ako tapos di man lang magkwento! Ang damot lang ni monkey.

“Anong bahay? Village! Pareho kami ng village hindi ng bahay.” pagtatama nito sa sinabi ko.

Humarap ako dito. “Kaloka ka! Imbes na magpasalamat ka sa akin eh pinansin mo pa talaga yung mali ko. Hindi mo din ba napansin na sinusumbatan na kita para magkwento ka?” tanong ko dito ng nakataas ang kilay. Natawa ito.

“Chismosa ka lang eh.” Pang-aasar nito sa akin.

“Curious lang ako, hindi chismosa!” Pagtatanggol ko sa sarili ko. “Curious akong malaman kung bakit ganyan na lang kaganda ang mood mo after ng gabing yun. May maganda bang nangyari? Ano? May improvement ba? May signs na ba na nagseselos na siya at mahal ka pa din niya?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Eh ba’t ba? Curious nga ako sabi. Kailangan ko ng update.

Umiling siya. “Let’s just say na we talked on our way home then tinawag niya akong unggoy tulad ng dati kapag naaasar na siya sa akin. And she kissed me goodnight.” Sambit nito na may napakalapad na ngiti na halos mapunit na ang mukha sa sobrang lapad.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now