Chapter 10

5.4K 100 0
                                    

Meet and Greet

Carly went up the stage. She is wearing a green flowing long gown. She looks really stunning in her dress.

Napatingin ako kay Max and I saw him looking at her intently. I can see love and longing in his eyes. I don’t know how and what I’m feeling right now as I look at him. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa stage.

“Princess, your mom and I are really glad that you are back. We really missed you, you know? We love you.” Madamdaming sabi nung ama ni Carly sa kanya at nagyakap ang dalawa. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Pamilyar yung matandang lalake. Saan ko nga ba ito nakita? Nanlalaki ang mata ko sa nalaman. Kaya pala pamilyar yung papa nya ay dahil ito ang ex-mayor ng Manila.

Bagay na bagay nga sila ni Max. Parehong nasa politika ang mga ama nito. Maganda si Carly at gwapo naman si Max. Pareho din silang mayaman at higit sa lahat ay may past sila. I sighed. Kailangang magkabalikan sila dahil sila ang dapat na para sa isa’t isa. That’s my mission. Our mission. Walang dapat humadlang, wala dapat sagabal at walang dapat sumira sa plano namin para sa kanilang dalawa.

I looked at Max again and now he’s smiling. Tuwang tuwa sya na makita ulit ito. Again, I sighed. Naalala ko ang dahilan ng pagpayag ko. Gusto kong makitang masaya ang mga mata nya. At ngayon, natupad na ang gusto ko. Tama nga ata ang desisyon kong pagpayag dito. Masaya ako na may mapapasaya akong tao. Masaya ako na makitang unti-unti nang nagiging tao ulit si Max. Masaya ako so I smiled.

“Uyyy! Monks, wag masyadong makangiti baka mapunit yang mukha mo sige ka kapag pangit ka na ay baka di ka na talaga nya tuluyang balikan. Tsaka ang sagwa makakita ng unggoy na nakangiti lalo na yang pagmumukha mo pa. Ang creepy lang!” pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan lang nya ako ng tingin at bumalik na ulit ang tingin sa babaeng ngayon ay nasa baba na ng stage at nakikipag-usap sa ilang bisita. Tumawa nalang ako.

“GF.” Seryosong tawag sa akin ni Krizzy. Nung nilingon ko sya nakatitig sya sa akin waring binabasa kung ano ang iniisip ko. Paano ko nga ba makakalimutan na kung meron mang isang tao na kilalang kilala ako inside and out ay si Krizzy iyon. Wala akong maitatago sa kanya kahit na anong lihim at kahit na anong damdamin. Kaya kong lokohin kahit na sino maski na ang sarili ko pero hindi sya.

I just weakly smiled at Krizzy and s/he understood immediately. 

Malapit nang mapunta sa part namin si Carly. Kanina pa sya naglilibot sa bawat table with her parents.

“Kayong dalawa, ano na? Lights, camera, action na!” sabi ni Des sa amin ni Max.

“You two remember na bawal mag-away at mag-asaran tonight, okay? Save them for later but right now let your sweet bones work.” Sabi din sa amin ni Rob. Ang dami namang director!

We sighed together. Nakita namin na dalawang tables na lang ang layo nina Carly. It’s showtime!

“Maxi, say aaah!” sabi ko at umambang susubuan sya. Napatingin sya sa akin at sa kutsara at bumalik sa akin ang tingin nya. Nginitian ko lang sya ng pagkatamis tamis.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now