Chapter 3

7.1K 145 5
                                    

Reminder

Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin ng malakas. Bubulyawan ko na sana ito ng makita ko ang mukha ni Max. Ay shet! Ang lapit ng mukha nya! Ano ba naman tong lalaking to?! Sana naman nilapit pa nya yung mukha nya, yung sobrang lapit, yung magkalapat na yung ilong namin pati noo at lalong lalo na ang lips! Nako naman nakakaputakte pala kapag nakatulog sa biyahe ng lasing tapos gwapong lalake pa ang masisilayan mo agad. Sayang nung moment namin dapat sana eh nakapag-usap kami o kwentuhan man lang para ngayon ay komportable na kami sa isa’t isa. At least kung ganon nga eh worth it yung kabang naramdaman ko kanina. Tsk. Pero, ayos na din sigurong nakatulog ako para nahimasmasan ako at ng sa ganon ay makarating ako sa unit ko ng buo at walang galos.   

“Hoy! Are you even listening? You are spacing out!” sabi nya na halatang naiinis.

“Huh? Uh, sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?” sabi ko nang malumanay pero yun ang akala nya. “Pasensya na talaga. Medyo naalog lang ako sa yugyog mo, hindi naman kasi malakas!” I said dripping with sarcasm. OA naman kasi makaalog. Ano ako? Shakey-shake?

Pumalatak lang sya. “I said, I’ll pick you up for dinner tomorrow. Let’s talk about the situation we are going to be in for the next few weeks. And, we need to know everything about each other so make a list of things.” Sabi nya.

Hindi ko sya naintindihan dahil lutang pa ang diwa ko. “Anong list of things? Anong isusulat ko? Grocery list? Listahan ng mga utang ko?” sabi ko ng naguguluhan.

“Things about you!” sabi nya sa akin habang masama ang tingin.

Inang! Joke lang naman kasi di man lang sakyan. I pouted. “Eto naman joke lang eh. Pero, ano naman kasi isusulat ko? Wala man lang bang guide questions?” hirit ko ulit sa kanya, nginitian ko na din para naman di na mapikon sa akin. Pero, lalo atang sumama ang tingin nya sa akin. “Sabi ko nga di ba? Maghahanap nalang ako ng slam book para sa guide questions.”

“Whatever! Just make sure you are ready at around 6PM.” Sabi nya.

“Okay! Uh, sige. Thanks for the ride, by the way. Goodnight!” sabi ko at bumaba na. Pinaharurot nya agad ang kotse nya at umalis na.

Ayos ah! Wala man lang ‘goodnight’ o kaya kiss este ‘welcome’! Walang hiya! Di man lang ako hinintay makapasok ng building para malamang safe ako! I wonder kung anong nagustuhan nung ex nya kay Max pero obvious naman kung bakit sya hiniwalayan. Ang sungit, suplado, ungentleman tapos akala mo laging nasa casino ang mukha sarap gawan ng music video yung poker face ni Lady Gaga gamit mukha nya lang! Ngayon palang magdadasal na ko ng pasensya sa lalakeng yun. Mukhang mas mahihirapan ako sa lalakeng yun kesa sa pagpapaselos dun sa ex nya.

Nagising nalang ako ng mga bandang ala-una ng hapon. Mabuti na lang at wala akong hangover. Matapos kong kumain ay naligo na ako.

Nanonood ako ng TV ng biglang magring yung cellphone ko. Unregistered number. Oh well! Hindi ako sumasagot ng mga number lang kaya pinabayaan ko lang hanggang sa mawala pero nagring ulit. Talk about a persistent unregistered caller! Kairita lang! Kita nang hindi sinasagot eh. Pag ganyan tumigil na kakatawag kasi baka busy o kaya naman ayaw talaga sagutin. Matapos ang limang beses na tawag ay tumunog ulit. It’s a message this time. Message na nagpataranta sa akin. Shet! Paano ko nakalimutan na susunduin nga pala ako ni Max ng 6 at 6:05 na kaya nasa lobby na sya. At nakalimutan ko maglista ng mga bagay tungkol sa akin. Lagot! Bahala na!

The Greatest PretenderOnde histórias criam vida. Descubra agora