Chapter 5

5.9K 101 5
                                    

Changes

Andito kami ngayon sa kotse ni Greg sa arrival area ng airport. Siya na din ang magtuturo sa amin nung ex ni Max. Si Max naman ay busy daw sa trabaho dahil may bagong project. If I know, busy busyhan lang ang drama nun pero excited talaga yun at kung walang project ay malamang sya ang kasama namin dito. In all fairness naman sa kanilang magbabarkada! Suportado nila si Max dito, siguro ay gusto na din nilang sumaya ang kaibigan nila. Napag-alaman ko kasi kay Greg na hindi naman talaga masungit at suplado si Max sadyang naging ganon nalang sya nung nagbreak sila nung ex nya. Ang arte talaga ng lolo mo! May ganoong drama na nalalaman? Ako nga nung nagbreak kami nung mga ex ko, ininom at iniyak ko lang ng isang gabi then kinabukasan ay back to normal ulit. Matapos siya ay hanggang ngayon, lungkot lungkutan pa din? Eh 4 years na pala silang hiwalay nung babae! Nakakaloka!

Biglang nagsalita si Greg. “Si Carly na yun!” Agad naman kaming napatingin na tatlo sa direksyon ng tinuro nya. Ang dami namang tao, sino kaya dyan?

“Ha? Saan? Alin dyan? Anong kulay ng damit? Nung buhok? Maleta?” atat na sabi naman ni Kath.

Tapos ay may bigla akong nakitang babaeng nakasuot ng aviator shades. Matangkad, maputi, brown and curly ang buhok at kahit nakashades ay kitang kita na maganda ito. She looks like someone who just came out of a magazine sa porma nya. She’s wearing a plain white shirt accentuated with a green scarf and a pair of black skin tight jeans and ankle boots. Simple and chic. Nice! Nakakaagaw sya ng pansin dahil pati yung ibang tao ay napapatingin talaga sakanya.

“-tsaka ankle boots.” Rinig kong sabi ni Greg. Masyado na akong humanga dun sa babae. Wait! Naka- ankle boots daw? Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong nandoon at naghanap ng naka ankle boots maliban doon sa babaeng nakita ko kanina. Wala akong nakita! Omg! Don’t tell me…

“Yung babaeng yun? Sure? Final answer?” paniguradong tanong ni Alcy ng nakaturo sa babaeng tinutukoy ko kanina. Tumango lang si Greg.

Laglag ang panga nina Alcy at Kath. Maging ako man ay nalaglag din ang panga. “Oh my God! Iyan si Carly?! Yan yung ex ni Max?! Sure ka talaga?” di makapaniwalang sabi ni Kath.

“Oo nga! Ang kulit nyo naman! You already asked me twice!” yamot na sabi ni Greg na halatang naiinis na sa paulit-ulit na tanong ng dalawa.

“Shet naman Greg! Ba’t di nyo agad sinabi na ganyan kaganda yung ex nya!? Mukhang mahihirapan tayo nito! Eh sa ganda nyan, sigurado di yan maiinsecure baka ako pa ang mainsecure.” Sabi ko naman sa kanila.

Laglag ang balikat na bumuntong hininga naman yung dalawa habang si Greg ay nagkibit balikat lang. “Hindi naman namin akalain na gaganda pa lalo yan si Carly ng ganyan. Yes, she was pretty before but not THAT pretty and she exudes confidence now unlike before. She surely changed a lot!” ani ni Greg.

“Err. Paano na yan? Mukhang di mo madadaan sa ganda yan, girl? Dyosa oh!” sabi ni Kath na tinuro pa ang ngayon ay pasakay na sa kotse na babae na kailangan kong higitan.

“Kailangan nating mag meeting lahat! Greg, call them!” sabi naman ni Alcy na agad namang sinunod ni Greg. Tsk. Sabi na nga ba under talaga to ni Alcy eh. Haha! 

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now