Chapter 41

6.4K 135 7
                                    

Don’t Kill Me

“GF! Napanood ko yung interview mo. Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Krizzy over the phone. Pumunta ako sa balcony. Kakarating ko lang sa condo nang tumawag ito.

“Yes, FG. Don’t worry about me.” Sagot ko dito.

“Are you sure?” Paninigurado nito habang bakas pa din ang pag-aalala. Krizzy is one of those people na nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa mga magulang ko. He was with me all throughout lalo na nung mga times na I can’t think of any reason to live. Oo, noong mga panahong iyon naisip kong wala nang saysay pa ang buhay at sumagi din sa isip ko na tapusin na ito pero hindi ko ginawa. Hindi ko magawa kasi there were people who made me realize that there’s more to life and that I may feel lonely but I’m not alone.

“Krizzy, I’m fine. Nagulat lang ako dahil nalaman nila yun tsaka namiss ko tuloy sila Mommy and Daddy. You know how I get when I think of them or if someone reminds me of them and the tragedy.” Ani ko na nakararamdam na naman ng lungkot.

“I’ll come over.” Sabi nito ngunit sinabi kong wag na. Gusto kong mapag-isa sa mga oras na ito. Hindi na naman ito nagpumilit at matapos akong paalalahanan ng kung anu-ano na ay pinutol na nito ang tawag.

Nanatili ako sa balcony habang nakatanaw sa malayo. Maya-maya pa ay narinig kong may nagdoorbell. Nakakunot noong tinungo ko ang pinto at sumilip sa peep hole para tignan kung sino ito.

Kumabog ang dibdib ko nang makilala kung sino ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto. Nanginginig ang kamay na pinagbuksan ko ito.

“H-hey. W-what are you doing here, Max?” I asked breathlessly ngunit nakatingin lamang ito sa akin. “Uhm, come in.” yaya ko dito nang hindi pa din ito nagsasalita. Pumasok naman ito. Sumunod ako sa kanya ngunit napatigil ako dahil bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

Ilang minuto pang nakatingin lamang kami sa isa’t isa pero nagulat ako ng bigla ako nitong higitin at yakapin ng mahigpit. “Why didn’t you tell us?” tanong nito habang nakayakap pa din. “Why didn’t you tell me?” ngayon naman ay may natunugan akong paghihinanakit sa klase ng pagkakasabi nito niyon. “We are your friends, Bianca. I am your friend.” Napapikit ako ng mariin matapos ay kumalas sa yakap nito. Lumayo ako dito at tumingin ako sa kanya, sinigurado kong walang emosyon na mababakas sa mukha ko.

“Hindi ko sinabi dahil hindi na mahalaga kaya para saan pa kung sasabihin ko sainyo? Para kaawaan niyo lang ako? Hindi ko kailangan ng awa, Max.” sabi ko. Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan ko. “Kung nagpunta ka dito para isumbat sa akin ang hindi ko pagsasabi ng totoo sa inyo, kung yun lang ang ipinunta mo ay makakaalis ka na.” Tinalikuran ko ito at naglakad na pabalik sa balcony ngunit bago ako makalayo ay nagsalita pa ito.

“I am not here para isumbat sayo iyon. I am here as a friend na gusto kang damayan because I care.” Napahinto ako sa sinabi niya ngunit nanatili akong walang imik. Narinig ko ang malakas nitong buntong hininga bago maglakad patungong pinto. Nilingon ko ito kaya naman ay nagtama ang mga mata namin. Bago ito tuluyang umalis ay may sinabi ulit ito. “You don’t need to pretend in front of the gang. We are here to make sure you’re okay. We are all willing to protect you. Please don’t keep us out, let us in. Let us be a part of you completely. Everyone felt bad that we didn’t even know that part of your past. The girls were crying especially Kath and Alcy. Ako, I can be your shoulder to cry on whenever you feel like crying over what happened to your parents or if anything goes wrong in your life. Hindi man tayo nagkakilala ng mas matagal but I am still your friend. I’ll always be your friend and I’ll always care for you. I owe you a lot, Bianca. I owe you my happiness.” At tuluyan na itong umalis.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now