Chapter 20

5.3K 89 2
                                    

Sapatos

Nandito ako ngayon sa taxi at panay ring na ng phone ko. Tawag na sila ng tawag sa akin dahil 30 minutes na akong late sa usapan namin. Lagot na! Kasalanan ko ba na sumakit ang tiyan ko at ang tagal ko sa banyo? Nakalimang balik ata ako buti nalang ay tumalab na yung gamot na ininom ko. Peste! Ano kayang nakain ko? Anyway, patay na talaga ako nito sa kanila. 

Nang tumapat na kami ng mall ay dali-dali akong bumaba sa taxi. Oy! Siyempre nagbayad ako, scary yung si manong eh. Lakad-takbo na ang ginawa ko papuntang coffee shop kung saan kami magkikita-kita. Nakita ko naman agad sila at nakatingin na sila sa akin ng masama. Uh, dapat siguro hindi na ako nagpunta? Nakakatakot sila.

“Hoy babae! Ano ka ba naman!? Usapan natin 1PM! Anong oras na? 30 minutes na kami naghihintay sayo! Panay na rin tawag namin, di mo man lang sinasagot!” bungad sa akin ni Des.

“Bakit ka late? Huwag na huwag mong sasabihin sa amin na na-late ka ng gising dahil kukutusan talaga kita!” gigil na sabi ni Alcy.

Itinaas ko ang kamay ko para patahimikin sila. “Pwede mag-explain muna? Kasi –“

“Dapat lang mag-explain ka! Aba! Pinaghintay mo kami!” putol ni Krizzy sa sasabihin ko.

“Kapal mo bakla! Eh late ka rin naman ng 20 minutes dyan!” panlalaglag dito ni Kath.

Natawa ako. Walang hiya talaga itong si Krizzy! Kung magalit akala mo on-time siya at naghintay din ng matagal eh sampung minuto lang pala ang pagitan namin. Binelatan ko nga!

“Yabang mo FG! Late ka din pala eh!” sabi ko pa dito ng natatawa. Nag-peace sign lang ito ng nakangisi na ikinatawa namin lahat.

“Pareho lang kayong dalawa! Ano? Bakit ka nga late?” baling sa akin ni Yan ng nandidilat ang mata. Ay tek! Akala ko okay na, eh!

Nalukot ang mukha ko. “Kasi nga sumakit tiyan ko! Naka-limang beses ata akong balik sa banyo. Jusko! Akala ko mamamatay na ako sa sakit tapos yung lumalabas pa yung—“ 

“Bastos nito! Nakita nang umiinom kami ng kape tapos idedescribe pa yun!” saway sa akin ni Alcy.

Natawa nalang ako.

“Tara na! Let’s just bring our drinks para makarami tayo ng bibilhin. Biancs, hindi ka oorder?” ani Carly.

Umiling ako. “Hindi na muna baka biglang magalburoto na naman ang tiyan ko sa coffee.” Sagot ko dito.

“Yes! Let’s go! I’m gonna buy new make-ups!” patiling sigaw ni Krizzy habang umaabrisiyete sa akin. Binatukan ko nga! Titili nalang kasi sa may tainga ko pa! Ngumuso ito at hinimas ang ulo.

Marami nang bitbit na paper bags sina Des, Yan at Carly habang kami nina Alcy, Kath at Krizzy ay kokonti palang. Mga rich kids kasi kaya yung matipuhan nila binibili agad. Sina Alcy at Kath alam ko may kaya naman pamilya nila eh. Si Krizzy naman mayaman yan yun nga lang wala daw siya masyadong magustuhan. Ako? Huwag na nating pag-usapan. Basta tama lang ang sweldo ko.

Pumasok kami sa isang shoe store. Sa labas pa lang ay may natipuhan na akong sapatos. Agad ko itong nilapitan at hinawakan pero nakita kong may isang pares ng kamay ding humawak dito. Nang tignan ko ang pangahas na humawak, si Carly pala.

“Ay bongga! Pareho kayo ng taste…sa sapatos.” Makahulugang sabi ni Krizzy with matching dramatic pause pa!

Ngumiti ako. “Kukunin mo ba? Sige, sayo nalang.” Sabi ko naman dito at binitawan na ang sapatos.

“Sure?” nag-aalangang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. “Yeah, titignan ko lang naman talaga eh. Nagandahan kasi ako pero ang mahal pala, di ko keri yan!” sabi ko dito ng natatawa. Tumawa lang din ito tsaka tinawag ang saleslady para magpakuha ng size niya.

Nagtingin-tingin nalang ulit ako ng iba ng may biglang sumulpot sa tabi ko.

“Hindi mo man lang ba ipaglalaban yung sapatos?” tanong sa akin ng baklang biglang tumubo sa tabi ko.

Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo at nakita ko siyang nakataas ang kilay sa akin. “OA mo, FG! Ipaglalaban talaga yung sapatos? Pag-aawayan talaga namin gaya doon sa mga palabas? Sapatos lang naman iyon no! Tsaka, bakit ako lalaban kung una palang alam kong talo na ako? Nakita mo ba yung price nung shoes? Muntik na akong mahimatay kaya kanya nalang dahil afford niya naman yun.” sabi ko ng hindi nakatingin dito kundi sa mga sapatos na nakadisplay.

“Bakit parang ang lalim ng pinaghugutan mo sa sagot mo, GF?” napatingin ako dito at nakita kong nakangisi ito sa akin. He’s looking at me like he knows something that I don’t.

“Whatever, FG! You are just overthinking! Ano naman paghuhugutan ko? Sapatos lang naman iyon! Adik lang? Anong nahithit mo ngayon?” I said flippantly.

“Paano kung hindi sapatos ang pinag-aagawan niyo ngayon? Hindi mo pa rin ipaglalaban?” he asked meaningfully. Now, I know what he’s trying to convey.

Napailing ako at natawa na lamang. “Like I’ve said, bakit ako lalaban kung alam kong una palang ay talo na ako? She can have ‘it’. I’ll gladly hand ‘it’ to her without us getting to a fight. Ayoko ng gulo and besides nandito ako para tumulong, hindi ang manggulo.” I told him evocatively while grinning.

He grinned back.

Natawa kaming pareho sa usapan namin. I know that he was referring to our complicated situation, well for me, that is. Max loving Carly and him using me to make her jealous then here I am, starting to like him. And if Carly wants him, I mean what I said, I’ll gladly hand him over without putting up a fight. Hindi dahil sa hindi ko kaya kundi dahil sa hindi dapat. Sila ni Carly ang nararapat at ayokong maging panira. I only like him, hindi pa naman love kaya bakit ko ipaglalaban? It’s not worth fighting for. Gaya ng sapatos kanina, hindi ko pinaglaban kahit gusto ko ito dahil alam kong hindi ko din naman afford bilhin ito whereas Carly can buy it kasi mayaman naman siya. Kung iyan yung sapatos na sinabi ko kina Alcy at Kath na pinag-iipunan ko talaga ay baka magkamatayan na dahil hinding-hindi ko ito bibitawan at ipapaubaya kahit na anak pa ng Presidente ng bansa ang kaagaw ko!

Nagpatuloy lang kami sa pagshopping, tumigil lang kami saglit para kumain tapos ay pinagpatuloy na ang paglilibot. Nang maggabi na ay napagod din kaming pito sa kakaikot kaya napagdesisyunan namin na magdinner. Kumakain kami sa isang restaurant ng bigla nalang may humalik sa pisngi ko. 

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon