Chapter 12

5.1K 89 2
                                    

Troublemaker Max & Bitchy Bianca

"Dude, naalala nyo nung first year highschool tayo? Nung makipagsabunutan si Max kasi may nambully kay Carly dati. Sino nga yung babaeng yun?" Panimula ni Rob. Tumawa naman yung iba.

"Oh yeah! That was so funny! Biruin mo talagang sinabunutan ni Max yung babae para lang kay Carly. Si Max Montelibano - the prankster - ay pumatol sa babae sa isang away?" tawa nang tawa na sabi naman ni Hans.

"The funniest part of that incident was when Tito and Tita were called by the guidance councilor and told them that their son got into a catfight! Imagine that?! Then, Tito asked him if he's gay!" sabi naman ni Jake at natawa ulit kaming lahat.

Tumatawang bumaling ako kay Max. "Maxi? You did that? Nakipagsabunutan ka talaga? Bakla lang ang gumagawa noon! Are you sure hindi ka bakla?" Nagtawanan sila sa tanong ko.

Max glared at me but then smirked. "Ako? Bakla? Ilang beses ko na bang napatunayan sa iyo na hindi ako bakla? Baka gusto mo ng pruweba na anak?" aniya. Natigil ang lahat sa pagtawa. Nakita ko ding napanganga si Carly.

Namula ako nung makuha kung anong gusto niyang iparating...na nagsesex kami at maraming beses na naming nagawa iyon. Alam kong hindi yun totoo at alam kong alam din nilang lahat iyon maliban na lamang kay Carly. Pero...walang hiya! Nakakahiya pa din iyon kasi may isang hindi alam ang totoo! Baka isipin nya na napaka easy to get ko namang babae. Argh! Shit tong unggoy na ito dinungisan pa ang reputasyon ko!

Hinampas ko sa braso si Max ng mahina pero kasabay nun ay kinurot ko sya sa hita gamit ang kabilang kamay ko para malaman nyang naiinis ako sa sinabi nya. Napangiwi sya.

"Ayyyy! Gusto ko ng baby girl ha, GF! Ninang ako!" sakay naman ni Krizzy sa sinabi ni Max.

Namula ulit ako. Pakshet! Akala ko ba past ang pag-uusapan bakit napunta sa future?! At teka nga! Anong future? So feeling ko, future talaga namin ni Max ang magkababy? Ganoon?

"Anong ninang ka? Ninong kamo! Magpasex change ka muna bago kita gawin ninang ng baby ko no!" I said trying to crack a joke out of what Max said. Napangiwi lang si Krizzy sa tinuran ko. Kahit kasi bakla yan ay ayaw nyang magpa sex change, takot daw kasi sya sa operation eh.

"Oh? Kwento pa, dali!" udyok ko naman sa kanila para maiba ang usapan. Langhiya naman kasi yung narating nung topic kanina eh.

"Eto nung highschool ulit...naalala nyo pa yung nung nilagyan natin ng glue yung table ni Sir Valderrama kaya lahat ng gamit nya nadikit sa table pati na rin yung braso nya?" sabi naman ni Hans na ikinatawa naming lahat. Seryoso iyon? Grabe pala itong mga ito nung highschool sila!

"Oo! Hahaha! Ang epic nung mukha nun ni Sir Valderrama! Hindi mo matukoy kung galit ba o nagpapanic dahil nakadikit na yung kamay nya sa table." Ani Yan.

"Hahaha! Grabe! Nagawa nyo talaga yun sa teacher nyo? Oh anong nangyari sa inyo? Nahuli ba na kayo ang gumawa?" tanong ni Kath habang tawang -tawa pa din.

"Ang sungit nya kasi, honey. Lalo na kina Des, Yan at Carly noon. Palibhasa ay bakla at inggit na inggit sya sa tatlo kasi nga magaganda ang mga ito idagdag pang close sa amin." paliwanag naman ni Jake.

"Oo nga! Lagi kaming pinapagalitan at pinapahiya nun dati sa klase. Type nga kasi nun sila..." sabay turo sa mga lalake. "lalo na yan si Max kaya super kawawa itong si Carly noon. Mabuti sa amin ni Yan ay hindi masyadong harsh yung pagpapahiya nya pero yung kay Carly...nako! Kung sigaw-sigawan ay akala mo sya ang nagpapalamon." Inis na sabi ni Des. Siguro ay naalala yung pinagdaanan nya sa bakla nilang teacher.

The Greatest PretenderOù les histoires vivent. Découvrez maintenant