Chapter 16

4.8K 92 1
                                    

Utos Ko

“Hi guys! Sorry, we are late may pinuntahan pa kasi kami ni Krizzy.” I apologized to them or more like to Carly because I bet they all know what Max had done.

“It’s okay.” Maikling sabi naman ni Yan.

“Hey, Krizzy! I thought you said you can’t make it today when I invited you?” nagtatakang tanong naman ni Carly kay Krizzy.

‘Hindi naman kasi talaga dapat siya pupunta kasi nga lalandi yan pero dahil sa magaling mong ex na sa sobrang excitement na makita ka ay kinalimutan na sunduin ang ‘girlfriend’ nito kaya ayan napurnada ang extra-curricular activity ng baklita!’ Gusto kong sabihin pero nanatiling tikom na lamang ang bibig ko.

Tumawa si Krizzy. “Kasi nga Carlygirl may pupuntahan talaga dapat ako ngayon, I mean, kami ni GF kaya lang wala daw sa bahay nila yung kaibigan namin.” Paliwanag nito. “Andoon na sana ako sa heaven naging impyerno pa!” nanghihinayang na bulong nito na ako lang ang nakarinig kaya naman ay napahalakhak ako ng malakas. Loka talaga.

Nang tignan ko ang menu at nakitang they serve Filipino dishes ay bigla akong naglaway. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kagutom. Umorder na kami. Habang naghihintay ng pagkain ay nagkwentuhan lamang kami, mostly about Carly. Kanino pa ba? Alangan about sa waiter?! Duh! *rolls eyes*

“So, Carly where are you planning to put up your boutique?” tanong dito ni Greg.   

“Hmm. I’m still searching the area but I really want it to be at a mall para maraming tao.” Sagot naman dito ni Carly.

“I can help you with that. You can have it on one of our malls, just tell me which location.” Max offered.

“Really? Sure! Thanks, Max! I’ll just inform you kung saan ko maisipang branch unang magtayo ng boutique ko.” Tuwang sagot naman ni Carly.

Biglang dumating ang mga pagkaing inorder namin. Share kami ni Max sa ulam, inorder namin yung relyenong bangus tsaka sinigang na hipon. Nakita ko din na nagshare-share din yung iba sa ulam nila. Sina Carly at Krizzy lang ang may isang ulam.

Nagsimula na kaming kumain. Pinaghimay ko si Max ng hipon at sinusubuan na din. Ang sweet ko lang at feel na feel ko talaga. Ako na kinikilig. Ang weird ko lang kasi ako na nga yung gumagawa ng sweet things ako pa kinikilig. Hahah! Hayaan na nga.

“Ako din subuan mo ko, love. Nakakainggit sila oh” Ungot ni Hans kay Yan sabay turo sa amin ni Max. Binatukan naman ito ni Yan na ikinatawa naming lahat. Pero, sinubuan lang din naman ito ni Yan. Kunwari din ito, nainggit din naman pala.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Nang matapos ang lahat ay biglang nagsalita si Des.

“How’s Kath? I know na hindi siya sumama ngayon dahil sa kay Jake.” Anito.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon