Chapter 25

5.4K 101 3
                                    

I Don’t Need

 

Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak. “Damn it! You’re not her. You’re not Carly.” Sabi nito at iniwan ako doon na nasasaktan sa mga sinabi niya.

Tumayo na din ako para habulin ito. I can’t let him drive. He’s drunk at baka kung mapano pa siya. Naabutan ko ito sa parking lot.

“Max, hey! Wait!” tawag ko dito pero hindi siya lumingon.

Akmang papasok na siya sa kotse ng pigilan ko ito. Buong lakas na iniharap ko siya sa akin. His face is blank.

“You can’t drive cause you’re drunk!” sabi ko dito.

“Will you please leave me the fuck alone!?” malamig na sabi nito sa akin at binawi ang braso niya na hawak ko.

“Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Okay naman tayo last night, di ba? We are friends di ba!? Max naman! I’m just concerned. Lasing ka baka mapaano ka sa daan.” frustrated na sigaw ko pabalik dito. Shit! Naluluha ako sa frustrations. Hindi lang sa ginawang pagtataboy niya sa akin kundi doon sa kaalaman na pati pagiging friends namin ay walang kasiguraduhan. I have never been frustrated like this with anyone!

“Concerned? Friends?” tumawa ito ng mapang-uyam. “I don’t need a friend! I don’t need you concerned with me. I only need Carly!malamig pa rin na sabi nito sa akin. Tinalikuran ako nito at umalis na.

Hindi ko siya nagawang pigilan. Ni hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko para habulin ang sasakyan niya. Para akong binugbog ng mga salita niya dahil nanghihina ako. Tinanaw ko ang sasakyan niyang papalayo at nanlalabo na sa paningin ko hanggang sa hindi ko na ito makita, hindi dahil sa di na ito abot ng paningin ko kundi dahil sa mga luhang nag-uunahang umagos mula sa mata ko.

Nagulat ako ng may bumusina sa likod ko. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at lumingon sa kung sinuman ang bumusina.

“Miss, excuse me. I have to park my car, you’re in the way.” Sabi nito sa akin mula sa nakababang bintana ng sasakyan nito.

“Sorry.” Ang sabi ko nalang dito at umalis na doon.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok. I called in sick kahit wala naman akong sakit. Namamaga lang ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.

Ang saya naman talaga kasi. Kung kailan naamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya tsaka niya ipapamukha sa akin na hindi ako ang kailangan niya. Sa sobrang saya ko ayun umiyak ako magdamag.

Akala ko kahit papaano may pag-asa. Umaasa din naman akong mababaling sa akin ang atensyon niya, na pagkatapos ng palabas namin ay baka sakaling ako na ang gusto niya. Pero nagkamali ako, maling mali ako na umasa na mangyayari iyon dahil wala pa man hindi pa man tapos ang lahat ay pinutulan niya na ako ng pag-asa. So, bakit ko nga ba ipaglalaban ang nararamdaman kong ito? Para saan pa? I thought I still have time to make him feel my love but my most dreaded day came too soon. He didn’t even give me a chance to be with him. He pushed me away. Hindi pa nga ako nagsisimulang ipaglaban ang kung ano mang meron kami ay alam ko na ang resulta.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now