Chapter 29

5.1K 99 0
                                    

Sunsets and End Call Button

Tinignan ko itong muli at ngumiti dito. “Thank you.” Nakita kong napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng mukha niya. “Thank you for being honest with me but I want you to fight for him. Gusto kong lumaban ng patas. What happened before was not because you two fell out of love, you just needed to do what you were supposed to do but the love is still there. Hindi mo kasalanan nang mangarap ka at lalong hindi kasalanan ang sundin ang puso.”

Nakatingin lamang ito sa akin. “Honestly, when you came back I noticed some changes on Max. I figured out maybe because he still loves you and if he still does, I don’t want to tie him down with me when he’s supposed to be with you. If he chooses you, I can let him go. I can give him back to you as long as you promise you’ll never hurt him again. Ang hangad ko lang naman ay ang kaligayahan niya at kung sayo siya sasaya, maiintindihan ko. Tatanggapin ko.” Ang sakit sa dibdib ng mga pinagsasabi ko. There might be lies in what I have just said but it’s only that I’m acting as if I’m Max’s real girlfriend and that I’m willing to fight fairly for his heart. It’s quite ironic that I used the word ‘honestly’ when I’m actually telling a lie.

 “Pero Bianca—“ pinutol ko ang sasabihin nito

“Carly, please? Ayoko nang mahirapan pa tayong tatlo. Alam kong naguguluhan na ngayon si Max. Alam kong nasasaktan ka din kapag nakikita mo kami. At ako, nasasaktan na din ako. Para ito sa ikatatahimik nating tatlo.” Now this. This is purely the truth.

“An-anong gusto mong gawin ko?” tanong nito sa akin.

“I’ll — I will break up with him and I want you two to give it a try again. Be with him. Let him know that you still love him. Make him happy. ” sagot ko dito. Ang hirap sabihin nito dahil sa bawat katagang binibitawan ko ay parang may kahoy na humahampas sa puso ko.

“A-are you s-sure?” nauutal nitong tanong sa akin na may halong pag-alala ang boses. Tumango lamang ako at tipid na ngumiti dito.

 “W-what if ikaw pala ang mahal niya but you gave him to me?” tanong ulit nito sa akin.

‘Impossible. He loves you. Only you. Hindi mo na kailangan mangamba dahil hindi mangyayari na ako ang mahal niya.’ Gusto kong isagot pero hindi ko magawa.

“Then let him go and let him be with me. Let’s play fair nga di ba? If I’m the one he loves, let us be happy.” Bullshits!

Heto na naman ang lintik na puso ko. Ilang beses nang dinurog at binugbog pero umaasa pa rin na sana nga ako nalang ang mahal niya, na ako na ang mahal niya.

Tinignan ako nito ng matagal, mukhang sinusukat kung seryoso ba ako hindi. “O-okay. Is it really fine with you?” tanong nito sa akin. Yung totoo girl? Paulit-ulit ka?! Baka gusto mong magbago isip ko at huwag nang ibalik sayo si Max?!

Tumango lamang ako dahil natatakot akong traydurin ako ng sarili kong boses.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. It wasn’t awkward at all pero hindi ko alam kung anong iniisip niya at wala akong balak alamin iyon dahil busy ako sa pagpapakalma ng sarili kong emosyon.

Ngayon lamang ito nangyari sa akin, ang mawalan ng control sa feelings ko.

Nang makabawi ay tumawag ako ng waiter para magbill out.

“No, Bianca. It’s okay. Let me.” Pigil nito sa akin nang akmang magbabayad na ako.

Hindi na ako tumutol nang ito ang magbayad dahil aarte pa ba naman ako? Ang mahal kaya nun at wala akong pera.

“Sige Carly, aalis na ako. Thanks for the lunch!” Paalam ko dito ng nakangiti.

“No. I should be the one thanking you.” Sabi nito sa mapagkumbabang tinig at ngiti.

Tumango lamang ako dito at umalis na. Hindi ko ito nilingon dahil ayokong makita niya ang lungkot at sakit na rumehistro sa mukha ko oras na tumalikod ako dito.

Naglakad lang ako ng naglakad ng tirik ang araw dahil ala-una palang ng hapon. Wala akong pakialam kung umitim man ako o magkapaltos ang paa ko sa kakalakad papunta sa lugar na hindi ko alam. Kahit naman umitim ako ay babalik din naman sa dati ang kulay ko at kahit magkakalyo ako sa paa ay mawawala din ito sa oras na nagpafoot spa ako. Walang wala ito sa kalingkingan ng nararamdaman kong sakit sa mga oras na ito.

Namalayan ko na lamang na naglalakad ako sa may bay. Tumigil ako at tinanaw ko ang dagat. Sana kasing kalma at payapa ng dagat ang puso at utak ko. Dahil ngayon, ang daming gumugulo na mga tanong sa isip ko. Itinatanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagpapakamartyr. Bakit ko sinasaktan ang sarili ko kung ako mismo ay pagod nang masaktan? Siguro ay pupwede na akong patayuan nang monumento sa pagiging martyr ko.

Nakaupo lamang ako doon sa isang bench na nakaharap sa dagat. Pinapanood ko ang mga alon at ang paglubog ng araw. I have always loved sunsets dahil ito ay sumisimbolo sa katapusan. Lahat ng bagay, maganda man o masama ay kailangang magwakas, ito ay may hangganan. This is the reality of life and even life itself has to end. Sa madaling salita, hindi lahat ng bagay na nararanasan mo ngayon ay siya pa ding mararanasan mo bukas o sa makalawa. Sunsets always remind me that there is hope that my miseries would eventually end and there might be something good that will happen after. It made me realize that endings aren’t as bad as they sound.

Nanatili pa ako ng ilang oras doon just thinking. Nakita kong tumatawag si Max kagaya na lamang kagabi. Siguro ay pumunta na naman ito ngayon sa restaurant para sunduin at makausap ako. But, I decided to ignore his calls. I stared at the ‘end call’ button.

Habang nakatingin sa ‘end call’ button ng tawag niya ay may nabuong desisyon sa isip ko. Handa na ako. I’m ready for whatever consequences there will be with my decision.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now