Chapter 47

6.6K 112 2
                                    

Sweetest Regret

Warning: Rated SPG. 

Huling gabi na namin ngayon dito sa Palawan kaya naman ay nagkayayaan nang mag inuman. Andito kami ngayon sa may shore at nakapalibot sa bonfire. Panay ang asaran, kwentuhan at tawanan.

Ako naman ay lumilipad na naman ang isip sa mga darating na araw. I'm leaving the day after tomorrow. Hindi ko alam kung kailan ako ulit babalik o kung babalik pa nga ba ako. I'm torn between my want to stay in touch with my friends and my need to move on. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi magiging madali ang gagawin ko. Ano pa nga ba't sinubukan ko na ito pero hindi ko pa rin nagawa. But this time, I am more determined and this time I'm going to do it right.

Magpapaalam na ako sa kanilang lahat ng matiwasay, kung kinakailangan kong sabihin ang totoong dahilan ay gagawin ko. Wala na akong sikretong ititira.

It's a shame, really. Ayokong madamay ang pagkakaibigan naming lahat pero hangga't may naguugnay sa aming tatlo nina Max at Carly ay mananatili akong nakabaon.

But maybe, kapag okay na ako at kaya ko na pwede na ulit kaming lahat magsimula ng panibagong pagkakaibigan. Ngayon palang ay naluluha na ako sa kaisipan na mawawalan ako ng mga tunay na kaibigan.

Tumayo ako para maglalakad lakad at makalayo sa kanila dahil ano mang oras ay tutulo na talaga ang luha ko. Nagtinginan sila sa akin.

"San ka punta?" Nagtatakang tanong ni Jerome.

"Dyan lang, maglalakad-lakad." Laking pasasalamat ko nang di ako pumiyok.

"Samahan na kita." Sabi nito at akmang tatayo na.

"No! I mean, okay lang kahit wag na." Tarantang sagot ko dito. Tinitigan ako nito saka dahan dahang umupo ulit. "S-sige, balik ako agad." Tumalikod na ako at naglakad palayo nang hindi na hinihintay ang sasabihin pa nila.

Nang medyo nakalayo layo na ako ay hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko. Tumakbo ako patungo kung saan nagaagaw ang tubig ng dagat at ang buhanginan. Mabuti nalang at madilim sa banda dito.

"So tell me, why are you crying?" Napapitlag ako sa gulat. Hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay tumalon palabas ang puso ko.

"G-gosh Jerks, you scared the day lights out of me!" Sabi ko dito nang di naitago ang pagpiyok.

"Sorry. Alam ko kasi na may mali kaya sinundan kita." Nakatingin ito sa akin ng may simpatiya.

"I-it's... I-I'm leaving you know that, right?" Tanong ko dito. Nakita ko namang tumango ito.

"Yeah so? Alam nating lahat na aalis ka para sa career mo. They all know that from the very beginning. Now, what's wrong?" Malumanay na sabi nito at kinabig ako para aluin. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang ang kamay niya ay hinahaplos ang buhok ko.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now