Chapter 31

5.8K 113 4
                                    

Panibagong Simula

Nakaupo lang kami doon after kumain. Nagkwentuhan, nag-asaran, nagharutan at naglandian. Kahit ganon lang ang ginawa namin ay enjoy na enjoy naman kami dahil panay ang tawanan naming dalawa. Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan din namin na magzipline.

“Waaah! Ang taas pala nito. Ayoko na! Ikaw nalang!” nagpapanic kong sabi dito nang kami na ang susunod. Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.

“Oyy bawal umurong. Samahan mo ako! Akala ko ba matapang ka? Chicken ka pala eh.” Nang-aasar na sabi nito sa akin at gumawa pa ng gesture at sounds nang manok.

Tinignan ko ito nang matalim. “Heh! Hindi mo ako madadaan sa ganyan no! Basta hindi ako tatawid dyan sa lintik na bangin na yan! Ano ako? Bali? Eh kung maputol yung tali niyan? Okay nang matawag na chicken huwag lang munang anghel!” sigaw ko dito.

“OA mo naman. Hindi yan mapuputol. Ligtas naman yan. Sige na! Sakay na tayo, samahan mo na ako. I’ll hold your hand so you won’t be afraid. Ano, game? Tara na! Tayo na ang sunod oh!” sabi nito na magkapinid ang kamay sa harapan at nakapuppy dog eyes. Putapete!

Bumuntong hininga. “Fine! Basta huwag mo akong bibitawan, okay? Ikaw ang ihuhulog ko dyan sa bangin kapag binitawan mo ako!” Pagpayag ko sa gusto nito kasabay nang pagbabanta. Ano pa nga ba? Hindi niya nga ako madadaan sa pang-aasar ngunit sa puppy dog eyes niya naman ako nadala. Argh! Bakit ba ang hirap tumanggi? Ang cute niya kasi. Huhu! Napasubo tuloy ako sa zipline na ito. 

Ngumiti siya nang malapad at hinila na ako papunta dun sa mga lalake para lagyan kami ng mga harness. Buong oras na nilalagyan kami ay hawak hawak niya lang ang kamay ko at hindi niya talaga binitawan.

Nung nakapwesto na kami sa may dulo ay bigla siyang nagsalita. “Kapit ka lang, ayaw kong mahulog ka sa bangin.” May himig nang pagbibiro ang tono niya.

Napatingin ako sa kanya. DM na naman!

Kanina ka pa! Nahulog na nga! There was nothing I can hold on to that time that’s why it’s too late for that now! Ang lalim na nang kinasasadlakan kong bangin.

 

Napatili ako nang bigla kaming itulak. “AAAAAAAAH! Shit! Wala man lang pasabi?” sigaw ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

 

Narinig kong tumawa siya. “Open your eyes, babe. Hindi mo maeenjoy kapag nakapikit ka.” Sigaw rin nito para marinig ko siya.

I slowly opened my eyes. Una kong nakita ang mga puno sa baba ng bangin, unti unti akong lumingon sa paligid ko, nasasanay na din ako sa feeling nang parang nakalutang sa ere. Ang sarap palang lumipad! Inextend ko ang kamay ko sa harap ko at sumigaw nang “Darna!”. Feel na feel ko talaga siya. Tumawa si Max nang malakas nang makita at marinig ang ginawa ko. Ginaya din niya ako pero sumigaw naman siya ng “Superman!”

Nang makaabot kami sa kabilang dulo ay tawa pa din ako nang tawa.

The Greatest PretenderWhere stories live. Discover now