Chapter 2

768 20 0
                                    

Samantha

"Gosh, Pat! I swear! I'm gonna kill you, If you don't stop using my make up's! Try to buy your own make-up naman!" Napatakip nalang ako ng tenga sa lakas ng boses ni Seb. Naiinis na tinignan niya si Patrick Tuazon or Pat. Seb and Pat is gay.

"Ugh. What's the use of buying if you have these?" He rolled his eyes at tsaka niya ipinagpatuloy ang pagme-make up sa sarili niya. Nakatingin lang ako sa kanila ng inosente. Wala naman akong ginagawa kaya tinititigan ko nalang sila.

May kanya-kanya kasi silang ginagawa. Si Cath seryosong nagce-cellphone. Si Seb at Pat nagme-make up kaya eto ako ngayon. Staring at them intently. Napatingin naman sa akin si Seb at tsaka lumipat ang tingin sa tabi ko.

"Flowers again? Ikaw na talaga! Ikaw na ata ang hindi nauubusan ng admirers!" Napatingin naman ako sa bulaklak na nasa tabi ko at tsaka ko ito inamoy. Napangiti nalang ako.

"She like flowers. Inggit ka lang bakla!" Asar naman sa kanya ni Pat na nakatingin ngayon sa amin. Napaismid nalang siya sa aming dalawa at tsaka niya kami tinalikuran.

"Why would I? Madami kaming flowers sa bahay!" Napatawa nalang ako ng mahina at tsaka ko inilapag yung flowers sa tabi ko. Tumabi ako kay Pat na busy sa paglilipstick. Napatingin naman siya sa akin.

"You want to try?" Umiling lang ako at tsaka tinignan ang mukha niya. Bakit kaya siya nagmemake-up? Eh maganda naman yung kutis niya ah? Parang artista nga yung kutis niya eh. Napanguso nalang ako.

"Why are you always applying make-up on your face?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa ginagawa niya at tsaka niya ako tuluyang hinarap.

"Ganito kasi yan, girl...." Gulat na napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas. And there again, andito na naman yang mga lalaking yan. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka ako umayos ng upo. Hindi ko sila tinignan.

"Oh my gahd! Fafa!" Malanding tili ni Seb at tatakbo na sana siya ng pigilan siya ni Pat. Nagdadabog na tinignan niya ito kaya hindi sinasadyang natabig niya ang kamay ko kaya tumama sa mesa.

"Gosh! Sorry, Sam!" Akmang lalapit siya sa akin pero umiling nalang ako at tsaka ako ngumiti.

"Ano ka ba, It's okay." Napanguso nalang siya sa sinabi ko. At tsaka niya hinarap si Pat.

"Yan! Kalandian mo! Not my brother! Sasakalin kitang bruha ka!" Banta niya kay Seb. Naiiling na pinanuod ko sila.

"Eh! Why? Magiging manugang mo ako kung pakakasalan ako ni Wadensel!" Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Seb. Narinig ko namang nagtawanan ang mga kasama niya.

"Sebastian Alvarez!" Mariin na tawag ni Wadensel dito kaya napatingin na ako sa kanila. Nakita ko na naman yung galit sa mukha niya. Araw-araw 'yan galit eh. Total opposite ni Pat.

"Yes baby?" Malanding humarap siya dito pero yung maangas na mukha agad ni Wadensel ang nasalubong niya kaya mas lalo siyang tumili. Kunot noong nakatingin si Wadensel sa kanya.

"Do you really wanna die?!" Nanlaki ang mga matang umatras agad ito at napipilitang tumawa.

"H-Hindi ka naman mabiro. Joke lang eh!" Napatawa nalang ako ng bigla siyang tumakbo palayo pero napatikom ang bibig ko ng ako naman ang balingan niya ng masama kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"Bakit kayo nandito?" Taas kilay na tanong ni Pat sa kanila.

"Uhm. Let's just say that we used our most effective technique, Patrick." Nakangising sagot ni Zander sa kanya. Ngumiwi naman si Pat sa kanya.

"It's Pat. P.A.T. Pat!" Diin na sabi niya sa kanya pero instead na ulitin niya ay dumila nalang siya at pasalampak na naupo sa sofa.

Well. Since kina Pat 'tong school na 'to ay may sarili silang head quarters dito sa rooftop para pagtambayan pag walang ginagawa.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon