Chapter 10

534 15 0
                                    

Pagkapasok ko sa school ay sinalubong agad ako ng kaibigan ko ng mahigpit na yakap. Napangiti nalang ako kay Cath dahil sa sayang nakikita ko sa mga mata niya.

Ito ang gusto kong makita sa kanya. Ang totoong ngiti niya. Sa likod ng aking ngiti ay ang nakatagong katotohanang pagsisinungaling ko.

Balang araw. Buong puso kong tatanggapin ang galit na mararamdaman nila pagnalaman nila ang katotohanan. Alam kong balang araw ay malalaman ni Seb at Pat ang totoo.

Handang-handa akong saluhin ang masasakit na salitang matatanggap ko mula sa kanila. Ayokong makita silang malungkot habang nakangiti. Yung masaya sila pero nakatago yung lungkot nila.

Kinausap naman ako ni Cath at sinabi niyang masayang-masaya siya para sa akin.

Halos umiyak pa siya sa harap ko sa sobrang tuwa kaya niyakap ko nalang siya. Pagkatapos ay bumalik na kami sa room at tsaka kami nagkwentuhang tatlo. Ikwinento naman ni Pat yung step-mother nila.

"Alam niyo ba kung bakit ayaw namin ng ugali ng babaeng 'yon?" Biglang tanong niya sa amin. Bigla naman akong nacurious kaya nakinig ako ng mabuti.

Sinabi niyang nung una maganda daw naman ang ugali niya yung tipong parang anghel pero patagal na patagal na nakakasama nila ay umiiba na daw ang ugali nito. Lumabas daw ang tunay na kulay niya.

Hindi mukhang pera pero demonyo naman daw ang ugali. Araw-araw daw na sakanila niya binubuntong ang galit niya. Minsan na daw niyang nasampal si Wadensel nung sinagot-sagot niya ito dahil sumusobra na daw siya sa pagsasalita. Kaya hanggang ngayon ay hindi parin sila magkasundo.

Naiintindihan ko na ang dahilan ni Wadensel. He really hate his step-mother na everytime na nakikita niya ako ay step-mother niya ang naalala niya.

Halos lahat sila sinasabihan ako na mukha daw akong anghel. At akala niyang katulad ako ng step-mother niyang mukhang anghel pero hindi naman maganda ang ugali.

"Ms. Montecillo." Napatingin ako sa tumawag sa akin sa labas ng room namin. Agad naman akong tumayo at lumapit sa babaeng tumawag sa akin.

"You are excuse Ms. Montecillo. You need to practice for the upcoming competition." May binigay siya sa aking listahan ng mga excuse ngayong araw at ibigay ko nalang daw ito sa classmates ko para ibigay sa professor namin mamaya. Binigay ko yun kay Seb at tsaka ako pumunta sa may swimming area.

I'm craving for the golden trophy. Bata pa lang ay mahilig na akong sumali sa swimming contest, despite of my illness nagagawa ko pa ding gawin ang pangarap ko. Pero iba ngayon eh. The golden trophy na galing sa pinakakilalang swimming professional creator of trophies.

Simula nung bata ako ay yan na ang gustong-gusto kong kunin pero kailangan kong sumabak sa pinakamalaking pagsubok. Gaya nalang ng posisyon ko ngayon. Isang laro nalang ay malalaman na kung sino ang makakakuha ng Golden Trophy pero mas kilala sa bansag na Goldentroph. Kahit yan lang ang matupad okay na sa akin.

Nagsimula na akong magpractice pabalik-balik. Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil gustong-gusto ko talagang mapasaakin ang Goldentroph na pangarap ko. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kahit may sakit ako ay kaya ko pa ding mamuhay ng normal. Na makamit ang pangarap ko. Mas lalo kong binilisan ang paglalangoy at nakaramdam ako ng sakit sa kaliwang balikat ko kaya nagpahinga muna ako.

Umahon ako sa pool at tsaka ako umupo sa may bench sa malapit dito sa pool. Pinakiramdaman ko ang sakit at tsaka ko inikot-ikot ang kaliwang balikat ko. Maya-maya ay naging okay naman.

"Sam!" Napatingin ako sa entrance at nakita kong pumasok ang mga kaibigan ko kasama sina Wadensel. Marami akong hindi nalalaman ah? Mukhang close na kasi ang mga kaibigan ko sa kanila. Pero ang ipinagkakataka ko ay sobrang close ni Denver at ni Cath. Baka nanliligaw na siya sa kaibigan ko.

"Bat ka nakahawak sa balikat mo?" Tanong ni Seb agad. Napansin ko naman na hindi ko pa pala naalis ang kamay ko.

"Ah, wala. What's that?" Turo ko sa supot na dala niya.

"Eto ba?" Sabay taas ng supot na dala niya. Tumango ako.

"Kakain kami dito para may kasama ka." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Kasama sila?" Turo ko sa badboys. Tinaasan naman ako ng kilay ni Wadensel habang yung iba ay kumindat sa akin at ngumiti.

"As if namang gusto ko din." Bulong niya na narinig ko. Napanguso nalang ako.

"Yes kasama sila. Ikaw ba naman ang mawala ng one month, siyempre friends na kaming lahat dahil sa magkapatid naman sina Pat at Wadensel." Paliwanag naman niya sa akin. Tumango-tango nalang ako.

"Tama na muna ang practice! Kumain ka muna!" Ayan na naman yang bunganga ni Cath na nakalunok ng microphone.

"Ay! Ingay mo!" Sita sa kanya ni Den. Tinaasan niya lang ito ng kilay at inirapan. Natawa tuloy ako. Tumayo nalang ako pero imbes na pupunta sa kanila ay dumiretso ako sa pool.

"Mamaya na ako. I need to practice." Sabi ko at tsaka nagsimulang lumangoy ulit. Sobrang saya ko naman dahil feeling ko ay bumilis ang kilos ko. Hindi ako tumigil magpractice pero biglang kumirot na naman yung kaliwang balikat ko kaya tumigil ako sa paglangoy.

Nakangiwing minasahe ko ito habang nasa gilid ako ng pool. Umahon na ako at tsaka ako dumiretso sa cr para magbihis. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanila na tapos ng kumain. Umupo ako sa baba ni Pat at kaharap ni Wadensel dito sa bleacher.

"Tapos ng lumangoy ang sirena!" Tumawa si Pat tsaka niya sinuklay yung buhok ko na lagi niya namang ginagawa.

"Aba! Kung totoong sirena ka lang magpapalunod na ako!" Pagbibiro ni Zander na ikinailing ko. Narinig ko namang tumikhim si Wadensel.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Naiinis na tanong niya sa mga kasama niya. Halos lahat naman ay umiling na ikinasimangot niya lalo.

"Psh!" Nagsimula na naman siya sa pagsusuplado niya. Bakit hindi nalang siya umalis? Hindi naman hawak ng kaibigan niya yung mga paa niya.

Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko ugaling mamilit kung ayaw talaga ako ng isang tao. Kaya nga hindi ko na siya pinapansin baka magalit na naman sa akin. Mainitin pa naman ang ulo niya.

"Kailan ang competition?" Tanong bigla ni Vic. Nagsimula naman na akong kumain.

"Two days from now. Kanino 'tong iced tea?" I asked them.

Naiinom na kasi ako kanina pa. Tsaka puro softdrinks kasi yung iniinom nila kaya yung iced tea nalang ang nakita kong pag-asa para matapos ang problema ko. Sabay na napatingin sila sa taong nasa harap ko na nakatingin lang sa harap kanina pa.

"Ahm. Can I?" Nahihiyang tanong ko kay Wadensel. Tumingin naman siya sa akin tsaka sa iced tea. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Lahat kami ay naghihintay sa sasabihin niya. Nahalata niya atang naiinom na ako kaya tumango nalang siya. Agad kong ininom yung iced tea and only to find out na nakatingin na sila sa akin except kay Wadensel na nakangisi.

"Omg! Nag-indirect kiss sila!" Bigla akong napaubo ng mahina dahil sa biglang panunukso nila. Natatawang pinampag naman ni Pat yung likod ko. Feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha. Halos kumabog ng malakas yung puso ko.

"Naks! She's blushing!" Tukso naman si Cath na ikinakilig ng dalawang bakla. Nahihiyang napatingin ako kay Wadensel na halatang nagpipigil ng ngisi. Umiwas nalang ako ng tingin at tsaka ko ibinalik yung iced tea.

"San ka pupunta Sam? Hindi mo na ba kaya at isisigaw sa malayo yang kilig mo?" Panunukso sa akin ni Pat kaya dali-dali akong lumabas sa pool area. Grabe! Nakakahiya! Sa susunod magbabaon na ako ng tubig! How stupid of me!

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon