Chapter 16

452 17 0
                                    

Everybody's giving me a confused looked habang naglalakad ako palabas ng condo building nila Wadensel. Nagbaba naman ako ng tingin para maiwasan sila hanggang sa nakalabas na nga ako at saktong dumating ang kotse nila daddy.

"Goodness! What happened to you?" Sabay-sabay na sabi nila habang umiiyak ako at nakatingin sila sa mukha kong may sugat.

Lumapit naman sa akin si daddy at tsaka niya ako niyakap. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang mga kapatid ko at tsaka si mommy.

"Fuck! Dad. I'm going to the police station. I'll give justice of what had happened!" Galit na galit na sinabi ni kuya at hindi ko na siya napigilan dahil agad siyang pumara ng taxi. Galit na sumunod din ang dalawa ko pang kapatid. Sino bang hindi magagalit pag nakitang sugatan ka? I looked like sh*t now.

"Dad! Sundan natin sila kuya. Baka anong gawin nila." Natatarantang sabi ko habang umiiyak. Pinakalma naman ako ni mommy.

"Hush, baby. I also want to follow them pero hindi kita kayang iwan na ganyan. Sinabi kong 'wag kang palabasin ni Wadensel!" Tila naiinis na bulalas ni daddy.

"He doesn't want me to go too. Ako yung lumabas dad dahil gusto ko ng umuwi." Sabat ko kaagad sa kanya. Baka masisi pa si Wadensel dito.

Wala siyang kasalanan. Sa lahat-lahat kasalanan ko kaya hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob. It's my fault to be in trouble.

Yung nangyari kanina, kasalanan ko yun. Kung hindi ko nalang sana sinampal yung lalake at kinausap ko nalang sana siya ng maayos ay hindi hahantong sa ganito. At yung about kay Wadensel. Kasalanan ko. Ako mismo ang gumawa ng sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. I should've stop this. Tama si kuya Zeijan.

I let myself fall for him this hard. Hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob sa kanya. He's just being honest. Hindi ko naman siya mapipilit mahalin ako eh. Tao lang din siya at hindi robot na dapat kontrolin ng iba. Kaya kahit masakit at mahirap. Susubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Handa akong gawin ang lahat para sa kanya na kahit sa bandang huli ay ako rin ang masasaktan. Ganyan ko siya kamahal. I'll sacrifice my happiness for him.

Nagsabi naman na ako na gusto ko ng umuwi at pumayag naman sila. Tatawagan nalang daw ni daddy si Wadensel para magpasalamat sa panggagamot sa akin.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Panay naman ang lingon ng mga katulong sa akin pero ngumingiti lang ako sa kanila. Marahil ay hindi nila inaasahang makikita akong ganito.

"Ang tamlay mo baby? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy ng mapansin ang pagkabalisa ko. Mabilis na umiling naman ako dahil sa pagod.

"I want to rest." Mahinang sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila ni daddy at tsaka nila ako hinalikan sa noo ko.

"Okay, you should rest baby." Agad naman akong umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko palang ay tumungo agad ako sa cr. Hindi para maglinis ng katawan. Sumuka ako ng sumuka dahil sa paghapdi ng tiyan ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan. Ayaw kong mag-alala sina mommy. Ayokong dagdagan ang pagaalalang nararamdaman nila.

Hindi naman ako mamamatay sa pagpapanggap na okay lang ako. Napatingin ako sa salamin pero biglang umikot yung paligid ko. Mabuti nalang at napahawak ako sa sink.

Hilong-hilo akong lumakad papunta sa kama ko at tsaka ako humiga. Nagsimula akong humikbi habang yakap-yakap ko ang unan. At pilit iniwawaksi ang mga masasakit na salitang nanggaling sa kanya pero sadyang parang kutsilyo ito na pilit bumabaon sa utak at sa puso ko.

Kinaumagahan ay hindi ko parin maiwasang maging malungkot pero ng dahil sa ngayon gaganapin ang swimming competition ay nabalot din ako ng saya.

Pilit ko nalang hindi inaalala yung lungkot na nararamdaman ko. Kinausap ko sina daddy na 'wag na muna akong kunin ng private nurse dahil hindi naman masyadong umaatake yung sakit ko.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now